bc

'TILL I MET YOU (SPG R-18)

book_age16+
63.8K
FOLLOW
333.7K
READ
escape while being pregnant
second chance
playboy
goodgirl
drama
sweet
bxg
heavy
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

Si Cloud Montecillo. Hindi kailanman naniwala sa commitment, kaya No Girlfriend Since Birth. Pero nang nakilala niya si Janina Miranda, nagbago bigla ang paniniwala niya.

Ayaw man niyang gawin. Pero paulit-ulit niyang nasasaktan ang babaeng mahal niya si Janina. Ano nga bang alam sa pagmamahal ng isang taong simula't sapul ay kinontrol ang sarili niya na magmahal?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Alas dos na ng madaling araw. Medyo basa ang daan dahil sa ilang oras na walang tigil na pag ulan. At least may dahilan ako kay Mama bakit ngayon lang ako pauwi ng bahay. Nasa tamang edad na naman ako at hindi lang isa ang pagma may-ari kong negosyo. Hindi naman sa takot pero ayaw ko na lang din na nagbabanggaan pa kaming mag ina lalo pa at may hypertension ito. Bunso ako sa anim na magkakapatid pero ako na lang ang kasama ni Mama sa mansiyon dahil ako na lang ang walang asawa. Balo na si Mama. Dalawang taon pa lang ako ay namatay na ang aming ama na isang sundalo. Namatay ito nang ipadala ang grupo nila sa digmaan sa parte ng Mindanao. Yung nakuhang pera ni Mama sa pagkamatay ni Papa ay ginawa nitong puhunan. Kumuha ito ng pwesto sa palengke. Tulong tulong kaming magkakapatid sa pagtulong kay Mama maliban kay kuya Ronnie na nagta training sa pagka sundalo. Eto ang sumunod sa yapak ni Papa. Nang makatapos si ate Carla, napasok ito sa isang real estate company hanggang sa makabisado na nito ang pasikot sikot at magventure na din ang aming pamilya sa real estate. Halos lahat ng kapatid ko at mga asawa nito ay tulong tulong sa pagpapatakbo nito maliban sa akin. Simula pagkabata mahilig na ko sa mga sasakyan. Basta tungkol sa sasakyan interesado ako agad. Nag crash course pa nga ako ng Automotive. Alam yun ng mga kapatid at Mama ko kaya hindi nila ako napigilan nang magtayo ako ng sarili kong negosyo na lahat ay may kinalaman sa mga sasakyan. Napansin ko ba medyo mataas ang tubig sa kalyeng dadaanan ko. Minabuti kong umiba ng daan. Sa mga looban ako dadaan. Dahil kung hindi madedelay ang pag uwi ko. Medyo mabigat na din ang talukap ng mata ko. Medyo napalaban ako sa kadate ko kanina. As usual, wild sa kama! Pagliko ko may tinamaan ang headlight ko. May babaeng tumatakbo papasok sa eskinita. May humahabol dito na lalaki na naka jacket na itim. Babalewalain ko na sana pero parang may nag uutos sa kin na itabi at bumaba ng sasakyan ko. Itinabi ko ang dala kong Lexus. Bumaba ako ng kotse at saka pinindot ang lock. Mahirap na. Alanganing lugar ang kinaroroonan ko at bihira lang ang dumadaan dito. Hindi ko nga alam ano pumasok sa isip ko at gagawin ko to. Dahan dahan akong pumasok sa eskinita. Nakiramdam muna ako. May narinig akong sumigaw. Tapos ay tahimik na uli ang paligid. Unti unti akong umabante. Madilim ang lugar. Unti unti kong sinanay ang mata ko sa dilim. Unti unti uli akong umabante. Nakailang hakbang na ko nang may natapakan akong bagay na lumikha ng konting ingay. Pouch bag... Pinulot ko ito. Iba't ibang klase ng make ups ang laman. Nang bigla akong may narinig na kaluskos. Pinakiramdaman ko kung saan ito nanggagaling. Nagtago ako sa isang may kalakihang puno at saka pilit inaninaw ang paligid. Nang may mapansin akong gumagalaw sa bandang kanan. Mabilis kong tinakbo ang lugar. Nakita ko ang isang lalaki na nasa treinta pataas ang edad. Halos kasinlaki ko din ang katawan nito.Nakaibabaw ito sa isang babae na walang malay. "Hoy!" sigaw ko. Lumingon ito sa akin at biglang tumayo. Sinugod ako