Cooper Family

4566 Words
Cooper Family~ (Masayang makakilala ng isang taong hindi mo pa nakikilala sa buong buhay mo. Lalo na kung yung taong yun ay alam mong magiging malapit sayo. Minsan may takot, kaba at pangamba na baka maaaring temporary lang sila sa buhay mo at pag nagtagal ay umalis din. Masakit yun, OO ! Ang kailangan mo lang ay tiwala at acceptance na walang permanenteng bagay sa buhay ng isang tao.) Pagpasok ko ng condo ko, lumong-lumo ako sa nangyari. FIRST time nangyari yun sakin. Kaya naupo muna ako saglit at saka pinagmasdan ang natirang glove sakin. Naisip ko bigla na baka gustong mangyari ni God yun kasi diba, hindi ko naman magagamit yung glove na nasa akin kung wala yung isang pair, or kaya naman talagang magkikita at magkikita pa talaga kame kasi nga napunta sa kanya yung isang pair ng glove ko at tsaka sa una pa lang naman gusto na naming yung gloves, so baka nga. At saka tuluyan na kong naguluhan at nainis. "WhatEver !" sabi ko habang ginulo ko ang buhok ko at itinapon ang glove sa sofa at dumiretso na sa kung saan man para mag-ayos na. -------. Im about to sleep na when someone texted me. Tweet..tweet Tweet..tweet.. SMS.. Nagtaka tuloy ako kung sino yun kasi 4 am na. Nagdalwang isip pa ko kung kukunin ko kasi pagod na ko dahil sa nangyari and all is set na para sa pagtulog ko. Pero in the end, kinuha ko rin kasi nalimutan ko pala sya dun sa kinaupuan ko kanina na medyo malapit lang din naman sa kwarto ko. Sa pilit na paglakad ay narating ko nga ang kinaupuan ko kanina at pagkita ko sa kung sino ang nagtext ay napangiti na lang ako saka binasa. One message received Fr: Sissy Dessa -Hey ! Sissy.. Call me later. Have sumthin to tell yah !Gotcha ? Of course I replied. To: Sissy Dessa -Yah ! Of course I gotcha. Always ( Wait until what time na ba jan ? Fr: Sissy Dessa -Oh my Sissy, dont tell me Dahhh. Okay okay.. Its time to call me now. Napapangiti na lang ako habang nagtetext. Kasi pag si Sissy na ang kausap ko napakakikay ng dating. As if namang magiging kikay ako, PARTY ROCK nga diba ? Kaya palagi ko syang inaasar or kaya naman iniinis kasi natutuwa talaga ako sa kanya. Shes one of my friend. Oh not just a friend but a close KIKAY friend. Haha To: Sissy Dessa -Sissy ! Im serious. You want me to call you right ? Its mornight na kaya, baka mahuli ka ni Dad mo. Lagot ka don. You will not get an allowance plus no hangouts. Want it ? Fr: Sissy Dessa -Of course not ! Hindi ko ata kaya yun. Okay okay Sissy. Dont tell Dad na tumawag ako sayo ha. Ammm, wait. Kelan ka ba babalik dito ? To: Sissy Dessa -Dont know Sissy. Maybe Soon. Okay Goodnight. Call you tomorrow morning ( Wake up early. Labyah. Keep Rockin Fr: Sissy Dessa -Okay. Labyah Sissy. Goodnight . ------- --- Hindi kasi sya nagcocall sakin hanggat hindi ko sya binibigyan ng permiso. She is Maureen Dessa Laylo Padilla. One of my KIKAY friend. Nakilala ko sya dito sa Korea when I was in Xiang University. Pero kalaunan lumipat din sila sa Pilipinas kasi napakapasaway nya. 17 years old lang sya, mas matanda ako ng isang taon but muka lang kaming magka-age. Now Im a 3rd year college student na, dito pa rin sana sa Xiang University pero ewan ko ba kay Dad kung bakit nya ba gustong sa Pilipinas na lang ako magtuloy ng studies ko aside naman sa pagiging pasaway ko, wala na kong naiisip na ibang reason.. Para ko na syang kapatid, a younger sister who told me stories. Kaya masaya ding nakilala ko sya. Ang communication na lang namin ay through internet kaya parang magkasama na rin kami but things will change na kapag nakabalik na ko sa Pilipinas. (Im excited na ng konti lang) At FINALLY makakatulog na rin ako. Thank You GOD. Goodnight. 