PAGKAPASOK sa sariling silid ay mabilis na inilapat ni Edgar ang pinto. Sumandal siya sa likod ng pinto, tumingala at sunod-sunod na humugot at nagbuga ng hangin. Nagagawa niyang mapaniwala si Daisy sa mga bagay na gusto niyang paniwalaan nito pero lagi nang sa kanya ang bagsak nang lahat. Mas nahihirapan siya habang tumatagal. Inakala niyang magiging ganoon lang kadali. Akala lang pala niya. Unang tatlong araw pa lang, bumibigay na siya. Unang tatlong araw pa lang, gusto na niyang sirain ang salita niya, ang pangako niya kay Tatay Ceroy. Unang tatlong araw pa lang, gusto na niyang murahin ang buong mundo at lunurin sa nagyeyelong tubig ang sarili. Unang tatlong araw pa lang gusto na niyang kalimutan ang lahat at pagbigyan ang sarili. Ngunit hindi puwede. Gaano m

