WALANG balak si Daisy na buksan ang pinto pero papalakas nang papalakas ang katok. Gabi na 'yon. Inabot na siya ng gabi na hindi man lang lumabas ng silid. Ang totoo ay gutom na siya. Hinihintay lang niyang umalis ang mga tao sa baba para makalabas na rin siya. Maghahanap na lang ang dalaga ng kainan sa labas. Hinding-hindi na niya pakikialaman ang mga de lata at noodles sa bahay na iyon. Pero mukhang hindi umalis ang housemate niyang mainit pa rin yata ang ulo base sa katok. Nakasimangot na tinungo niya ang pinto at binuksan. Si Edgar nga ang nasa labas, salubong ang mga kilay nito. Halatang-halata sa anyo na inis rin. Unang beses niyang nakita ito sa ganoong mood. Nasanay siyang maaliwalas ang mukha ng lalaki. "May matinong pagkain sa 'baba," sabi nito sa pantay na tono. "Lumabas ka at