7 am* "Oo-oh My !" Singhal ko ng biglang tumunog ang fone ko. Hindi ko naman ganon kaaga sinet ang oras aaah, mga 10 pa nga ang balak ko. Tss. 2 hours lang ang tinulog kooo. Umupo ako at saka uminat. Napaface-palm na lang ako ng maalala kong hindi ko pala ini-off yung pang 7am ko kasi nga 7am ang klase ko dati at nasanay ako pumasok ng late. Wala akong nagawa kundi bumangon na. Toot toot..toot toot.. Tinatawagan ko na si Sissy dahil nangako ata ako sa kanya na maaga akong tatawag, at sobrang aga nga. All lines are busy now, please try again later. Toot toot toot. Huh ? Ngayon lang naging busy ang fone nya kasi everytime na pinapatawag nya ko, inaantay nya talaga yun. Or baka naman tulog pa at lobat na ang fone nya. Siguro nga. Kaya ipinatong ko muna saglit sa mini table ang fone ko. Hindi ko na lang muna pinansin at saka nag-ayos na ng sarili. -----------. While starring at the mirror. "This is my last day dito, dapat hindi maging boring ang araw na to. KJs are not allowed. saka tumawa ng malakas." XD Nagring bigla ang fone ko at nakita ko ang name ni Tita Margarita. Sinagot ko agad. Nagulat ako e kasi hindi naman nya ko tinatawagan, ngayon lang. "Yes tita ?" "Hi my dear pamangkin. Don't be late huh." "Late for what ?" nagtaka ako. Anong meron ? "Basta, I love you Lane." "Oh, I love you too tita Ma." Saka binaba na nya ang fone nya at ako nagtataka pa rin. She's sweet now and I don know why. Oo nga pala she's Tita Margarita Cooper Forte, I call her Tita Ma kasi sa lahat ng kapatid ni Dad ay sya ang tumayong 2nd mother ko, well 10 lang naman silang magkakapatid and lahat nakapag-asawa na. Si Tita Ma kasi ang pinakamalapit sakin dahil magmula nung iniwan kami :( ni Mom, sinalo nya agad ako. Pero dahil nga sa busy rin sya sa work katulad ni Dad, malimit ko lang din syang makasama. Sa dami na ng angkan namin, iilan lang ang kilala ko sa kanila. Kahit na yung iba ay nagkalat lang dito sa Korea. Well, hindi ko naman kailangan kilalanin sila lahat. Tinawagan ko agad si Dad. Toot..toot..toot..toot. Nagriring pero di nya sinasagot. "Pick up Dad. Ill be late talaga. Kung ano man yung sinasabi ni Tita Ma." sabi ko habang palakad lakad lang. Hindi pa rin sinasagot. Toot.. Dial ko ulit. And sa wakas. "Hey Dad ! Whats the matter with Tita Ma.?" dali dali kong sinabi. "Have you eaten your breakfast my princess ?" Na-touch ako bigla kasi minsan na lang nya ko tanungin ng mga ganung bagay. Actually ngayon na lang ulit. Busy sa work e. "Not yet Dad. Ill go na lang sa coffee shop para magbf." nakangiting sabi ko. "Did you finished packing up your things? " "Aaah hindi pa din Dad. Ang aga pa kaya. Maybe later na lang after ko gawin ang mga gagawin ko." tapos naupo naman ako sa sofa. "At ano na naman ang gagawin ng princess ko ? Is it important ? Postponed it." seryoso na ang boses ni Dad. Kanina ang sweet sweet nya tapos ngayon iba na. Hay si Dad talaga. "But Dad ! This is my last day diba. Gusto ko naman maenjoy ang araw na to." sagot ko sa kanya. "No princess. Pack up your things na. And pahatid ka na lang kay manong." serious voice again. "What Dad ? Ang aga naman. Please Dad, I want this day to be mine." Pagbigyan mo na ko. Narinig kong nagbuntung-hininga si Dad. Yes. Papayagan na nya ko sa wakas. "No. Gawin mo na ang sinabi ko sayo. Okay ? I love you my princess." Pinilit na naman ako ni Dad. Ano pa nga ba. Wala na kong magagawa. "Okay Dad. Love you too." sabi ko ng malumanay. Pero dis-agree talaga ako sa kanya. Sa ganitong kaagang oras, mag-iimpake ako at magpapahatid na ? Just so weird lang. Well, maiintindihan naman siguro ako ni Dad kung gagawin ko ang gusto ko ngayon. Haha. Nakaisip na naman ako ng evil idea. Sorry Dad but this day is mine. ---------- --. This day is the day na magkakaroon ng reunion ang Cooper family. First time mangyayari to for so many years. Naisip gawin ito ng Dad ni Lane para na rin sa opportunity ng company nya at para makilala na rin ng daughter nya ang mga ka-angkan nya. Special ang araw na ito para sa Dad nya, kahit na gusto nyang payagan si Lane na gawin ang gusto nyang gawin ay hindi nya ito pinayagan for the sake of the reunion. Surprise na rin para kay Lane ang mangyayari. Sa lahat kasi ng magkakapatid ay Dad ni Lane ang pinaka-asensado though lahat naman sila, sabihin na nating mas umangat pa. -----. Lumabas na ko ng condo unit ko nang hindi man lang nag-iimpake ng kahit na ano. Dala ko lang ang mga importanteng bagay na palagi kong dinadala. Habang naglalakad ako papuntang elevator dahil nasa dulo pa ang room ko, when I reached the 2nd to the last room before ang elevator ay may narinig akong boses na parang sumisigaw. Hindi naman sa chismosa ako pero malakas talaga ang pagkakasigaw nya. "No way Dad ! Just No way !" at saka nya dinabog ang door siguro. Dumiretso na lang ako sa elevator, siguro just like me hindi rin maganda ang gising nya. Hindi naman halata sakin na 2 hours lang ang tulog ko kasi Im pretty. Haha. Toot..toot..toot..toot.. Tinawagan ko ulit si Sissy kasi 8 am na baka naman gising na sya. "Hi Sissy ! I miss yah. When will you back here ? I cant wait to see you na." At bago pa ko makasalita ay nakasalita na nga sya. "I miss yah too Sissy. Ill surprise you. Dont worry." saka ako tumawa "Ooooh. I love surprises. I have lots of stories to tell you." sweet voice "Really ? Im excited na, but anyways, dead batt ka ba kanina mga around 7 am?" tanong ko "A-aah. Yes ! My fone is ringing and when I grab it and saw its you, na dead bat. I forgot to charge it ee. Sorry." napatawa sya ng mahinahon lang. "Its okay. Dont be sorry. So ? Whats the matter ?" "Oh yes. I have boyfriend na sissy." mahinhin lang "Really ? Oh you must introduce him to me para makilala ko." "Of course I will. Sana pumasa sya sayo." natawa bigla. "Lets see." natawa rin ako. Nasa ground floor na ko at palabas nang makita kong andaming press at camera na nakahara. Kaya nagbabye muna ako kay Sissy Dessa. "Call you later. Bye." saka ibinulsa ang fone. Hindi na naman to bago sakin. Kahit naman hindi ako artista ay parang ganun na din dahil anak ako ng businessman. Minsan nakakainis pag nagmamadali, pero minsan nakaka-enjoy rin. Ngayon nagmamadali ako kaya tatakasan ko sila. Miss Lane. Miss M. Miss. Tawag nila sakin. Dahil tumakbo agad ako papunta sa secret door ko, buti na lang naka rubber shoes, shorts at hanging blouse lang ako, madali ko tong nagawa. Yung secret door ako lang at si April ang nakaka-alam. Tuwi kasing uuwi ako ng condo ko, dahil nga kilala sila ni Dad ay pinababantayan din naman nya ko, dun ako dumadaan pag nag-hahangout kame at madaling araw or umaga na umuuwi. "Hey !" napatigil ako bigla Si April ay papasok ng secret door namin. Haha for sure kakauwi nya lang galing hang-out. "Nagmamadali ?" tanong nya "Oo e, daming press sa main door. Alam mo na." "Oh yes, I know. Have some fun ?" "Yes." parang naiisip nya ang naiisip ko. "Susunod ako." ang tibay talaga nitong si April. Kakaiba. "Sure. Ill wait. At samahan mo na rin ako sa lahat ng lakad ko. You want?" "Of course I want. Sige. I'll change clothes lang ha." "Okay." tapos nagbeso na kami at nagbabye. May secret parking din dun ng kotse ko. Haha. Minsan ko lang kasi gamitin ang car ko for rush purposes. Haha. Its a black Gallardo Lamborghini. Favorite ko to e. Sumakay na ko at saka nagway sa una kong pupuntahan, ang favorite coffee shop ko. Naisip kong di pa rin ako nagbibreakfast kaya dun agad ang diretso ko. Coffee shop.