Chapter 4: Palengke
Pagkatapos na magmeryenda si Anton ay nagpaalam na ito kay Inay pero gusto pa sana ni Inay na dito na lang din si Anton maghapunan sa amin kaso tumanggi na si Anton at nagpasalamat na lang dito. Mabuti nga at tumanggi na iti akala ko papaunlakan niti ang pag anyaya ni Inay sa kanya.
“Aleng Alana aalis na po ako maraminh salamat po sa masarap na meryenda na inaalay mo sa akin,” sabi ni sir Anton.
“Nako sir maghapunan ka na lang din sana rito sir bago umalis,” sagot naman ni Inay.
“Huwag na Aleng Alana aalis na po ako maraming salamat na lang po sa susunod na lang kasi may pupuntahan pa po ako.”
“Ay ganun po ba sir sige sir hindi na kita hahawakan pa para magtagal rito mag ingat ka sa pagmamaneho,” sabi ni Inay.
“Sige Aleng Alana salamat po,” ani sir Anton.
“Anna ihatid no si sir sa labas,” sigaw sa akin ni Inay.
“Opo Inay,” sabi ko na lang para madali.
“Tara na ho sir Anton,” sabi ko sa kanya.
Sumunod naman ito sa akin palabas at ng makarating sa sasakyan ay nagpasalamat na lang din ako sa kanya dahil hinatid niya ako at pinasabay pag uwi kahit puwede namang hindi kasi kaya ko naman na mag antay ng jeep kahit maglalakad lang patungo sa amin nasasanay na rin naman ako kaya ayos lang pero mabuti na rin dahil hindi na ako naglakad kanina.
“Salamat po sa pagsabay at paghatid sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Your welcome ana,” ngiti nitong sagot.
“I go now,” ani nito sabay bukas ng sasakyan niya.
“Sige sir ingat po kayo.”
Ngiti lang ang naging togon nito kaya lumayo na ako sa sasakyan nito dahil sinimulan na nitong paandarin saka nagpreno sa akin hudyat na aaalis na ito pagkaraan ng ilang minuto ay nawala ito na parang hangin.
“Kamusta na kaya si Andrew,” tanong ko sa sarili kahit nasasaktan ako ay inaalala ko pa rin naman ito.
Bumalik na lang ako sa bahay para makapagbihis na baka pupunta akong palengke dahil magtitinda pa ako ng mga prutas at gulau room ako ang papalit sa kapatid ko.
“Kami pala ni inay nakalimutan ko,” ani ko sa sarili.
Sasamahan ko pala siya sa palengke sa pagtitinda sana magkita kami ni Andrew doon kahit saglit lang para makapag usap ng maayos kasi bigla na lang niya akong iniwan kanina nagalit yata siya sa sinabi ko sa kanya tungkol sa sinabi rin ni Inay.
Nakapasok na ako sa bahay at naabutan kong naghahanda na rin si Inay para pupuntang palengke
“Bilisan mo ang kilos Anna magbihis ka na para makaalis na tayo,” sabi nj Inay.
“Opo Inay saglit lang po,” sagot ko naman sabay pasok sa kwarto at saka dali daling nagbihis.
“Tara na po Inay,” sabi ko pagkalabas ng kwarto kay Inay.
“Ako na po magdadala ng bag niyo,” sabi ko pa.
“Oh hala ikaw ang bahala Anna.”
Kinuha ko nga ang dala nitong bag saka kami lumabas ng bahay. Naghihihtay na kami ng masasakyang tricycle papuntang palengke halos doon na yata ang kinagisnan kong buhay iyon ang bumubuhay sa amin araw araw ang pagtitinda ng prutas at gulay sa palengke. Ito na rin ang siyang nagtustus ng aking pag aaral ngayon sa kolehiyo.
“Parahin mo iyong tricycle na paparating Anna,” sabi sa akin ni Inay.
“Sige po Inay,” sagot ko naman.
Kinawayan ko nga ang tricycle na paparating sa tapat namin wala naman kasi iting sakay kaya huminto ito ng makita kaming pumapara sa kanya.
“Manong berto ikaw po pala iyang magandang hapon po,” sabi ko nito.
Kilala na kami ng ilan sa mga drayber ng tricycle dito sa amin kasi halos araw araw kami sa kanila sumasakay kong papuntang palengke.
“Alana,” bati ni mang berto kay Inay.
“Ikaw pala iyan Berto mabuti at wala kang sakay sa iyong tricycle,” sabi ni Inay.
“Oo nga Alana may hinatid rin kasi ako roon asawa ni Toni,” wika pa ni mang Berto.
“Ah kaya pala.”
“Sakay na Inay,” wika ko kay Inay.
“Oo Anna ako na maun sa loob.”
“Opo Inay.”
Nauna na ngang sumakay si Inay at sumunod naman ako saka na tumakbo ang tricycle ni mang Berto.
“Magtitinda na kayo sa palengke?” tanong ni mang berto.
“Oo Berto kagawian hindi puwedeng hindi magtinda kasi walang kakainin to sila Anna pag ganun,” sabi ni Inay.
Tahimik kang akong nakaupo sa tabi ni Inay habang nag uusap ang mga ito sasagot lang ako pag tinatanong at tatahimik rin ulit pagkatapos. Wala kasing ibang laman ang isip ko kundi yung katipan ko lang na si Andrew. Nag iisip ako kong nandoon baa iyon ngayon sa palengke dahil magdadahilan ako na iihi kong sakali na nandoon siya para mag usap kami saglit.
Nakarating na kami sa palengke ng hindi ko namamalayan doon ko lang napagtanto ng huminto na ang tricycle ni mang Berto.
“Heto Berto ang bayad maraming salamat,” sabi ni Inay.
“Sige salamat rin Alana,” ani naman ni mang Berto.
Lumabas na nga kami ni Inay sa tricycle at nagsimula ng maglakad papasok ng palengke nauuna sa akin si Inay kasi sinadya kong magpakahuli para tingnan ang paligid baka nandito na si Andrew nagbubuhat ng mga basket diti sa palengke kahit anong mabubuhat wala itong pili hindi mo rin naman masabing hindi gwapo si Andrew may hitsura din naman ito kayumanggi nga lang kasi palaging bilad sa araw. Hindi naman siya yung tipo na hahabulin dahil sa mukha niya may maganda lang talaga itong pangangatawan kasi halos araw araw nagbubuhat ng mabibigat kaya ganito yung katawan niya matipuno. Hindi ko alam kong bakit ayaw na ayaw ni inay sa kanya mabait naman si Andrew kaya nagtataka talaga ako laging idadahilan ni inay na hindi ako kayang buhayin ni Andrew na may magandang bukas
“Ewan ko kay Inay bakit ayaw na ayaw niya kay Andrew ehh lagi naman niyang makikita iti at binabati pa siya pero dinededma lang niya.”
Lingon ako ng lingon sa paligid ngunit wala talaga akong nakitang Andrew na nagbubuhat yung nga kasama niya lang yung nakita ko hindi ko naman matanong kasi nandiyan si inay sa aking tabi kaya minabuti ko na lang na sumunod sa kanya baka mapagalitan na naman ako mapahiya pa ako sa maraming tao na nanduti sa palengke.
“Bilisan mo nga yang lakad mo Anna baka pagod na iyong kapatid mo roon mauna ka na muna dun kasi may pupuntahan lang ako saglit,” sabi sa akin ni Inay.
“Sige po Inay,” sagot ko naman sa kanya.
“Susunod ako agad roon kaya bantayan mo muna.”
“Opo.”
Naghiwalay na kami ni Inay ng daan kasi ako papuntang pwesto namin habang siya ay may pupuntahan baka kasama niya na nagtitinda rin dito sa palengke. Marami talagang tao pag dapit hapon na diti sa palengke dahil kakauwi lang galing trabaho saka bibili rito ng mga bibilhin. Ibat ibang klase ang dadayo rito sa palengke namin kaya busy talaga pag ganitong iras kaya binilisan ko na agad ang aking lakad para makarating na agad sa pwesto namin kasi yung isa ko lang na kapatid ang nagbabantay at kanina pa iyong umaga baka paniguradong pagod na iyon. Ako na man ang magbabantay para makauwi na rin ito at makapagpahinga sa bahay at makakain. Nasilayan ko na ang aming pwesto at nakita ko ngang marami ng bumibili at medyo busy na ang aking kapatid sa pakikipag usap sa mga mamimili kaya ng makarating ako ay kinaussap ko agad ang isang ginang kong ano ang bibilhin niya