Prologue

1078 Words
Nandito ako ngayon sa last floor ng isang building at sumasabak sa laban upang pabagsakin ang mga unggoy na 'to. "Bilisan n'yo ang mga galaw n'yo! Ang hihina n'yo, mga unggoy!" sabi ko habang natatawa kasi naiinis na ang mga unggoy na s'yang tauhan ni Petillanes. Isang druglord at isang walang kwentang mayor. "Ito ba ang mga tauhan ng isang professional druglord? Ang hihina! Kukuha na nga lang ng mga bantay, mahina pa! Sana kinuha n'ya lang ako kapalit sa inyo! Sayang pera! Basta triple bayad sa'kin ah!" sabi ko habang sinipa ang lalaking may dalang tubo Patuloy pa rin ako sa pakikipaglaban sa mga ito habang iniinis ko rin sila. Ang cute naman pala mainis ang mga unggoy noh? Noon, hindi ako naniniwala sa evolution pero no'ng nakasalamuha ko ang mga taong ito? Wew, totoo naman pala yung evolution. Sadyang yung iba, di na nag-evolve. Katulad ng taong 'to na tumatakbong papalapit sa akin. Gagi, nagiging Gorilla na s'ya! Aakma na sana akong susuntok, nang biglang may pumasok na linya sa earpiece ko. "Agent 07, nasaan ka?" sabi ng lalaki sa kabilang linya. "Warm up," sabi ko habang nakikipag-away pa rin Alam n'ya na ang ibig kong sabihin dun. Sa totoo lang, kaya ko namang tapusin silang lahat kanina pa eh. Kaso naalala ko, di pala ako nakapagwork-out kanina kaya sa kanila ko nalang gawin. "Tnginang warm-up yan, Corona! Sinugod mo ang tauhan ni Petillanes! Lagot ka na naman kay Tanda!" sabi n'ya na parang dapat na akong matakot "Daming sinasabi. Ba't ka napatawag?" "Pinapatawag tayo sa HQ" "Ayoko. Mga pangit ang nakikita ko ro'n" "Gagi ka, dahil daw sa promotion! Diba gusto mo mapromote?" tanong niya Napatigil ako saglit sa pakikipaglaban nang narinig ko ang sinabi niya. Kailangan ko nga pumunta roon. "On my way. Tapusin ko lang ito," sabi ko at pinatay na ang tawag. Binilisan ko na ang aking galaw at walang humpay na tinapos ang mga tauhan ni Petillanes. Agad-agad akong sumakay sa aking motor at pinaharurot ito papunta sa headquarters. Pagdating ko, kaagad kong pinark ang aking motor sa isang parking lot na pangalan ko ang nakalagay. TIARA. Bago pa ako makapasok sa loob ay agad kong napansin ang isang corona na isinulat sa aking parking slot katabi sa aking pangalan gamit ang isang spray paint. Kunot noo kong kinuha ang b***l na may silencer na nakatago sa bulsa ko. Pagpasok ko agad sa headquarters ay agad kong kinasa ang b***l ko na s'yang ikinagulat ng mga tao sa loob. Imbes na babatiin nila ako ay nagtaka sila sa inakto ko. "NASAAN SI MARCELO ICE GUEVARRA?!" sigaw ko sa first floor ng HQ. Agad na lumabas sa isang elevator ang isang lalaking malapit nang mawalan ng buhay. "Yes, my dear?" sagot nito habang may ngiti sa labi na parang nanalo sa lotto Bago pa s'ya makahakbang papalit sa akin ay agad ko nang pinutok ang b***l ko na dumaplis ng konti sa kanyang buhok at saktong nabasag ang vase na nasa likod n'ya. "Punyeta ka, Corona! Muntik mo na akong patayin!" sabi n'ya habang hawak hawak ang dibdib n'ya "Isang Corona pa, paglalamayan ka na," diin na sabi ko sa kanya "Linisin mo ang kalat mo, Guevarra," dagdag ko pa Nakita ko ang kukunwaring inosente at