Fifteen

1765 Words

ANG sumunod na lakad ni Daisy sa Pulosa ay magkakasama na silang apat. Sa grotto ang destinasyon nila. Sweet na sweet pa rin ang kasama nilang love birds, hindi naghihiwalay ang mga kamay tuwing bababa ng sasakyan. Pinili niyang sumama sa kotse ni Kuya Zeph. Nasa backseat siya gaya ng mga lakad nilang tatlo noong wala pa si Edgar sa Pulosa. Naghintay siyang yayain ng lalaki na lumipat sa sasakyang dala nito, na hindi ginawa ni Edgar kaya hindi siya nagkusa. Naisip niyang okay na rin iyon, hindi madadagdagan ang bigat ng kanyang dibdib. Naitanong niya sa sarili kung bakit kailangan laging kabuntot ng saya ang lungkot. Hindi ba puwedeng maging masaya na lang? Minsan talaga, masarap mabuhay na walang pakialam sa lahat. Kapag ganoon kasi, pati katotohanan puwedeng hindi pansinin. Puwedeng mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD