Chapter 109: Pressure “Sinabi mo na sana Anton na kusa akong tumulong sayo hindi mo naman kasalanan isa pa wala naman akong gagawin kinabukasan diba kaya nagpaliwanag ka sana sa kanila,” ani ko. “Kahit na Anna talagang ayaw ni mama na mapuyat ka hindi iyon makikinig sa akin sasabihan lamang ako na huwag mag matigas ang ulo.” “Kanina pa ba sila dumating?” “Oo Anna.” “Ginising mo na lang sana ako kahit mahimbing ang tulog ko kasi puwede naman akong matulog pabalik mamayang tanghali.” “Huwag na natin yan pagtalunan kasi hindi na natin maibabalik pa ang kanina ahmp gusto mo bang maghilamos muna?” tanong niya sa akin. “Oo Anton gusto.” “Alright.” Binuhat na ako ni Anton tapos nagtungo kami sa banyo para gawin ko ang dapat gawin sa umaga. Hindi naman ako nito hinayaan at tiningnan laman