* Kadadating ko nga lang sa coffee shop na pagmamay-ari rin ni Dad. Ito yung pinakafavorite kong puntahan sa lahat ng shops ni Dad, minsan nga nagwowork ako dito for FUN lang. Haha. Kilalang kilala na nga ako dito e, even yung mga customers kaya hindi na bago sa kanila pag nagmamadali ako or what. Pagpasok ko. "Hi Ms. M. Goodmorning." bati sakin ng isang waitress. "Hi ! Goodmorning rin. Tara magbreakfast." inaya ko sya pero tumanggi naman. Hindi na iba saken ang mga waitresses at waiters dito kasi nakakasama ko naman sila. "Naku Ms. M. wag na po. Nakakahiya." tapos napatungo sya. "Hay nako, di ba sabi ko wag na kayong mahiya saken. We're family right ? Pero if ayaw mo talaga, okay, i-oorder na lang kita and take it para sa break time mo." tapos ngumiti ako. "Oonga Ms. M. Salamat po talaga. Napakabait nyo po." sabi nya. Hmmm. Mabait naman talaga ako minsan, sa kanila nga lang. Haha. "Okay. No problem." tapos naglakad na ko papunta sa cashier para umorder. "Oh Ms. M. napaaga ka ata. Himala." tapos napangiti at pumindot sa cashier. Grabe naman si manang, ganun ba talaga ako kalate lagi dumating. Haha "Hay, manang talaga oh. Sssssh. Quiet lang,." tapos ng act ako ng parang mahinhin lang. Natawa naman kami parehas. " Oh ano bang gusto mong kainin ?" tanong agad nya. "Aaaaah, di ako kakain ng marami manang, may pupuntahan pa ko iih. Siguro coffee na lang and piece of choco bread." "Oonga pala no, aalis ka na. Mamimis ka namin." sabi ni manang tapos ay ngumiti. "Aaaaah, si manang talaga oh, sige na uupo na po ako." tapos nag-act ako na hi-nug ko sya ng di lumalapit sa kanya. Umupo naman na ko sa malapit sa magandang tanawin para magrelax at di ko mafeel na aalis na ko sa place kung san ako lumaki. Habang tinatanaw ko ang magandang tanawin mula sa aking kinauupuan, hindi ko mapigilang malungkot dahil dito na ko lumaki at gusto kong dito na rin ako tumanda. Though, I'm too young to think like this, malay ko ba kung isang araw mawala na lang ako bigla. At the back of my mind, napangiti na lang ako bigla. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si manang. "Anong iniisip mo Ms. M. ? saka nya iniabot ang inorder ko kanina. Napatingin naman ako sa coffee na umuusok pa sa init. At tumingin sa kanya. "Wala manang. Naisip ko lang kung bakit hindi ako pinalad na magkaroon ng buong pamilya." nilingon ko ulit ang magandang tanawin na nasa harap ko. Malungkot na expression ang inilapat ko sa aking mukha. Pero nawala yun bigla ng yakapin ako ni manang. Si manang kasi ang pinakamatagal na tagasilbi sa coffee shop na ito at halos sya na ang tumayong nanay para sakin kaya nakakagaan talaga ng loob ang ginawa nya. Mas lalo pang gumaan ang loob ko sa mga sinabi nya. "Alam mo iha, hindi naman sukatan kung buo o hindi ang pamilya mo. Ang mahalaga masaya kayo. Kung ano man ang rason kung bakit ginawa ni Lord ang bagay na yan sa buhay mo, sigurado ako, sa ikabubuti mo at ng ama mo iyon." napapaluha na ko pero pinilit kong ngumiti na lang. Ayokong maging malungkot sa araw na ito. Kaya ayoko ng nag-iisa e. Salamat talaga kay manang sa palagi nyang pagpapaliwanag ng isipan ko. Haha. Because I don't want a moment like this, ako din ang bumasag ng lungkot na nararamdaman ko. "Hay nako manang talaga. Palagi mo na lang akong pinapaiyak. Pero thanks to you. Lumiliwanag ang isipan ko." saka sabay kaming tumawa at niyakap ko sya ng huling beses. "O sige na manang, baka hinahanap ka na ng mga solid customers mo." inabot ko naman ang tasa ng kape na nasa harap ko at saka humigop. Nang makalayo layo si manang ay napabulong na lang ako. "Everything happens for a reason." Whatever reason is that. I don't want her in my life. She ruined our family. Saka ako kumagat sa choco bread na nasa harap ko. Ang ganda talaga ng kalangitan. Ang sarap pakiramdama ng malamig na simoy ng hangin kahit magtatanghali na. Kinuha ko ang earphone ko sa loob ng maliit kong bag para makinig ng magandang music. Nagkasalabit salabit ito dahil basta ko na lang ito nilagay sa loob kaya naman sa twing aayusin ko ito, naiinis ako ng konti lang. Nang makita kong maayos na at pwede ko ng ipasok ito sa aking mga tenga bigla namang sumulpot ang isang babae sa tabihan ko. "Maybe you just need to party all day." masayang sabi nito. Napaayos naman ako ng upo dahil sa gulat na naramdaman ko at saka napatingin sa babae. Hindi nga ako nagkamali. Si April nga. Nalimutan kong sinabi ko nga palang samahan nya ko sa mga lakad ko. Well, okay na din at least may kasama ako sa huling araw ko. "Just wait and relax. We'll gonna party all day ! " tinaas ko naman ang kamay ko na parang masayang masaya. Si April naman humarap sa magandang tanawin at saka itinaas rin ang kamay. April Gabriel. 19 years old. Isa syang anak ng isang mayamang negosyante sa Pilipinas. Pero dahil gustong maging independent, pinili nyang mamuhay mag isa dito sa Korea. Malapit sya sa ugaling mayroon ako. Party girl, masayahin, mabait at maganda. Halos perfect na ang lahat sa kanya, just like me. Pero katulad ko rin pamilya ang dahilan ng lahat ng lungkot na mayroon sya na ayaw nyang makita ng iba. Pure Filipino ang mga magulang nya. Magkakilala na ang Dad ko at Dad nya since then dahil sa connected sila sa business. Buong pamilya sa harap ng maraming tao at animo'y mga asong ulol pag magkakasama. Only child. Matagal ng annulled ang kasal ng parents nya pero dahil sa business, they didn't tell everyone about their annullment dahil once na malaman ng iba, baka maapektuhan ang business nila. In short, April doesn't want her life. "So what's the matter ?" seryosong tanong ni April sakin. Tinignan nya ko ng parang gustong gustong malaman ang sagot dahil tiyak, makakalibre sya sa lahat ng gastos pag magkasama kame. "Hmmm. Not that important. Pero Im' about to leave this place full of happy memories. You know what, it's kinda sad lang. Though I can visit this place everyday after my class, iba pa rin pag dito ka nakatira." malalim na buntung hininga naman ang pinakawalan ko at tumingin sa kanya para iparating na iyon ang sagot ko sa tanong nya. "Don't be too stress Lane. Im here. I'll go along with you all day until your day ends. Alright ?" natouch din naman ako sa babaeng ito ee na walang ginawa kundi ang magpakasaya. "San mo hinugot yan ? Sa alak na ininom mo kagabi ?" biro ko sa kanya at napangiti na may konting tawa na rin. Natawa rin naman sya at hindi na nagsalita. Nagtaka rin siguro sya sa nasabi nya dahil hindi naman sya nagsasabi ng mga ganoong bagay. We're like sisters na din naman kaya siguro mamimis nya rin ako. Naupo na rin sya sa tabihan ko at saka tumingin sa tanawing kanina ko pang tinatanaw. "Oh umorder ka na ba ng coffee mo ? Gusto mo ipatimpla kita? Mukhang may hang over ka pa e." Biro ko sa kanya. At napangiti lang sya saka humindi. "Thank you, pero nagcoffee na ako sa condo." Maikling sabi nya. "Bakit nga pala aalis ka na dito? Saang bansa ka pupunta ?." Dugtong na tanong nya. Napalungkot na naman ako dahil naalala ko na namang aalis na nga pala ako. Siguro mga ilang oras na lang. "Si Dad lang kasi ang pinapalipat ako sa Pilipinas, pero ayaw ko talagang umalis dito and besides dito na ako lumaki. Mamimis ko ang place na ito." Sabi ko sa isang malungkot na tono. "Hayaan mo na, buti ka nga palagi kang may Father sa tabi mo. Siguro sa ikabubuti mo rin ang ginagawa nya." Napatingin ako sa sinabi nya. May epekto siguro talaga sa babaeng ito ang alak. Masyadong seryosong magbigay ng life advises e. Para mawala ang lungkot na nararamdaman ko ay iniba ko agad ang usapan namin. "Alright, so anong plano natin ? Maganda siguro kung magshopping tayo,then arcade games then foodtrip tapos punta tayo sa bar sa gabi. What do you think ?" Excited na sabi ko sa kanya. At agad naman syang sumang ayon. 9:00 am* Bigla namang nagring amg phone ko. Pagkita ko sa name, si manong driver pala. Naku alam ko na. Sinagot ko ng bahagya ang tawag ni manong. "Hi Manong, goodmorning. Bakit po ?" Mahinhin na sabi ko. Pero sya, dinig kong hinihingal ata or parang lang. "Mam Lane, nasaan ka na po ? Pinapasundo ka na po ng Daddy mo sa akin. Ihatid na raw po kita." Si Dad talaga, masyadong authorative. Hindi pa nga ako naka impake e. At alam kong hindi yun ipapaimoake ng Dad ko sa iba dahil alam nyang ayaw na ayaw kong may pumapasok sa room ko. "A-ah, e..Manong mamaya na po ha. Hindi pa din ako nakaimpake e." Sabi ko pa rin ng malumanay. Bigla kong naisip na itanong kay manong kung saan kami pupunta dahil alam kong alam nya ang binabalak ni Dad."Manong...saan mo po ba ako ihahatid ? Alam mo po ba ang balak ni Dad?" Malambing na tanong ko sa kanya. Pero alam kong alam nyang naglalambing lambingan lang ako para makahagilap ng impormasyon. "Miss Lane, ang sabi po ng Dad mo sa akin, ihahatid na raw po kita sa Airport para maaga ka raw pong makarating sa Pilipinas para mapakita ng Dad mo ang business nyo doon." Matuwid na sabi naman nya... Iiiiih. Bakit ganitong kaaga? Nakakainis naman. Singhal ko sa isip ko. Pero nag isip muna ako at saka sinagot si Manong driver. "Manong, sige po. I-call na lang kita ha kapag ready na ako." Yun na lang ang tanging sinabi ko. Dahil ayoko pa nga. "Sige Mam, aantayin ko po." Maikling sagot nya. Aba. Hihintayin. Hay naku Dad. Pagkababa ko ng phone ko ay kita kong busy naman kaka-games ang katabi ko. At ako, singhal pa rin ng singhal sa isip ko. Parang nagulo ang utak ko sa mga gagawin ko ngayong araw. Ano ba talagang mayroon at parang nakakaramdam ako ng kung ano. May binabalak si Dad na hindi ko alam. Bahala na nga. Saka humigop ulit ako ng coffee na nasa harap ko at pagkababa na pagkababa ko ng tasa sa mesa ay bigla namang nagsalita ng malakas si April na parang shock na shock sa kanyang naisip. " s**t ! Nalimutan kong may lakad pala kami." Sambit nya at saka napatingin sa akin ang namimilog nyang mga mata. Minsan talaga may tama din tong si April. Hindi ko sinasabing sa isip ha pero parang ganun na nga. Well,wala naman akong magagawa kung mayroon nga. Ayoko ding maka-abala at gusto ko din namang ang "me" time ko. "Awww ganun. So wala ng party all day and night?" Biro ko sa kanya pero at the back of my mind okay lang naman. At ngumiti ako sa kanya na parang gustong gusto kong malaman ang sagot nya. "Oo e. Next time na lang. Just call me when you get back here para makalabas agad tayo." Tumayo na sya at nagbeso sa akin with a little hug. Then nag babye sign na sya sa akin. Nagbabye na lang din ako sa kanya without saying anything. "What's my plan now?" Tanong ko na lang sa sarili ko at saka sumandal sa aking kinauupuan. Sa pagkakaupo ko at pag iisip ay bigla kong naalala ang lalaking hindi ko pa nakikilala. Not knowing why but i felt that there's something about that guy. "Kelan kaya ulit kami magkikita." Then bigla akong natauhan sa sinabi ko. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at saka dali daling lumabas ng coffee shop. ~~~~~ Everything was already set. Cooper family reunion will be held at one of the finest 5 star hotel in Korea na pagmamay-ari ng Dad ni Lane. Lahat ng magagaling na coordinator and organizer ay kinuha ng Dad nya dahil gusto nya ay magiging maayos, maganda at memorable sa kanyang nag-iisang princess ang unang reunion ng family nya. Including relative and business relatives of course. Business minded pa rin ang kanyang Dad kahit sa mga ganitong bagay. He will have all the opportunities para makilala sya at makilala ang mga business nya at para mapakilala rin nila ang nag-iisa nyang Princess. Start of program will be @ 6:00 pm. 3:00 pm* "Of course Margarita, Lane should attend. Para sa kanya ito. All of this will be nothing kung hindi sya dadating." Unti-unti ng nagsisidatingan ang ilan sa kapamilya ng Cooper family. Ilan sa mga dumating ay mga kilala rin sa business world, fashion, cooking, showbusiness industry at iba pa. "You know your daughter, hindi sya dadating sa oras mo. May sariling isip na sya and she wants her time alone today. It's because you want her to live her life in the Philippines na alam mo namang ayaw nya. Look what time is it now." Saka tumingin sa relo and Dad ni Lane. And it's 3:30 pm already. Kaya alalang alala na ito. May inasikaso naman si Margarita and chineck ang mga foods na ihahanda. "Time Marlon, time." Saka sya nag exit at nagpunta sa pupuntaha nya. "Hi Marlon, So where's your daughter? I heard some news about her. She should meet my son." Bati ng isang milyonaryong lalake na nasa business world din. Saka sila nagshake hands at ipinakilala ang anak. "Nice to see you here Elvin. I thought you are in the Philippines kaya ang alam ko hindi ka makakadating. But anyway, just enjoy the party." Tinapik naman ni Marlon ang kaliwang balikat ng kausap nya. "And remember, we have some business to talk to." Pabirong sabi nito. Saka sila nagtawanan. At dumating na nga ang son ng kausap ng Dad ni Lane. "Oh by the way, this is Kelvin, my only son. You know him right? Kanino pa ba magmamana ito kundi sa akin." Pabirong sabi nito. Nakipagshake hands lang si Kelvin kay Marlon at saka nag excuse. "Please excuse me." "I like your son Elvin. Mysterious yet business minded." Padagdag na biro ni Marlon. "Oh sya, i'll leave you here,may aasikasuhin lamang ako. Baka nasa loob na ang princess ko. You will meet him very soon." Saka nagway paloob ng hotel. Nasa labas kasi sila sa may pinakamalaking pool area. Doon gaganapin ang program para raw yung sons and daughters ng mga relative at kabusiness nya ay mag-eenjoy rin. Well, he knows her daughter so much. A party girl. Kaya ganoon nya pinaset ang venue. Time check: 4:30 pm* "Please bring my daughter here, all set. I want her to be the most beautiful lady in the crowd. Don't hurt her or else, i'll fire you." Sabi ni Marlon sa kausap niya sa telepono. ~~~ [Tbc]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD