Gemini's POV Pagkalabas ni Cassian mula sa shower, nakabihis na ako. Suot ko ang isa sa mga favorite kong dress—simple lang, pero classy. Siya naman ay naka-button down shirt at dark slacks. Ang hirap hindi mapatitig… kahit simpleng bihis lang, ang lakas pa rin ng dating niya. "You're so beautiful and hot, sweetpea," biro niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Umiling ako, pero hindi mapigilang ngumiti. "Breakfast na tayo, please. Gusto kong makalarga ng maaga para hindi natin maabala si Tito Zion sa kanyang pag pahinga." Sabay kaming bumaba sa dining area. May nakahandang pagkain na courtesy ng aking staff—fresh fruits, garlic rice, beef tapa, at scrambled eggs. Kumulo agad ang sikmura ko. Bumaba rin si Aqua, at nakasuot ng school uniform niya. "Good morning, Ate...

