Gemini's POV Pagkatapos naming kumain, pumanhik kami sa aking silid — mas pribado roon, at alam kong kailangan namin ng tahimik na lugar para sa pag-uusapan namin. Pagkarating namin sa loob, hindi na siya nagtanong pa. Kilala na niya ako, alam niyang kapag tahimik ako, may mabigat akong dinadala sa aking dibdib. “Blair, sit down. I’ll tell you everything,” sabi ko habang inilapag ang baso ng juice sa mesa. Umupo siya sa harap ko, seryoso ang mukha, nakikinig. Huminga ako nang malalim. “Cassian knows everything now. About the twins.” Napaigtad siya. “Wait—what? How? When did this happen?” “Today, morning,” sagot ko, pinipilit kong maging kalmado kahit nanginginig ang mga daliri ko. “He saw them… by accident. He came to the mansion, and the twins—” Napahinto ako, pinahid ko ang luha

