HINDI napigilan ni Daisy ang masayang ngiti nang pagbaba niya kinabukasan ay naabutan niyang abalang nagluluto si Edgar. Naamoy niya ang bango ng bawang. Nagsasangag pala ang lalaki. “Hi, Derek,” nakangising bati niya, kumuha ng tubig at uminom. Nang ngumiti ito, ang ngiting pamilyar siya ay natiyak ni Daisy na maganda ang mood ng lalaki. Naupo na siya sa harap ng mesa. Nakahain na ang pritong itlog at corned beef. “Akala ko ba bawal ang de lata?” “Kung isang linggo mong uulit-ulitin, oo.” “Four days lang naman. Three days na noodles—” “Gumawa ka na ng kape,” putol nito, “‘Wag mong ipaalala sa akin ang noodles at de latang buong linggo mong pinagtiyagaan.” Kumilos naman siya agad para gumawa ng kape. “Mag-aaral na nga akong

