Third Person's POV Ngayong gabi ay grand opening ng bar ng kaibigan nina Carl at Darius na si Lucas. Isa sila sa mga investor ng Hipzone Club 5, isang high-end na bar na exclusive lamang para sa mga kilalang personalidad sa Pilipinas. Bago ka makapasok sa loob, kailangan mo munang magparehistro sa website at maging miyembro dito, pagkatapos ay papadalhan ka VIP Entry. Hindi lahat ng may pera ay puwedeng pumasok dito — ang aprubadong aplikasyon ay nakabase sa status mo sa business, political, o entertainment community. Gayunpaman, kung ikaw ay isang bigating personalidad gaya ni Gemini Sullivan, hindi mo na kailangan ng VIP pass. Kilala si Gemini bilang isa sa Top 10 Billionaires in the World — at higit pa roon, isa siyang iconic figure sa buong mundo. Kaya nang makita siya ng mga boun

