Chapter 2

412 Words
Palinga-linga pa ako pagbaba ng sasakyan ko baka kasi nasa paligid ko lang ang mga tauhan ni Kingston. "Di ba siya iyong na sa news na nanggulo?" Bulong-bulongan na nasa paligid ko. Dedma lang talaga ako dahil wala naman talaga maglakas loob na awayin ako dahil takot lang nila kay Ann at Bea. Nakita ko si Jane pero nauna niya akong tinawag, ayon hila-hila ko siya papunta sa tambayan namin. Malapit na ang graduation ni Jane kaya may pictorial daw sila. Next Year pa naman ako gagraduate, nagpaalam din ako kay Jane dahil may babayaran akong tuition sa Accountant office. "Kelly Harrison may naghahanap sa iyo," Saad ng Head teacher sa akin. Kinabahan ako. "Good morning Ma'am ako po ang personal secretary ni Mr. Vice President Kingston, kung puwede daw po na maaanyayahan kayo sa kanyang opisina," Saad nito na namumutla naman ako . "Po? baka n-nagkamali po kayo." nauutal kong sabi rito. "Hindi po, kayo po talaga," sabi nito sabay pinakita ang litrato na hawak-hawak, na ikinalaglag ng panga ko. Wala na akong nagawa kun'di sumama sa tauhan ni Bise Presidente. Sobrang namangha ako sa ganda ng office ng Bise Presidente. Nanginginig ako sa takot dahil nasa harapan ko ang lalaking sobrang talim ng tingin sa akin. Maya maya lang pumasok si Mr.Vice President. Tumayo ako at nag bigay galang kay Vice "Have a sit." Ay Lintik na iyan! Nakakatakot, dahil parang isrikto ito. "Nice to meet you Miss Harrison, ipinahanap kita dahil sa malaking gulo na ginawa mo sa kasal ng apo ko at malaking Iskandalo ang nangyari." diin na sabi nito na panay naman kurot ko sa aking palad. "Ayoko na maging bastardo ang magiging apo sa tuhod ko kaya magpapakasal kayo ni Lewis." "Po!" gulat na sabi ko. "Yes, binuntis ka ng apo ko kaya dapat lang pakasalan ka niya." ulit na sabi niya sa akin. "S-sir, hindi po ako buntis at ano kasi nagkamali lang talaga ako." parang napapaiihi na ako sa takot at gulat. "Paninindigan mo ang ginawa mo!" saad ni Mr Vice President at tumayo na ito. Tiningnan ko naman si Lewis. Napaiwas ako ng tingin dahil parang kakainin na niya ako. Dahan-dahan akong tumayo at lalabas na sana nang magsalita ito. "Don't try to run and hide again, dahil kahit saan ka pupunta mahahanap pa rin kita!" Galit na sabi nito. Talagang dito na talaga mag-uumpisa ang gulo na pinasukan ko. Magagalit na naman ang Daddy ko. Baka itatakwil na ako ng aking pamilya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD