“Then try it, Mr. William. Try it!”
Naghahamon na tugon ni Serena. Red couldn't even utter a word all he could do was to stare at Serena with so much frustration. Hindi man lang natinag si Serena at buong tapang na sinalubong nito ang titig niya.
Namayani panandalian ang katahimikan sa kanilang dalawa, habang ang mga mata ay kapwa nakapako sa isa’t-isa.
“I have to go!”
Tinig ni mang Nelson ang bumasag sa katahimikan. Nag-isang kumpas na napalingon sila sa may edad na lalaki. Binitawan niya ang braso ni Serena at humarap ng buo sa may edad.
“Maraming salamat, mang Nestor.” Muling pasalamat niya.
“Kay Miss Serena ka magpasalamat. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko sa’yo ipagbili ang lupa at Rancho. Serena convinced me that you are a good man, at basi sa nakikita ko, she is indeed telling the truth.”
Napalingon siyang muli kay Serena. Ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay. How could Serena still consider him a good man after what happened the previous night and after all the insults he threw at her? How could the man says na mabuting tao si Serena?
‘Who are you? Sino ka ba talaga?’
Bigla ang pagsagi ng mga katanungan na iyon sa isip niya sa hindi malaman na dahilan. Napakurap siya at agad na iniwas ang paningin mula kay Serena at muling bumaling sa may edad na. Nginitian niya ito.
“It’s a pleasure having a bussiness with you, Mang Nestor.”
“Same here young man,” ani mang Nestor sa kanya. Kapagkuwan ay nilingon nito si Serena at nginitian. “Maraming salamat iha.”
“Walang anuman po, Mang Nestor. Huwag nyo po ako kalimutan na tawagan kapag nasa canada na po kayo ha? Pangako po, aalagaan ko si Sylvester, at winter. Papadalhan ko po kayo palagi ng mga litrato.”
Mang nestor smiled. Ang mga mata nito ay napuno ng paghanga kay Serena. Paghanga hindi s****l, kundi paghanga bilang indibidwal. An admiration of character. Hindi naman talaga niya maikaila sa kanyang sarili na mabuting tao si Serena, ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit nagawa nitong basta na lamang ibigay ang sarili sa kanya.
She even come to the point of blackmailing him. Bakit ganun? Bakit nito nagawa ang bagay na iyon? And who is Alex Tan in Serena’s life? Kung sakaling may relasyon ang dalawa hindi na dapat nito ginawa ang makipagtalik sa kanya. Worst is, nakipagtalik ito sa kanya ng wala siyang consent.
He was fvcking drunk and intoxicated. Wala siya sa tamang kaisipan.
He hates the tought na ang magandang babae na tulad ni Serena ay isang mababang uri ng babae. Ayaw tanggapin ng pagkatao niya ang isipin na iyon. Higit pa man ng puso niya. Mayroong tinig sa kasuloksulokan ng isip niya ang sumisigaw at nagsasabing kilalanin ang babae. Ngunit pilit na binalewala niya iyon. Pilit kinokontra.
He knew the moment na hayaan niya ang munting tinig sa isip na iyon na maghari at hayaan ang sigaw ng puso niya ay siguradong mapapahamak lamang siya. Higit sa lahat ay masasaktan niya lamang ang pamilya niya at ang asawa niya.
Serena hugged the old man. Nagyakapan ang dalawa. Kung titingnan ang dalawa ay tila mag-ama ang mga ito. Pagkatapos yakapin ng may edad si Serena ay muli itong ngumiti. Umangat pa ang kanan na kamay nito at marahan na hinaplos ang pisngi ni Serena.
“Salamat sa lahat, iha…”
“Walang anuman po, Mang Nestor.”
For a moment he was stunned. Napatanga na napalipat-lipat ang paningin niya kay mang Nestor at Serena. Matagal na ba na magkakilala ba ang dalawa? Mas lalo siyang namangha ng makitang namula ang mga mata ni Serena. Kapagkuwan ay mabilis na umangat ang isang kamay nito at pinahid ang luha bago pa man iyon pumatak.
‘Sino ka ba talga? Sino ka Serena de Jesus?’
Kusa ay muling lumitaw ang katanungan na iyon sa isip niya. Katanungan na hindi magawang sambiting ng mga labi niya. Humakbang paalis si Mang Nestor. Sinalubong ito ni Alex Tan. Maging ito ay niyakap ang may edad. Pagkatapos ay ngumiti ito na lumingon sa kanilang kinaroroonan.
Muli ay bumangon ang inis sa kaibuturan niya ng makitang nginitian nito ng matamis si Serena, Serena is smiling back. Ang matamis na ngitian ng dalawa ang nagpapatunay na tama ang hinala niya. May intimate na relasyon ang mga ito. That thought made his blood boil. Bumangon ang matinding inis sa kaibuturan niya.
Inis para kay Serena.
Matinding inis na para bang gusto na lamang niya itong hablutin at ilayo ito sa lugar na ito. Ilayo mula kay Alex Tan. and why the hell he do that? Ano ba ang pakialam niya? Ano ba itong pinag-iisip niya? Nagseselos ba siya?
“Fvck no!”
Tumahimik ang buong paligid. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya. Nagtatanong ang mga titig. Oh, crap! Holy crap! He was contradicting his thoughts, hindi niya napigilan na lumabas ang pagmumura sa bibig niya dahil sa matinding inis niya sa sarili.
“Ikaw—” Serena suddenly pointed her finger at him. “Kailan ka natutong magmura sa harap ng maraming tao ha? Ano ba ang problema mo?
Serena's finger froze in the air while pointing at him. Maging siya ay namangha at napatitig na lamang kay Serena. She was right. Hindi siya palamura. Not even in the crowded place like this cafe. Ngayong mga nakalipas na araw lamang, simula ng dumating ito sa buhay niya. But what made him stunned was, paano nito nalaman na hindi siya palamura?
“A-Are you pointing your finger at me right now miss de Jesus?” utal niyang tanong. Ngunit hindi iyon ang katanungan na gusto niyang itanong.
Ang katanungan na totoong nasa-isip ay, ‘Sino ka ba talaga? Why do I always see her in you?’
Napatingin si Serena sa sariling kamay partikular na sa hintuturo nito, kapagkuwan ay napatingin muli sa kanya, saka muling titig sa hintuturo na nanatiling nakaturo sa kanya. She blinks her eyes. Ang magandang mga mata ay palipat-lipat na nakatingin sa kanya at sa hintuturo nitong nakatutok sa mukha niya.
“What? Wala ka bang balak na ibaba iyang kamay mo?”
Umangat ang isa pang kamay nito at hinawakan ang hintuturo na nakaturo sa kanya saka ibinaba nito iyon. “I-ikaw kasi. B-Bakit ka kasi biglang nagmura dyan? Ang lakas ng boses mo, alam mo ba yun?” inilibot nito ang paningin sa paligid. “Tingnan mo nga ang mga tao dito sa loob nakatingin lahat sayo. Hindi ka ba aware na maraming mga bata dito sa loob?”
She is indeed right. Maraming kabataan ang nasa loob. He suddenly felt ashamed of himself. Ngunit sa halip na aminin ang pagkakamali ay taas noo na hinarap niya si Serena. After all ito ang may kasalanan. Kasalanan nito dahil ginulo nito ang buhay niya.
“Magmura ako kailan ko man gusto. Is there any law that prohibits people from swearing? Mayroon bang rules sa cafe na ito na nagsasabing bawal magmura?”
“I-ikaw—”
“Don’t you dare tryin’ to raised your finger on me again, Miss de Jesus, sakaling gawin mo ulit iyan, hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa trabaho.” wika niya ng akma nitong muling angatin ang kamay.
Agad na tinalikuran niya ito at saka humakbang paalis.
“Hindi mo magagawa yun!”
Natigil siya sa paghakbang. Kapagkuwan ay muling napalingon rito. Napakunot siya ng noo. “At bakit hindi?”
“Sakaling gagawin mo iyon, hindi rin ako magdadalawang isip na sabihin sa lahat ang sikreto mo. sasabihin ko sa lahat may may tattoo ka dyan malaki at—-?”
Bago pa man nito matapos ang sasabihin at tuluyan na mapahiya ay mabilis pa sa kidlat na humakbang siya pabalik at hinablot ito sa braso. Patalikod na niyakap niya ito ng isang braso at tinakpan ang bibig nito.
“Tumahimik ka!” niyakap niya ito ng mahigpit, at binuhat saka humakbang palabas ng cafe.
Serena is giggling, as if she was enjoying what he did to her right now. Hindi man lang ito pumalag. Humawak lamang ang mga kamay nito sa braso niya. Kabaliktaran iyon sa kanya, na halos gusto na lamang niya itong itapon sa labas ng cafe.
“Could you please, put her down!”
Tinig na iyon ang nagpatigil sa kanyang paghakbang. Nasa bungad na sila ng cafe. Lumingon siya. It was Alex Tan. Kunot ang noo ng lalaki hakbang humahakbang ito papalapit sa kanilang kinaroroonan.
