GUSTONG manliit ni Daisy nang dumating kinabukasan ang may ari ng ng condo unit at ang bago niyang boss—literal na napanganga ang dalaga nang ilang segundo. Parang model na lumabas sa isang magazine ang babae. Matangkad at slim, naghuhumiyaw ang sukat ng dibdib at balakang. Manilaw-nilaw ang kulay ng tuwid na tuwid na buhok. Parang manika ang liit ng mukha at pang-koreana ang kinis ng balat! Kaya pala hindi matanggihan ni Edgar ang date na kapalit ng pagtira nito sa condo. Kung kahapon ay nagawa niyang balewalain iyon, nang sandaling iyon ay gustong tanungin ni Daisy ang sarili kung kaya ba talaga niyang makita lagi ang babae habang naiisip niya ang posibleng ginagawa ng dalawa tuwing magkasama? Ang mas masama pa, boss niya ang babae! "Ikaw ba ang bagong staff?" Kaswal lang na tanong ni

