Chapter 63: May Hiya Rin Tinapos ko na muna ang panood ng palabas bago ako lalabas sa bakuran para magwawalis na naman gusto kong may gagawin para hindi ako masyadong makapag isip ng kahit ano. Tumayo na ako ng matapos ang palabas. Hindi na ako nagpaalam pa kay Anton hindi naman ako aalis bakit pa ako magpapaalam sa kanya lalabas lang naman ako para magwalis. Kinuha ko ang walis tingting sa lalagyan nito at sinimulan na ang pagwawalis. Dapit hapon na rin kasi kaya hindi na masyadong mainit rito sa labas. Ang presko pa ng hangin sariwang sariwa ang malalanghap mo dito kaya masarap talaga manirahan sa medyo bukid bukid na lugar. “Bago ko pa na walisan ito ang dali daling rumami agad ng mga tuyong dahon,” sabi ko habang tinitingnan ang paligid. Malakas naman kasi ang hangin saka dito la