walang ginawang masama. Kaya agad ko na namang kinasa ang b***l ko pero bago ko pa iyon itinutok sa kanya ay bigla nalang s'yang nagsalita. "Oo na! Lilinis ko na! Di naman mabiro 'to e! Cute nga nung corona e! Nag-effort pa ako nun tapos di ka man lang nagthank you! Hmp," sabay alis na may nguso sa labi at nacross ang kamay sa dibdib. Isip bata ang lolo n'yo! Agad na akong pumunta sa taas dahil alam naiinip na si tanda sa paghihintay sa'kin. Pagkapasok ko ay agad kong tinagilid ang ulo ko para maiwasan ang shuriken na papalapit sa akin. "Mahina, tanda. Di mo man lang ako masugatan--" May sasabihin pa sana ako nang biglang may mabilis na shuriken ang papalit sa akin kaya agad ko itong inilagan. "Mabagal pa rin," ganting sabi ng matandang 'to "Tsk. Mas mabagal ka pa rin," sabay upo sa upuan na nasa harapan n'ya "Noong ka-edad mo ako-" May sasabihin pa sana s'ya pero pinutol ko na ito kaagad. Magiging MMK na naman tayo rito e! "Oh, tigil mo na 'yan! Oo, sige na. Nung bata ka, nailagan mo ang sampung shuriken na sabay itinira sa'yo. Okay na? Ni-short cut ko na yung storya kasi alam kong pangtelenovela na naman yang linyang 'Nung ka-edad mo ako' na yan!" "Alam mo, wala ka talagang galang! General mo ako! Hindi Lolo!" "Daming satsat, tanda! Ano? Ip-promote mo na ako? Ha?" tanong ko na parang nagbabakasali na tugonin ang panalangin ko "Ano ka, siniswerte? Pagkatapos mong sugurin ang tauhan ng kalaban, mageskandalo sa baba at hindi igalang ako, ip-promote kita? Wow ah. Lakas ng loob mo ah!" "Syempre nagmana sa'yo," bulong ko "Rinig ko 'yon!" "Congrats! Certified hindi ka pa bingi!" sabi sabay palakpak Hindi na n'ya iyon inabala dahil alam n'yang hindi matatapos ang bangayan kung hindi s'ya titigil. Alam n'yang di ako nagpapatalo. "I have a mission for you. If ever you will complete this mission, you will surely get promoted" Tila paborito kong musika ang aking narinig sa sinabi n'ya. "Sino ba ang papatayin? At para matapos na!" sabay tayo at parang excited pa ako "Wala kang papatayin. Papasok ka lang sa isang unibersidad" "Yun lang? Sus, madali lang naman maging body guard o di kaya janitor sa isang unibersidad e! Easy Pitsy!" sabi ko habang pinapagpagan ang damit ko na tila may alikabok iyon "Magiging estudyante ka," seryosong sabi n'ya Para akong nabingi sa sinabi n'ya. Agad-agad akong nanghina at napa-upo sa upuan nang makompirmang seryoso s'ya. "Kailangan mong maging studyante upang mamanmanan mo si Dior Petillanes, anak ni Mayor Ricador Petillanes. S'ya ay isang guro sa Unibersidad ng Escareal. Possibleng may alam s'ya kung nasaan ang kanyang ama" "Bakit hindi nalang ako maging guard o janitor? Matatanggap ko pa 'yon. Pero ang pag-aaral ulit? Gagi, sumpa yan! Ayoko!" sabay iling sa ulo ko "Edi sige. Madali lang akong kausap. Nasaan na ba si Agent 23 at s'ya na ang utusan ko nito para mapromote ko na pagkatapos?" sabi n'ya habang kunwari hinahanap si Agent 23. Di ko nga alam sino 'yon e. "Handa naba gamit ko? Papasok na ako bukas," sabi ko na s'yang ikinangiti ng matandang 'to. Makangiti 'to kala n'ya ikina-gwapo n'ya. Tsk. Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD