Chapter 69: Malaya Nakikita ko sa mga mata ni Anton na nasasaktan siya habang binibitawan ang mga katagang iyon sa akin. “Salamat Anton sa pagrespeto mo sa desisyon ko.” “Iyan ang gusto mo Anna at ayaw kong ipagsiksikan pa ang sarili kong ayaw mo talaga sa akin.” “At Kung aalis ka Anna siguraduhin mo lang na tulog na ako o di kaya hindi ko malalaman baka magbago pa isip ko,” bilin sa akin ni Anton kasabay ng pagtalikod at nagtungo sa kusina. Nang dumaan siya sa sala ay nakita kong may dala siyang alak sa kamay habang patungo sa kanyang kwarto. Masaya ako dahil malaya na ako ngunit nasasaktan rin ako para kay Anton subalit ganun naman talaga. Pumasok na rin ako sa aking kwarto para magsimula ng mag impake sa lahat ng damit kong narito. Bukas na bukas rin ako aalis dito sisiguraduhin k

