PAGKALIPAS ng anim na taon, nasa parehong lugar sina Daisy at Edgar. Tahimik na naglalakad habang mahigpit na magkahawak kamay. Mabagal ang mga hakbang niya na sinasabayan ng kanyang asawa dahil sa kondisyon niya. Walong buwan na ang panganay nilang sobrang likot sa sinapupunan niya. Lalaki ang magiging unang baby nila. Naglalakad sila para magpa-araw at exercise na rin niya. Galing sila sa simbahan kanina. Nakatuwaan nilang ulitin ang first real kiss nila sa lugar. Anim na taon na ang lumipas. Graduate na siya. Naiuwi na niya sa ama ang diplomang nakasulat ang pangalan niya at apelyido nito. Kasal na sila ni Edgar at magkaka-baby na pero hindi nagbago ang kilig niya sa halik nito. Alam ni Daisy sa sarili na parehong halik ang gugustuhin niya kahit uugod-ugod na sila. Parehong
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


