Chapter 1***
(Kelvin's POV)
Another drama story of my life -.- What's NEW ? nasa isip ko.
Ayoko na sa kanya, anong magagawa ko ? I just want her out of my life. Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin sakin but girl like her will only ruin my personal life kaya eto ako, pinapakinggan lang sya habang umiiyak at nagsasalita ng mga blah..blah..blang salita.
"Look at me Kelvin ! I said look at me !" sumisigaw at galit na sabi nya habang pinipilit akong humarap sa kanya.
Ayoko na talaga sa kanya, palagi na lang nya kong pinipilit. -.- So annoying. Hindi na lang ako sumagot pero humarap ako sa kanya and now I faced her, kung ano-ano na naman ang sinabi nya.
"Oh God ! Kelvin ! Bakit ka ba ganyan ? It was just one mistake and you're breaking up with me ? I can't understand ? Can you just explain and stop being childish ? Pleaaase" sabi nya habang nanginginig-nginig pa ang boses. Hindi ko kasi sya siniseryoso kaya tinawag nya kong childish.
Nagsalita ulit sya.
"I hate you ! I hate you for doing this to me...I-" hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita nya at sumagot na ako dahil medyo nainis na rin ako. Pero in a nice way ko sinabi dahil babae pa rin ang kausap ko and I do respect her.
"Hate me ? Parang ako yata ang may karapatan na sabihin yan sa'yo Abie. Stop saying na ako ang may kasalanan, dahil ikaw ang gumawa ng kasalanan. And besides, naging tayo lang naman dahil pinilit mo ko and you blackmailed me kaya wag kang mag-assume. It's over. Ayoko na." I end the conversation and left. Naiwan syang umiiyak. Ganyan talaga ang buhay minsan kailangan mong maging malungkot.
Aah, oo nga pala. She is Abie, my EX-girlfriend now, I LOVED her, she's just part of my past now. Maganda sya? YES. Matalino ? MAYBE. Mayaman? DEFINITELY YES. Napilitan lang akong maging boyfriend nya kasi pinilit nya ko and ginatungan pa ni Dad, para raw sa business namin. Tss. Ayoko na syang pag-usapan. Hindi din naman ako nalulungkot kaya let's just move on.
Dumiretso na lang ako sa paborito kong place riding with my own GALLARDO, LAMBORGHINI. Regalo sya ni Dad sakin when I was 18 years old, pero bata pa din naman ako, and kung tumanda man sa edad, hindi naman mahahalata sa muka. That's how I look with myself.
Sa park in front of skating place.
Nawawala lahat ng stress ko kapag nakaupo ako sa isang bench at pinagmamasdan ang mga nag-iskate. Dito sa place na ito ako lumaki, palagi akong nandito, masaya man, malungkot man or gusto kong umiyak ng patago. Dito na ko sa Korea nagbinata, and andito rin naman ang family and relatives ko kaya dito na ko tumira. Pero gusto ko rin tumira sa Philippines with my Mom (, but I do not know kung mangyayari pa yun dahil she's happy seeing GOD.
*Philippines***Flashback
Swaying her right hands, habang papunta na sa bahay namin na may dalang bag of groceries. I was so excited na yakapin sya noon, dahil that was the time na kababalik pa lang nya ng Pinas because of her job in Korea.So habang tinitingnan sya sa window namin ay hindi talaga maipinta ang excitement sa muka ko. I was just 7 years old kaya naman sobrang excited ako. But while crossing the street ...
"Mommmmm !!!" napasigaw ako at napatulala sa nakita ko. At biglang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Yes I was a child, but I know it was a hit and run. Hindi ako makaibo sa nakita ko, It was a nightmare.
Walang nakakita sa nangyari bukod sakin. Wala si Dad noon, nasa Korea sya at ako lang ang naiwan sa bahay namin sa Pinas with my Yaya's. Kaya bumalik si Mama para sakin. Tuloy lang ako sa pag-iyak... Gusto kong lumabas ng bahay, pero hindi talaga ako maka-ibo, parang wala akong mga buto, parang isang galaw ko lang, agad akong babagsak sa kinatatayuan ko. Hanggang sa magdatingan na ang mga tao at dumami pa ito ng dumami...
The bloods.
The people around her.
The Ambulance.
Ayoko na silang makita pa.
Ayoko na silang pagmasdan pa.
Gusto ko ng magising. Binabangungot na ata ako. Ibalik nyo ang Mom ko. Wag nyo syang isakay sa white car with red light. Do not leave me alone. Do not leave me alone. ( Pleassssse.
--------***
That was a tragedy to remember because yun ang huling pagkakataon na nakita ko ang Mom ko. Ni hindi ko man lang sya nayakap bago sya mawala. If only I could turn back time. If only.
Nadama kong tumulo na pala ang mga luha ko. Kaya pinunasan ko ito at saka inalis sa isipan ang mga pangyayaring iyon. Kaya nung nangyari yung incident na yun, agad akong kinuha ni Dad and dinala sa Korea para dun na tumira dahil pag' nasa Pinas' raw ako, maaalala ko lang ang mga nangyari and I had my trauma kaya mas minabuting lumipat na lang ako. But people change and change is the only permanent thing in the world. Meet me. (
I'm John Kelvin Casalla Lee. Only son of one and only John Elvin Lee, the owner of Lee Corporation in the Philippines and Korea. A multi-millionaire company na soon to be my own company. (Hope So.) 19 years old but looks 16. Pogi ako. Pogi ako. Pogi ako. Ano bang gusto ng mga babae, lagi namang pogi. So pogi ako. And hindi ko binabawi yon. Mayaman--Definitely. Mayabang ako. Playboy kung minsan. Chick Magnet. I do respect all girls na nirerespeto din ako. Loko-loko kung minsan pero hindi ko nagagawang manloko. I hate LIARS. Hindi ko inaallowed sa buhay ko ang mga manloloko. You lied, you can go. Hindi ko alam kung bakit allergic ako sa mga manloloko, basta I do hate them. Anyways, halata naman, I'am a Filipino-Korean, my Mom was a Filipina and my Dad is a Korean. Anything you wanna' know ? Tingnan mo na lang sa magazine ng Lee Corporation. Andun lahat ng details even my lovelife. Alam ko namang yun lang ang gusto mong malaman, sino ba namang hindi magkakainteres sakin, I'm Kelvin Lee. The one and only.
-----------*
Lumalalim na pala ang gabi at lumalamig na rin, nakatayo na ko bago ko maramdamang pumapatak na ang snow. Saglit kong pinagmasdan ang mga ito at agad ding sumakay ng kotse ko para pumunta naman sa paborito kong coffee shop dito sa Korea, kailangan kong mag-painit dahil sobrang lamig. Mabait naman ako pero minsan madali talagang mag-iba ang mood at ugali ko. Maybe because of what happened to me kaya ganun na lang yun.
"Hot chocolate coffee miss. Thank you." Sabi ko sa isang waitress na gumagala gala sa shop. Napansin ko sya, sa lahat ng waitress dito, kakaiba ang dating nya. She doesn't look like a waitress. Natawa na lang ako bigla ng pasimple at dumating na sya para iserve ang coffee ko.
"Here's your hot choco coffee sir, enjoy." Sabi nya sakin pagkatapos ay ngumiti. Sinundan ko naman sya ng tingin at pumasok na sya sa may bandang kanan ng cashier. Nakasulat sa pinto ay "Room Exclusive for M." At sya si M? Sabi ko na e. Kakaiba sya. Baka manager na. I do not know. Baka Napromote. Napangiti na lang ulit ako at saka humigop ng mainit na kape.
"Ang sarappp talaga." Bulong ko. Namis ko kasi to, matagal tagal din akong hindi nagkakape dahil basta, there's a story behind the coffee and I don't want to talk about it now. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Receiving a text message from clothes shop.
Clothes shop*
Mr. Lee, your black gloves are now displayed in our store.
-----*
Shet ! Naalala ko, nung last time na bumili ako ng neck tie dun, iniwan ko ang phone number ko to inform me kung nakagawa na sila ng black gloves. Limited lang kasi ang pag gagawa nila ng black na gloves, tapos madami pang naghahangad nun, and I want it. Ayaw naman nilang magpareserve, kasi nga limited lang. Pag ganitong kalamig, mas gusto kong kulay ang black. Agad kong ibinulsa ang cellphone ko at humigop pa ng isa sa kape when the waitress fastly ran out from her exclusive room. xD Bakit naman kaya nagmamadali ang babaeng yun? Malay ko. Pero may humabol sa kanya.
"M. Your bag." Sigaw na medyo malumanay ng isang waitress rin siguro. Agad naman syang bumalik at kinuha ito. Bakit ako lang ata ang nakakapansin sa kanya. Ang dami namang customer pero ako lang ang tumitingin sa kanya.
"Oh yes ! I'm sorry. Thanks !" narinig kong sabi nya at saka umalis na ulit sakay ng isang taxi. Pagkatapos nun ay tumayo na ako at saka lumabas ng shop at sumakay na ulit sa sasakkyan ko. I need to buy the black gloves bago pa ako maunahan ng iba. I got my destination to the Clothes Shop. Ang daming tao, taglamig na kasi, pero dun ako dumiretso agad sa mga gloves and I saw one pair of black gloves na kukunin ko na dapat when she grab it.
"Ow, sorry sir. Take it." I remember her, pero sa gloves ako nakatingin.
"No. No. Take it. You first touched it." Sabi ko naman, sayang akin na sana yun ee, gustong gusto ko pa naman yun pero babae e and I do respect her.
"No. You..-" hindi ko na sya pinatapos magsalita at hinayaan ko na lang syang bilihin ang last pair of black gloves na yun. (Too bad for me xD) Tinanggap na nya din at di na nakipagtalo pa. Tapos naupo ako saglit sa may maliit na round table at ipinatong ang scarf ko sa upuan.
"Thank you, Mr.???" nakangiting sabi nya at inihara ang mga kamay nya.
"Oh yes ! I'm Kelvin. Kelvin Lee." Bigla kasi akong natauhan e, ndi ko alam kung bakit. Natulala ata ako sa kanya. xD Noooo. Inabot ko naman ang kamay nya. Malamig nga, kaya kailangan nya ng gloves. Saka sya umupo sa kinauupuan ko.
"Thanks for this (itinaas ang paper bag ng gloves at saka inilapag ulit sa ilalim ng table.)"
"Yeah, You're welcome. You like it too."
"Yes, I really like it. I'm..---" hindi sya natapos magsalita, nang biglang tumunog ang cellphone nya, binuksan ito at bigla na namang nagmadali.
"Ah, nice to meet you Mr. Lee, but I need to go." Lagi na lang syang nagmamadali, at ganun na nga ang ginawa nya. Hindi man lang nagpakilala, Ganun ba kaimportante ang pupuntahan nya at hindi na nya masabi ang first name man lang nya. Nacurious tuloy ako kaya sinundan ko sya palabas. Hindi naman ako makulit pero bigla ko syang kinulit. Oo, playboy ako pero ngayon lang ako nangulit ng babae.
"Hey wait ! What's your name?" bigla syang napatigil. Ang O.A. naman. Wala pa bang nagtatanong ng name nya at ganun sya maka-react. But anyway. Kailangan kong malaman ang name nya. Bigla syang humarap.
"Yes? You want the gloves sir ?" huh? Tinanong ko lang kung anong name, biglang ganun na agad ang sinabi. Sinagot ko nga sya.
"No, I only want you. Oh I mean your name. So what's your name Ms??" aba't ngumiti lang at saka tumalikod. Ano ba naman tong' babaeng to. Sinundan ko naman sya sa paglalakad at saka paulit ulit na tinanong ang name nya.
"Hey ! What's your name, what's your name, what's your name?" sa tonong parang nag mamakaawa?? I can't believe I'm doing this. Hindi pa rin nya ko sinagot. Pero bigla syang nagsalita.
"Do you belive in destiny ?." Huh ? Ang weird. May pinagdadaanan ata sya kaya ganun.
"Maybe Yes???" I said with a low soft voice kasi ndi naman talaga ako naniniwala don. Baka pag sinabi kong Oo, sabihin na nya ang name nya. Pero nagkamali ako.
"Okay sir, pengeng piece of paper." Ano na naman? Kumuha lang ako ng piece daw of paper. Iniabot ko sa kanya pero nagtatanong ako.
"For what ? ." nagtataka.
"I'll write my name and phone number sa papel na to'." Aaaah yun naman pala. Ganun pala ang gusto nya, hindi nya agad sinabi, di sana inabutan ko agad sya ng papel at ballpen. Pinahabol pa nya ko kung san man e.
Nung tapos na syang magsulat at ibibigay na nya sakin ay bigla namang humangin ng malakas at nilipad ang kapirasong papel na hawak nya at saka napasama sa iba pang napakaraming maliliit na papel. Oh shet ! Ang daming papel.
"s**t !." Nasabi ko na lang habang nakatingin sa mga papel at napalingon sa kanya. Bigla na naman syang naglakad. Hayyyy.
"Wait ! I don't understand, why you did this. You can voice out your name pero sinulat mo pa sa kapirasong papel ayun nalipad tuloy." Sabi ko sa takang takang tono.
"Maybe it's a sign." Sabi nya.
"Sign for what ?" takang taka na talaga ako. Hindi nya ko sinagot tapos humingi pa sya sakin ng 1 bill. Okay. Eto na naman. Iniabot ko sa kanya ang bill na mula sa wallet ko.
"Write your name and number sir, bilis.."
"okay,okay. I'll write it. Wait."
"faster."
"Oh eto na." saka iniabot ko ang 1 bill na hawak ko. Kinuha nya at tumawid sa kabilang kalye papuntang tindahan. Ano pa nga ba, edi bibili sya. Pero nung andun na sya at naiwan ako sa kabilang kalye.
"Hey,hey,hey ! Wait ! " nakita ko kasing iniabot nya ang bill na binigay ko sa kanya na may number at full name ko, tapos ibibili lang nya. Baliw ba sya. Lumiban ako para tanungin kung bakit nya ginawa yon.
"What's the meanin' of that ?I thought...--" okay hindi nya ko pinatapos magsalita.
"You believe in fate, I believe too. So pag' bumalik sakin yung bill na yun, ako mismo ang tatawag sa'yo at magpapakilala, okay sir ?." huh? Hindi ko maintindihan. Hindi agad ako nakasagot. At may tumigil na taxi sa harapan nya, pero bago sya pumasok ay nilingon nya ko at sinabi na...
"If you want to know me, I will write my number and my full name sa front page ng isang sikat na book na "Have Faith in GOD", that's my favorite book, I'll sell it and kapag nakita mo yun, just call me. Maybe. Just MAYBE. GOD want us to meet each other and that's what you called fate. Have a nice night sir. Bye." HINDI KO MAINTINDIHAN. Sa dami ng bookstore dito, san ko naman hahanapin yun. Hiningi ko lang ang name nya napunta na agad sa destiny. She's really weird. Then sumakay na sya sa taxi at naiwan akong nag-iisa kung san man.
"Maybe, hindi nya pa ko kilala, kaya ganun sya. Too much for this. See you soon miss." Then I called my driver para sunduin ako. Bigla kong naisip na naiwan ko pala ang scarf ko sa Clothes Shop na ipinatong ko sa upuan. Awww. Kaya pala sobrang lamiggg. On my way to the shop.
---------***
(Marga's POV)
I just believe in destiny. God has its own reason kung bakit nya ibinigay ang certain na pangyayari sa buhay naten. Maybe he just want us to be STRONG. ^_^ Kaya imbis na sisihin sya sa nangyayari sa buhay narin, either good or bad, BE THANKFUL na lang. Like the one na nangyari sakin ngayon lang. What a Day ! I just can't believe na nangyayari pa pala sa totoong buhay ang mga unexpected things or coincidence siguro ? Well, maybe GOD wants me to meet that person.
After ko takasan ang taong napakakulit, ang taong tanong ng tanong kung ano ang name ko at ang taong dapat sana ay bibili rin ng black gloves na paborito ko, dito naman ako napadpad sa paborito kong place na lagi lagi kong pinupuntahan, and kaya nga ko andito dahil this is my free time lang, kahit medyo gabi na, okay lang, pede naman akong magpasundo sa driver namin. So ? relax muna.
"Ang lamiggg naman." Sabi ko pagkatapos ay humiga sa bermuda at pinikit saglit ang mga mata at mumulat ulit. Ma-snow na nga pala, ang sarap nilang pagmasdan lalo na pag ito'y pumapatak. Dini-kwatro ko naman ang aking mga paa.
Habang nakahiga, naisip ko bigla ang pinaka hindi ko malilimutan na pangyayari sa buhay ko. That is when my Mom left us because of her affair. Snow season kasi kaya bigla kong naalala. I'm only 6 years old nung nangyari yun, and I will never ever forget those memories na nagpatibay ng loob ko.
Korea*** Flashback.
Pakinig ko mula sa aking kwarto ang sigawan nina Mom and Dad.
"HOW DARE YOU DO THAT TO US ! ? " sabi ni Dad.
"IKAW ANG NAGLAGAY SAKIN SA SITWASYON NA TO !." Sagot ni Mom.
"Ako ? Kaya ba habang nagtatrabaho ako, andun ka at nagpapakasaya kasama ang---." Hindi pinatapos ni Mom magsalita si Dad.
"Ang ano ? SIGE ! Ipagsigawan mo ! Ipaalam mo sa anak mo kung anong klase kang ama." Ang ano kaya ? Takot na takot ako nun kaya nagtago ako sa loob ng cabinet ko. Hindi pa rin sila tumitigil.
"Wag mong ipasa sakin ang kamalian mo Llana ! Ikaw ang nagkamali, hindi ako !" sobrang lakas ng sigaw ni Dad. Pero wala akong narinig na sagot ni Mom.
"Wag mo kong talikuran ! Hindi pa ako tapos sa'yo !" si Dad ulit ang nagsalita. At bigla na lang may mga nagkalampagan at nabasag na kung ano ang naparinig ko.
Bugsh..bugsh..bugsh...***
Umaagos na ang aking mga luha ng mga oras na iyon. Gusto kong bumaba art pigilan sila pero isa lang akong bata, walang kasiguraduhan kung mapipigilan ko sila. Pero nagbakasakali akong kapag nakita na nila ako ay mag usap sila ng maayos. Kaya't lumabas ako ng cabinet at dahan dahang bumaba ng hagdanan at pagpunta ko sa sala.
Basag na mga base
Magulong upuan
Basag na mga frame
Magulo lahat.
"Ano ha ! Nagsawa ka na ba saken ? !" hawak ni Dad ng mahigpit ang braso ni Mom. Umiiyak lang si Mom habang nakatingin kay Dad. At bigla akong nagsalita.
"Mom.Dad." pero hindi nila ako pinansin. Tuloy pa rin sila sa pag-aaway nila.
"OO ! isang malaking OO Marlon ! Nagsasawa na ko sa'yo. Sawang sawa na kong makasama ka !" inalis ni Mom ang pagkakahawak sa kanya at saka naglakad pero hinabol ito ni Dad at hinawakan sa baba ng mahigpit.
"Don't try na umalis sa bahay na ito, dahil hinding hindi ka na makakabalik pag ginawa mo yun !" kita kong tinulak palayo ni Mom si Dad hanggang maalis ang pagkakahawak nito sa baba nya at saka sya sumagot ulit.
"Wala akong pakialam ! Aalis ako kung gusto ko at isasama ko si Lane. Ako ang ina kaya sa akin sya sasama." Pagkasabi nya ay tumakbo sya pataas pero tumigil muna sya sakin at saglit na pinunasan ang aking mga luha at tuloy ulit paakyat. Nilapitan naman ako ni Dad at kinausap.
"Lane, my princess. Bat ka lumabas sa room mo ? I said dun ka lang muna." Sabi nya ng malumanay at saka pinunasan din ang aking luha. Pero hindi talaga ito tumitigil. Tulad nila, isang bata lang din ako na mabilis umiyak lalo pa't ganito ang sitwasyon. Hindi na lang ako sumagot at umiyak na lang ng umiyak.
"Okay my princess, umupo ka muna dun sa couch natin ha, I need to talk to your Mom lang." ha? Kanina pa nga kayo nag-uusap. Pero I agreed. Inakaya ako ni Dad sa couch namin na nakatagilid na malapit na sa exit door namin habang umiiyak pa rin.
Paakyat na sana si Dad pero nakababa na si Mom dala ang isang malaking maleta. Bata ako, pero alam kong aalis ang Mama ko.
"It's over Marlon, It's over !" sigaw ni Mom kay Dad. Hinarangan naman ni Dad ito.
"Sige ! Magpakasaya ka sa lalake mo at sa ibang pamilya mo, but sa akin si Lane. Sa akin sya." Hindi sya sinagot ni Mom at papalapit sya sakin. Hinawakan nya ang mga kamay ko sa mabilis na paraan at saka hinila palabas. Sobrang higpit ng pagkakahawak sa akin ni Mom, at lalo ko pa itong nadama ng lumabas kami at snow season pala.
" Mom. How about Dad ?" tanong ko saka pilit na bumitiw sa hawak nya.
"Baby, wala nang madaming tanong ha." Sabi nya at hinawakan ulit ang kamay ko. Nakasunod sa amin si Dad at pilit kaming pinapabalik.
Mahal ko si Mom but I'm a Papa's Girl kasi sya minsan or sabihin na nating palagi kong kasama unlike kay Mom na minsan lang talaga. Kaya bumitiw ako ng biglaan habang ipinapasok ang mga gamit namin sa sasakyan. Tumakbo ako papunta kay Dad at hinawakan ang kamay nito, agad naman nya akong niyakap. Wala ng nagawa si Mom, nakatinging-umiiyak sya sa amin dahil palamig na ng palamig kaya iniwan na nya kami saka sumakay ng kotse at harurot na umalis. Magmula noon hanggang ngayon wala na kong nalaman sa kanya. (
------***
Asusual, napaluha na rin ako, lalo tuloy lumamig. Ganito naman tayong mga tao di ba, when it comes to the most saddest part of our lives, hindi natin napipigilan umiyak. Kahit pa na sabihin mong malakas at matatag ka, umiiyak ka pa rin. Inisip ko na lang na hinayaan ni GOD mangyari yun sa akin para maging matatag at matutong mag-isa na rin siguro. Masakit man ang ginawa ng Mom ko, ina ko pa rin sya, I wish and I hope na sya mismo ang lalapit sa akin to explain kung bakit nya kami iniwan. Kung dati kailangang kailangan ko sya (dahil bata pa ako) ngayon hindi ko na sya kailangan and I will NEVER be like her. Lahat ng tao nagbabago and I'm CONFIDENT to say na ISA ako sa mga taong yun. Meet me The One and Only :)
Marga Lane Lalusis Cooper. Lane, Ms. M or Marlane ang kalimitang tawag nila sakin. But I prefer na tawagin akong Lane para isang sabi lang. Marlon Cooper is my Dad, owner of coffee shops here in Korea, not all pero madami talaga. I do not know kung bakit coffee shop ang nakahiligan nya. Maybe he wants coffee xD Aside from that my 2 5 star hotel din kami and 5 condos, and the LCC (Lane Cooper Corporation) See? Super love ako ni Dad. Wala akong magagawa. He's my Dad. My Dad nga pala is half Korean, half American and Half Filipino kaya medyo madami syang namana, pero Filipino culture ang nagustuhan kaya yun na din ang sakin. May branch din kami ng LCC sa Philippines na itinayo ni Dad nung magkasama pa sila ni Mom pero matagal na kaming di nakakabalik dun, I don't know kung sino nag-ooperate. Anyways, Mahal na mahal ko talaga si Dad. Spoiled tuloy ako. Yes ! Spoiled brat na medyo rock ang dating ko. Imagine ? Trip kong gawin ang lahat ng bagay kahit pa lagi akong laman ng news dito sa Korea, ginawa ko na lang advantage yun para makilala xD Lahat gusto ko, even the craziest thing and craziest person on earth. Self-centered pero friendly. Okay, too much for this. Kilala nyo na ko. My motto "if lying is the only way, I will."
----***
Sobrang lalim na ng gabi at mag-isa na lang talaga ako dito sa kinahihigaan ko. Kaya tumayo na ako at naglakad lakad habang tinatawagan ang driver namin.
Dial***Dial***Dial*** --- walang sumagot agad.
Habang nagdadial ay biglang may dumaang kotse, binuksan ang window at kumaway sakin. Dun ko napansin ang gloves na suot nya na naalala ko bigla ang binili kong gloves. Hinanap ko ang paper bag na lalagyan nun at saka ko narealize na naiwan ko pala sa shop sa ilalim ng table. Buti na lang at 24 hours yung ganung shop dito, pag sa Pinas kalimitan kainan lang ang 24 hours ee xD Nagmadali naman akong mag-dial ulit at sa wakas sinagot na rin.
"Hey ! Sunduin mo ko manong dito sa park in front of skating place. Ngayon na ha.Bilisan mo lang ng konti at may dadaanan pa ko. Tnx ! " agad kong ibinulsa ang phone ko at inantay ang driver namin at viola andito na sya. The best driver ever.---si Flash Driver xD haha. Sumakay na ko at on my way to shop. :)
----***