Wala siyang nagawa. Binitawan niya si Serena. Ayaw niyang makagawa ng eksena sa loob ng cafe, kahit na para na niyang gustong sakalin si Serena.
“Alex!” Nakangiti na sinalubong ni Serena si Alex.
“May problema ba?” Alex asked. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at Serena.
“Nope. Nothing!” Umiiling na nakangiting tugon ni Serena.
Napahilot siya sa kanyang batok. He felt uneasy. Ang weird lang. Hindi niya maintindihan ang sarili. Para niyang gustong hablutin ulit sa Serena palayo mula kay Alex Tan.
Serena smiles at Alex, he fvcking hates it!
“I want to remind you about our dinner tomorrow night,” ani Alex kay Serena.
“Yeah, no worries—”
“We leave tomorrow, pupunta tayo ng Rancho. I need to see the Ranch myself.” Sansala niya. Ni hindi niya napag-isipan ang salitang lumabas sa kanyang bibig.
Serena stared at him. Nagtatanong ang titig nito. Ngunit wala na siyang pakialam. Wala sa plano ang pagpunta sa Rancho, pero anong magagawa niya? Nasabi na niya ang bagay na iyon ng hindi niya napag-isipan.
Binalingan ni Serena si Alex. Humakbang ito ng isang hakbang at hinawakan ang kamay ng lalaki. Naiwas niya ang paningin. Itinuon ang paningin sa mga sasakyan na nakaparada sa labas ng cofe shop.
What the heck!
His heart.
He felt a pinch of pain in his heart.
Hindi niya talaga alam kung bakit siya nakakaramdam ng ganito. Kahit paulit-ulit na isipin at itanong sa sarili ay wala siyang makuhang kasagutan.
“Sorry Lex—”
“I understand, Rena. No worries may ibang araw pa naman.”
He took a deep sigh trying to calm his stirring emotions. Ngunit nahagip ng paningin niya na tumungo sa mukha ni Serena si Alex at akmang halikan ito sa pisngi agad na tumikhim siya.
Ang akmang paghalik ni Alex kay Serena ay naudlot. Sa halip ay napatingin ito sa kanya maging si Serena.
“It’s time to go!”
His voice was loud. He is commanding.
“Alex, I have to go now. Pasensya ka na. Oras pa kasi ng trabaho ko.”
WALANG nagawa si Serena kundi ang umalis at iwan ang matalik na kaibigan. Nakangiti siya habang nakasunod kay Red.
‘Suplado!’
Nakanguso siya habang nakasunod rito at nakatingin sa malapad nitong likuran. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan bago ito lumingon sa kanya.
Gusto niyang tumawa ng makita ang nakakunot nitong noo. Nakaguhit sa mukha ang matinding frustrasyon. Hindi man lang siya nakaramdam ng kahit katiting na intimidasyon.
Siya ang higit na nakakakilala sa kanyang pula. Kaya kahit anong emosyon ang pinapakita nito sa kanya alam niyang kabaliktaran iyon sa totoong nararamdaman nito.
“Sakay!” Ma-awtoridad nitong wika sa kanya.
Mas lalong lumapad ang pagkangiti niya. Kanina kasi nauna na siya rito sa cafè kasi inisip niya na baka hindi siya nito isasabay. Sobra-sobra pa naman ang ginawa niyang pang-iinis rito. Dumating na siya sa punto na ginamit niya ang pagkalalakì nito upang manatili lamang sa tabi nito.
Mabilis ang hakbang na tumungo siya sa sasakyan at agad na sumampa. Pagkapasok niya ay agad na sumampa si Red at pumosisyon sa driver seat saka pinaharurot ang sasakyan.
Ang sarap lang sa pakiramdam na katabi niya ito sa loob ng sasakyan. Gad, pitong taon na ang lumipas ng huli itong nangyari. Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata niya. Agad na ikinurap niya ang mga mata bago tuluyan na bumagsak ang luha.
“Pasensiya na. Hindi na mauulit,” aniya sa mababang tinig.
“Ang alin sa mga ginawa mo ang hindi na mauulit? Sa tingin mo maniniwala ako sa’yo na hindi na mauulit iyon?”
“Huwag mo na kasi akong takutin na tanggalin sa trabaho. Ginawa ko lang naman iyon para manatili sa trabaho… isa pa. Hindi lang naman ikaw ang may tattoo dyan sa…” aniya sabay nguso sa gitnang hita nito.
“A-Anong pinagsasabi mo? You stop, Miss de Jesus—”
“Meron din ako. Gusto mong makita?”
Bigla ang pagpreno ng sasakyan. Halos tuloy masubsob ang mukha niya.