Gemini's POV Pagdating ng convoy sa Mansion, agad bumungad ang mga armadong security ni Daddy, na nakapuwesto sa paligid. Naging mahigpit ang seguridad sa Mansion dahil sa nangyaring sagupaan sa Hospital. Pagbukas ng pinto ng Cadillac SUV, agad bumaba si Talon at tumayo sa labas ng sasakyan. Sinalubong kami nina Maxwell, Capri, at Ninong Gino sa may entrance ng Mansion. Lumapit si Capri at agad akong niyakap, kasunod din si Ninong Gino na mahigpit ding yumakap sa akin. "Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito," saad ni Capri, halata ang pag-aalala sa boses niya. "What’s the situation in the hospital, Ninong?" tanong ko kay Ninong Gino, halos hindi maitago ang kaba sa boses ko. "As per Geller, they will settle everything in the hospital. Lalabas na rin sila kasama ng Daddy mo. Do