nito. Nagpakawala ito ng suntok pero nakaiwas ako. Hindi ako natatakot dito. Confident ako na kaya ko siyang patumbahin dahil nag aral ako ng martial arts. Nakailang suntok din ako dito at napapatumba ko naman siya. Pero tila malakas din ito at sanay din sa pakikipaglaban. Naramdaman kong napagod na siya kaya nakasilip ako ng pagkakataon na mapatumba ko siyang tuluyan. Pero bigla itong naglabas ng patalim! Kailangan ko magconcentrate. Ibang usapan na to. Sumugod ito sa akin. Naiwasan ko ang pag unday niya ng patalim. Sumugod uli ito. Sa pagkakataong ito nahawakan ko ang braso niyang may hawak sa patalim. Nagpambuno kami. Siya para itarak sa kin ang patalim samantalang pilit ko itong inaagaw sa kanya. Sukatan ng lakas. Hanggang sa maagaw ko to. Ang plano ko ay sugatan lamang ito sa hita. Pero dahil pinilit niyang maagaw sa kin ang patalim ay nagurlisan ko ito sa kanyang tagiliran. Pero mabilis pa rin ako nitong natadyakan dahilan para bumagsak ako sa lupa. Sinamantala nito ang pagkakataon para makatakbo palayo. Agad agad akong bumangon patayo at saka hinabol ang lalaki. Hindi ko ito inabutan nang bigla itong sumakay sa isang nakaparadang taxi na nakabukas pa ang pintuan magkabila sa harapan. Ni hindi na nga nagawa nitong isara ang pintuan ng passenger side. Mabilis nitong pinalayo ang sasakyan. Humihingal akong huminto sa pagtakbo at pilit na inaninaw ang plate number ng sasakyan. Mahina akong napamura. Nafrustrate ako dahil hindi ko naabutan to. Naalala ko yung babae. Binalikan ko ito sa lugar na huli kong kinakitaan dito. Ginamit ko ang liwanag ng cell phone ko para tingnan ang kabuuan ng babae. Nagulat ako sa tumambad sa akin. Base sa suot nitong uniporme, hindi maikakaila na isa itong empleyada. Nakabukas ang blouse nito. Tumambad sa kin ang maputing dibdib nito na natatakpan pa ng lacy bra na kulay pula. Para akong napaso. Base sa pagtaas baba ng dibdib nito obvious na nawalan lang ito ng malay. Pagbaba ng tingin ko nakita kong nakalilis ang palda nito dahilan para matambad ang kulay pula ding panty nito. Sunud sunod na paglunok ang ginawa ko. Alam kong nasa ganito akong sitwasyon pero di ko mapigilan ang kakaibang nararamdaman ko. Damn! Sunod kong tiningnan ang mukha nito. Pakiramdam ko panandaliang tumigil ang paghinga ko. Simple ngunit maamo ang mukha nito. Bigla kong naramdaman na gusto ko siyang protektahan. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Ibinaba ko ang nakalilis na palda nito. Isinunod kong ibinutones ang blouse nito. Napansin ko ang panginginig ng mga kamay ko. Sh&t! As if ngayon lang ako nakakita nito? Normal na lang sa kin ang makakita nito. Pinagalitan ko ang sarili ko. Nang matapos ko na ang pagbubutones, kinarga ko ito nang bridal style. Binuhat ko ito hanggang sa aking nakaparadang sasakyan. Hirap na hirap akong kinuha ang susi sa aking bulsa. Narinig ko na tumunog, nagbabadya na bukas na to, maingat ko itong ipinasok sa back seat. Hindi pa rin ito nagigising. Pumunta na ko sa driver seat. Muli akong napalingon sa babaeng nakahiga sa backseat. Hindi ko alam kung bakit sobrang pag-aalala ko dito. Pinaandar ko na ang kotse at nag umpisa na kong bumiyahe. Dinerecho ko sa hospital ang babae. "Sir, boyfriend o asawa po ba kayo ng pasyente?" tanong ng nurse sa akin. Nabigla ako sa tanong ng nurse, pero deep inside I have a feeling that I want to own her. ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

Unwanted

read
509.6K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.4K
bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
388.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Fight for my son's right

read
146.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook