"HINDI ka muna kakain?" pagkatapos nang mahabang katahimikan ay narinig ni Daisy na tanong ni Edgar. Wala siyang kakilos-kilos sa puwesto sa kama. "Paggising ko na lang," bulong na lang na sagot ng dalaga. "Gusto kong matulog..." "Aalis ako," sabi uli nito. "Mambababae." Hindi na siya umimik. Tinatangay na siya ng antok. "Daisy?" "Sige lang..." "Pagod ka lang ba talaga?" naramdaman niyang dinama nito ang noo at pisngi niya. "Wala ka namang lagnat?" hinaplos haplos nito ang buhok niya. "Parang nanghihina ka? Hindi yata normal 'yan," naramdaman niyang bumangon ito, mayamaya ay hinawi ang buhok niyang tumabing sa kalahati ng kanyang mukha. "Daisy?" hinaplos nito ang pisngi niya. "Ano'ng masakit sa 'yo?" "Wala. Wala 'to," sagot niya. "Ganito talaga ang pakiramdam ko 'pag magkaka-period

