“I-ikaw nga,” mauutal kong sabi kahit kanina pa naman ako kampante na siya nga ang bisita namin.
Siya na nagligtas sa akin sa mga kaaway na grupo ang aking susunduin sa bus terminal. Parang nasusunog ang mga pisngi ko sa naabutan niyang sitwasyong pag-amoy ko ng kaniyang pinaghubarang sando.
Naghalo ang kaba at takot sa aking isip. Paano kung nagkamali ako ng assumption sa kaniya kanina at hindi pala siya kagaya ni Kuya Jose? Kung straight siya, siguradong iba na ang tingin niya sa akin ngayon at nabuko na niya ang pinakatatago kong sikreto na tanging si Kuya Jose pa lang ang nakakaalam.
Gago talaga ako. Nakakainis at hindi ako nag-iisip. Paano kung ikwento niya kay Lola at Mommy na nakita niya akong inaamoy ang sando niya? Sinong straight na teenager ang gagawin ang ganoong bagay?
“Yes. Ako nga,” tugon niya.
Nang ngumiti siya, nag-somersault ang mga bituka ko. Nagmistulang marshmallow naman ang mga tuhod ko kaya napilitan akong ihilig ang likuran ng aking mga paa sa kama para doon humugot ng lakas at manatiling nakatayo.
Napailing ako sa hindi ko mapaniwalaang epekto ng lalaking ito sa akin. Nakakatakot kung iisipin.
“Ikaw pala ang bisita ni Mommy na susunduin ko dapat sa terminal,” sabi ko sa kaniya.
Napalunok ako ng laway nang mula sa mga kulay grey niyang mata, bumaba ang mga mata ko sa kaniyang mga mapupulang labi. Anong lasa kaya kapag hinalikan ko ang mga iyon? Malambot kaya kagaya ng hitsura? Masarap kayang kagat-kagatin?
Humakbang siya palapit na para tuloy gusto ko ng kumaripas ng takbo palabas ng silid.
“Nakakatawa ang pagkakataon dahil tinakbuhan mo pa ako kanina para lang sunduin ako sa terminal.”
Tumigil siya sa paghakbang isang talampakan ang layo sa akin.
Nanuot sa ilong ko ang amoy ng sabon at shampoo na ginamit niya sa paliligo. Kumislot ulit ang alaga ko na ngayo’y matigas na sa loob ng aking itim na sweat pants.
“O-oo nga.”
Umisod pa siya palapit hanggang nag-radiate na ang init na sumisingaw mula sa kaniyang katawan kahit katatapos lang niyang maligo na nagpapainit lalo sa balat ko.
“At tinakbuhan mo ako nang hindi sinagot ang tanong ko.” Hinawakan din niya ang sandong sakmal ng aking kamay. “Alam mo bang nagmamamdali pa akong nag-u-turn kanina sa highway para maabutan ka lang?”
Napahigpit ang hawak ko sa sando. “Nag-iba ako ng daan baka kasi makasalubong ako ang mga tropa.”
“Kaya pala.”
Hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya. Para akong mapapaso nang dumikit ang dulo ng daliri niya sa daliri ko kaya binitiwan ko ng tuluyan ang sando.
“Vladimer pala ang pangalan mo. I assume by now alam mo na rin kung sino ako,” itinaas niya ang sandong puti. “Naabutan kitang inaamoy mo ito. Mabango ba ang sando ko Vlad?”
Tangna naman. Kagaya ba siya ni Kuya Jose? Sunggaban ko na kaya? Dahil kung hindi, bakit ganito ang flow ng pagtatanong niya? At kung totally straight naman siya, bakit parang… sine-seduce ba niya ako?
Pakiramdam ko’y hihimatayin kaya napaupo ako sa gilid ng kama. Lalo lang naging awkward ang naging position ko dahil tumapat ang mukha ko sa harapan niyang nakatapis ng puting towel.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita kong pumintig ang bahaging nakaangat sa towel niya.