KINABUKASAN pagkatapos ng eksena sa silid ni Daisy ay hindi na niya nagisnan sa Pulosa si Edgar. Ayon kay Ate Ara ay maagang umalis ang lalaki. Hindi siya nagpahalatang may parang dumagan na naman sa dibdib niya. Ang hirap aminin sa sarili na pinagagaan ng lalaking iyon ang mood niya. Nang makita niyang nasa guest room ito, nawala lahat ang sama ng loob niya na umalis ito na walang paalam at hindi nagparamdam ng ilang linggo. Ang mahalaga na lang sa kanya ay nagbalik na ito. Hindi na rin siya nagtanong kung bakit nawala na lang ito at hindi man lang nag-text, nagpalit pa ng numero. Sa pag-alis ni Edgar sa Pulosa, naisip niyang magte-text ito. Baka nakaligtaan lang. O naging abala sa manibela at nawala na sa isip pagdating sa Maynila. O kaya ay low bat ang cell phone, o kaya ay...ang damin

