Chapter 61: Nagkasagutan Humiga na ako sa kama para matulog dahil wala naman akong mapapala sa kakaisip sa asawa kong lasing wala rin naman akong pakialam kong anong dahilan niya ako ba o kahit sino at kung ako naman ay hindi niya ako masisi kong nasasaktan siya sa sitwasyon namin dahil siya ang may gusto nito, ginusto niya ang nangyaring kasalan namin kaya dapat handa na siya sa nangyayari ngayon. Pinagsabihan ko na siya unang una pa lang simula nung bago pa lamang kaming magkakilala ngunit ang tigas pa rin ng ulo niya. “Mas mabuting matulog na ako at ng makapagpahinga na rin,” ani ko sa sarili saka ipinikit ang mata. Nakatulog naman ako agad dahil siguro sa puyat sa paghihintay kay Anton at sa antok dahil dis oras na ng gabi. Kinaumagahan ay maaga akong nagising tulad pa rin ng d

