Chapter 44: Hinintay Nagising lamang ako ng ginising ako ni Anton nnahihiya pa nga ako pero nagkusot na lang muna ako ng aking mga mata. Bumangon na agad ako sa kama niya saka nagsalita. “Pasensya na at nakatulog ako,” ani ko. “Ayos lang,” sagot naman ni Anton. “Anong oras na ba nasan si bunso?” “Mag aala una na Anna hindi na sana kita gigisingin kaso alam kong wala ka pang kain kaya ginising na kita ng makakain na tayo ng pananghalian,” sabi ni Anton. “Ang tagal ko palang nakatulog ginising mo na sana ako nung natapos kayo rito,” ani ko pa “Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi ma kita ginising sabi rin kasi ni Arthur ka hayaan ka raw kasi pag gigisingin ka masisira raw ang araw mo,” nakangiti nitong sabi. “Ayos lang naman na ginising mo ako huwag kang maniwala sa sinasa

