Kabanata I

2114 Words
Gumising ng maaga si Tiara upang gawin ang kanyang routine. Agad s'yang nagbihis upang magjogging at mag-ehersisyo sa umaga. Dala dala n'ya ang kanyang water bottle na bigay ng kaibigan sa kanya, kung saan naka-ukit dito ang kanyang pangalan. Pagkatapos n'yang magjogging ay agad s'yang pumasok sa isang café shop upang doon nalang mag-agahan habang suot suot ang kanyang hoodie. Pagpasok n'ya ay agad s'yang nag-order. "One Capuccino, please." "Anong pangalan ma'am?" tanong ng babae na nasa counter "Tiara" "Also, add some strawberry cupcake," dugtong nito "Right away, ma'am!" siglang sagot ng babae She finds a sit at the corner of the place. She's just strolling her newsfeed when she heard her order. "A Capuccino and a strawberry cupcake!" Kaya agad akong pumunta sa counter para kunin ang order ko. Pero bago ko pa makuha ang order ko ay may naka-una na rito. "Hoy, lalaki! That order is mine. Magnanakaw! Bakit mo kinuha 'yan? Hindi mo ba nakikita na pangalan ko ang nakalagay d'yan?" sigaw ko sa isang lalaki naka-hoodie rin Tumigil s'ya saglit at parang tinignan n'ya ang baso ng coffee ko. Ngunit laking taka ko na hindi man lang s'ya humarap at patuloy ang paglakad. Aba't bastos 'tong bata 'to ah! Mabilis ko rin s'yang hinablot paharap upang tingnan ang walangya 'to. Pagkaharap n'ya dahil sa ginawa ko ay agad akong natulala dahil sa kagwapohan at kakisigang taglay nito. Infairness, 'di mukhang unggoy. Hmm, pwede na. Napansin n'ya yata ang pagtitig ko kaya nagsalita na s'ya. "Look, miss. Kung isa ka man sa estudyante sa school, pwes, itigil mo na yang kahibangan mo. Hindi ako pumapatol sa estudyante," mariin na sabi n'ya lalo na ang huling pangungusap na binigkas n'ya Hah! Aba't hangin naman pala 'tong tisoy na unggoy na'to! Ekis 'to sakin! "Excuse me! Una sa lahat, hindi ako studyante. Pangalawa, hindi ako hibang sa'yo. At pangatlo, hindi rin ako papatol sa'yo noh! Swerte mo naman kung ganun! At panghuli, gusto kong malaman mo na ang order na hawak mo ay hindi sa'yo. Akin yan! One Capuccino and One Strawberry Cupcake!" arteng sabi ko sa kanya Nakita kong natatawa yung itsura. "At may gana ka pang matawa ha?" "I don't want to say this pero medyo napahiya ka sa part na 'yon, Miss. This order is not yours. It's truly mine. This is for my sister, Eve. Look, tingnan mo ang name," sabi n'ya habang pinapakita sa akin ang nakasulat na pangalan Shet, oo nga! Bwst, napahiya ako! Kainin mo na ako lupa! "Ito po yung order n'yo, Ma'am," sabi nung babae sabay abot sa sa order ko Nakita kong natawa ang lalaki ng mahina. Kailangan kong takpan ang kahihiyang 'to! "Bakit? Bawal magkamali? Perfect ka? Ha? Isa pa, napahiya ka naman kanina ah! Feelingero ka nga eh. Hindi ko nga sinabi na gusto or natitipuhan kita tapos sinabi mo na obsessed ako sa'yo? Yuck! Makaalis na nga!" agad akong umalis kaagad habang dala-dala ang coffee ko Naging positive nalang ako. Ayokong isipin yung kahihiyan ko kanina. Isa pa, hindi na ako babalik sa café na yun, ang tanga ng mga staff. Tyaka ano ba ikakabahala ko? As if naman, makikita ko ang lalaking yun araw-araw. Baka nga yun na yung last at first namin pagkikita e. Agad akong naligo at sinuot ang aking damit na puro kulay itim lahat. Iniisip ko pa lang ngayon, tumataas na balhibo ko. I freakin hate going to school. Para sa akin, it's a curse. Syempre, pupunta muna ako sa headquarters kasi yun naman nakasanay ko kahit noon pa man. Pagpunta ko, buti nalang wala na ang corona na inilagay ni Guevarra. Walang magawa sa buhay at ako palaging pinagdidiskitahan. At pagpasok ko ay narinig ko na naman ang nakakarindi at nakakasawang boses na palagi kong naririnig araw-araw. "STUDENT CORONA! AKING MAHAL NA PRINSESA! NANDITO NA ANG ESTUDYANTENG BABALIK SA ESKWELA! TAYO'Y MAGSAYA DAHIL ANG KANYANG KATAPUSAN AY MALAPIT NA!" sigaw n'ya habang open arms n'ya ako ni-welcome "Wow, rhyme yun ah! Nuksnaman! May talent pala ako sa pagiging makata!" sabi n'ya habang nakatingin sa kisame na parang may nadiskobrehan s'yang bago "Oy, balita ko! Babalik ka raw sa eskwela! RIP sa'yo, bestfriend!" sabi n'ya sabay tapik sa balikat ko "Manahimik ka, Yelo. Badtrip ako ngayon," sabay tingin ng masama sa kanya "Ay talagang badtrip ka! Papasok ka na eh! Buti nga lang kung ako yun, matalino naman ako eh! Easy lang sakin yan!" pagmamayabang n'ya "Edi sana, ikaw nalang pumasok! Bwst!" binuksan ko ang pintuan papasok sa kwaderno ni tanda at malakas na sinarado "Galit ka yata, Agent 07?" tanong ni tanda habang nakaplasta sa mukha n'ya ang kanyang nakakalokong ngiti "Hindi! Ang saya ko nga eh! Sobrang saya! Excited na akong pumasok! Grabe! Woh!" sarkastikong sambit ko Rinig na rinig ko ang tawa ni Yelo. "Punyeta ka, Corona! Joker ka na pala? HAHAHAHA" halakhak n'ya sabay pagkawala sa mata n'ya at hawak hawak ang tiyan nito "Dapat ka nang sumali sa Showtime yung show nila para sa mga joker? Sure ako! Matatalo mo kaagad si 'Rock N Roll to the world!' na 'yon! HAHAHAHA" ginaya pa ang pagkakasalita at paggalaw nito Sino ba 'yon? Hindi naman ako nanonood ng ganun e! Puro wrestling ang pinapanood ko, mas exciting! Anyways, nakatingin lang kami ni Lolo sa kanya na may madilim na eskpresyon sa mukha na parang naiirita. Napansin n'ya ito kaya tumigil s'ya kaagad. Habang pinapakita n'ya na ni-zipper n'ya ang bibig n'ya. Hindi naman kasi nauubusan ng salita e! Sarap barilin para matapos na! "Wear your uniform," sambit ni lolo habang tinitignan suot ko "Hindi ka, agent. Estudyante ka. Walang estudyante ang ganyan manamit habang may dalang shuriken sa bulsa," tinaasan n'ya ang kaliwa n'yang kilay na parang ini-examine ang suot ko "Ayokong mag-uniform! Meron namang estudyante na ganito manuot ah! Napaka judgemental naman nila kung pati suot ko, lalaitin nila," reklamo ko "Hindi ka papapasukin kung ganyang ang suot mo. Magbihis ka, andyan na rin yung ID mo! Suot mo na! Bilis! Late ka na!" sabi n'ya na parang isang ina na takot malate ang anak sa klase Padabog ko s'yang kinuha at sinuot. Labag sa loob ko ito pero para sa promotion, gagawin ko! Nagmukha naman akong tao rito sa suot ko kaso napakagirly masyado. Duh, hindi naman ako magpapakalosyang sa school noh! Maganda ako kaya kailangan kong ipakita yun. Tyaka pwede ko ring gamitin ang charms ko para makalapit sa Dior na 'yon. "Wow, bestfriend! Ikaw ba yan? Ilabas mo ang Corona ko!" maarteng sabi niya habang niyugyog mga balikat ko Itong Yelong 'to parang bakla. Tss, buti nalang nasanay na ako. "Ano ba! Tumigil ka nga! Ayokong mag-isa sa mission na'to dahil mapapaaga ang libing ko kung ganun," hinampas ko ang kamay n'ya papalayo sa'kin "Kailangan ko ang tulong mo," seryosong sabi ko habang tinititigan si Yelo "Ha? Papasok din ako sa school? Yeyyy! Gusto ko yan! Basta may baon na marami ha?" siglang sabi n'ya Buti pa s'ya masaya kapag pumapasok sa school. Sana all. "Hindi, tanga! Suotin mo 'tong earpiece na'to! Susuotin ko rin itong akin para kapag tinawag ako sa recitation, makasagot ako. Anong gamit n'yang talino mo, diba?" tinaas ko ang kilay ko na parang sinasabi ko sa kanyang tama ako "Ha? Ah eh, kala ko pupunta rin ako sa school-" Bago pa s'ya matapos sa sinasabi n'ya at pinutol ko na ito. "Angal ka?" I crossed my arms while raising my brows again "Sabi ko nga eh! Yung sweldo ah! Bigyan mo ako!" paninigurado n'ya "Oo na," sabay tango sa kanya "Deal?" inilahad n'ya ang kamay n'ya sa akin na parang nakikipagtransaction sa isang druglord "Deal," nagshake-hands kami Suot ko ngayon ang uniform ko habang nasa likod ang bag ko. Nagulat pa nga yung ibang nasa HQ dahil sa suot ko kaya sabi ko nalang na 'mission' at agad naman nilang naintindihan iyon. Ano ba naman kasing klaseng uniform 'to? Skirt about the knee, naka-white long sleeve and necktie na black at isang coat. Init ah! Bago pa ako pumasok sa school ay pumunta muna ako sa bahay. Sinong may sabing gusto kong suotin 'tong uniform na'to? Agad kong iniba ang aking kasuotan at ibinalik yung suot ko kanina. Puro itim lahat. Astig naman 'to e! Pagpunta ko palang sa gate, namangha na ako sa ganda ng paaralang 'to. Escareal's University. Ni-park ko lang ang motor ko at kitang kita ko sa mukha ng mga estudyante na namangha sila sa motor at pagdating ko. Habang naglalakad ako ay may narinig akong boses, "Hulaan ko, hindi mo isinuot yung damit na bigay ni General noh?" nagsalita na ang yelong kaibigan ko "Malamang," sagot ko sa kanya habang suot ko na ang earpiece ko "Wag mo i-off, gusto ko malaman anong gagawin mo sa first day of school mo" natatawang sabi n'ya "Tss" at agad ko itong ni-off On ko lang yun kapag may kailangan ako sa kanya kasi kung hindi ko yun i-off baka mas makinig pa ako sa mga everlasting kwento n'ya kesa sa makinig sa professors ko. Tsk. Papunta na ako sa Admin ngayon para malaman ko na ang room ko. Kumatok ako sa pinto at agad 'kong narinig ang boses ng isang babae. "Pasok ka," sabi nito kaya pumasok na ako I was expecting a thick eyeglasses from an old white hair women. But I was wrong. This girl is freaking beautiful! I wonder ilang taon na s'ya. Pinasadahan n'ya ng tingin ang porma ko at kitang kita sa mukha nito ang pagtataka. "Sinong namatay?" sabi n'ya "Ha?" "Bakit puro itim ang damit mo at tanging sapatos mo lang ang naiiba?" tanong n'ya "Trip ko lang. Tyaka isa pa, bago pa lang ako rito kaya ito muna," paliwanag ko sa kanya habang tinitingnan na rin yung suot ko "Name?" tanong n'ya habang may tina-type s'ya sa computer n'ya "Tiara Beltran" "Beltran? The grand daughter of one and only Emerito Beltran?" tanong n'ya habang nata-type pa rin sa computer nito. "Pa'no mo kilala ang lolo ko?" tanong ko sa kanya. "Who wouldn't? He's one of the best militar in this country" Ay, oo nga naman. Muntik ko na makalimutan 'yon ah! "Here. This is your schedule. The President of the school will accompany you to tour the school tomorrow and guide you on your exact room. If you needed anything from me, you are welcome to come here. Just knock the door," paliwanag na sabi n'ya na naintindihan ko naman I was about to go out nang may nakalimutan akong sabihin. "By the way, how old are you?" Na-shock s'ya sa biglaang tanong ko pero agad naman itong natawa. "I'm 40 years old, my dear." natatawang sabi n'ya "What?! Thought you were 30 or 20 something? How come?" tanong ko "It runs in our blood, ija" Kaya tumingin ako sa pangalan n'ya na nasa table n'ya. 'Alicia Escareal' Kaya lumabas na ako para pumunta na sa first class ko. "Hiii! My name is Mikaela Morano! I'm the President of this school! Let me guide you to our room" masiglang sabi n'ya "Our Room?" "Yes! Classmates na tayo kaya pwede tayong maging friends. By the way, ang ganda at ang cool mooo! Sa'yo yung motor diba?" Anlakas ng energy ng babaeng 'to! Para s'yang long lost twin sister ni Yelo. Kaya tumango lang ako. Hinayaan ko lang s'ya na magsalita nang magsalita at sinasagot ko lang din naman mga tanong pero sakto at tipid lang. Hindi ko nga pinasama si Yelo eh kasi maingay s'ya tapos may isa na naman? At classmate ko pa? Ang galing, ah! Huminto s'ya sa pagsasalita at paglalakad nung nasa harapan na kami ng isang pinto. "Anong oras na, Tiara?" nakakabang tanong n'ya "8:05" sagot ko habang nakatingin sa smart watch ko "Patay, late na tayo ng 5 minutes. Nandito na si sir. Brace yourself, Ti. Mukhang hindi maganda first day of school mo" sabi n'ya at agad na pumasok kami sa room Nakita ko ang isang lalaki na nasa harapan na nakalikod na parang may sinusulat sa whiteboard. Physics Professor pala namin s'ya. "Late. 5 minutes late" seryoso at may awtoridad na sabi nito "Sorry, sir. Pinatawag po ako ni Ma'am Alicia para sunduin ang transferee" seryosong sabi n'ya Yung pagiging madaldal n'ya kanina ay biglang nawala. Mapapaisip ka nalang na ibang tao ang kasama mo ngayon. Agad na humarap ito sa amin ay laking gulat ko nang makita ko ang mukha nito. "Ikaw?!" sigaw na sambit ko na s'yang ikinagulat n'ya rin. "Oh, it's you, Ms. Coffee," he smirked after knowing that the girl he met a while ago is truly his student. Author's Note: Hi, people! I just want to inform y'all that I'm also writing an on-going fantasy series. I hope y'all like it. Ciao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD