Sasakmalin ko na sana ang nakaumbok sa kaniyang tuwalya nang makarinig kami ng malakas na busina mula sa labas ng bahay na kapwa nagpatigagal sa amin.
Napahakbang palayo si Breydon at parang naalimpungatan na tumingin sa akin. “Naknang, anong ginagawa ko sa ‘yo Vlad?”
Nagulat ako sa reaksiyon niya. “Niroromansa ka, kagaya ng sabi mo.”
Ano ito? Bakit ganoon samantalang siya ang nagsimula nito.
“Hindi ito tama,” hiyang-hiya niyang sabi. “Boyfriend ako ng Mommy mo kaya mali ang ganitong,” humina ang kaniyang boses, “tuksuhin ka.”
“B-boyfriend?” Akala ko kaibigan lang. Akala ko simpleng bisita lang. Boyfriend pala.
Tumango si Breydon saka inayos lalo ang pagkakatapis ng tuwalya. Bumusina ulit ang sinomang may-ari ng sasakyan sa labas ng tatlong mahahaba at sunod-sunod.
Sumilip sa bintana si Breydon. “Nasa labas na si Colton.”
“Sinong Colton?”
Iniiwas niya ang tingin sa akin. “Kaibigan ko at kaibigan na rin ni Blessie - ng Mommy mo.”
Kumuha siya ng shorts at sando sa gym bag saka mabilis na isinuot. “Pupuntahan ko lang si Colton sa labas ng gate.”
Naiwan akong nakaupo sa gilid ng kama na nakatirik pa rin ang aking nananakit sa tigas na alaga sa loob ng aking shorts. Lumabas lang ako ng silid nang marinig kong nakapasok na sila ng living room.
“Tuloy-tuloy,” narinig kong masayang anyaya ni Lola sa bagong bisita.
Oh s**t!
Guwapo ring kagaya ni Breydon ang kaibigan nito. Tantiya ko’y parehas silang 6’3” ang height. Mas maliit ng bahagya ang katawan nito na parang swimmer kumpara kay Breydon na mascular build. Natatakpan ang mga tainga sa haba ng manipis na buhok na kulay dark brown.
“Siya ba ang anak ni Blessie?” tanong nito kay Breydon. Ibinaba sa sahig ang dalang mountaineer’s bag na itim habang naka-rivet ang tingin sa akin.
“Oo. Siya si Vladimer.” Si Lola ang sumagot saka tumingin sa akin. “Siya naman si Colton, Vlad. Bisita rin ng Mommy mo.”
Tinanguan ko lang si Colton na sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit sa aking mukha.
“Akala ko Brey, bata pa ang anak ni Blessie,” hindi makapaniwalang sabi ni Colton kay Breydon.
Nang ngumisi lang si Breydon, si Lola ang tumugon. “Bata pa naman si Vlad. Eighteen pa lang itong apo ko.”
Lihim akong napangiti. Akala ni Colton musmos pa ako. Binatilyo na kaya ako at itong p*********i ko, pambinata na ang laki.
Dahil hindi pa rin mapuknat ang mga mata ni Colton sa akin, nakipagtitigan ako sa kaniya hanggang ako na mismo ang hindi nakatagal at nag-iba ng tingin.
“Ehemm,” ani Breydon na mukhang napapansin pagtitig sa akin ng kaibigan. Binitbit niya ang bag ni Colton. “Tara muna sa guest room, Colt.”
Saka lang bumawi ng tingin si Colton at sinundan si Breydon papuntang guest room.
Nang bumalik si Lola para ituloy ang ginagawa sa kusina, naiwan akong matamang nag-iisip.
Akala ko itong pagdating lang ni Mommy ang proproblemahin ko. Mukhang mali ako dahil mas malaking problema ang hatid ni Breydon sa kakaibang epekto ng presensiya niya sa akin. Tapos may bagong dating pa na para akong hinuhubaran kung makatingin.