Chapter 3

438 Words
Nandito ulit ako sa School, meron na naman nakasunod sa akin. Kakainis ma talaga! Pauwi na ako, at papunta na sa parking lot nang biglang may humarang sa akin. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Lewis dahil nandito siya sa University. "Come with me now!" Agad niya akong hinila patungo sa itim na sasakyan. "Ay! Saglit ang kotse ko!" hindi puwede iwanan ang kotse ko rito sa university. Pero parang bingi lang ito. "Saan tayo pupunta?" tanong ko rito. Pero hindi talaga ito nagsasalita. Hindi rin niya ako pinapansin. Ang tagal din ng biyahe namin. Bumaba na kami sa isang malaking building at pumasok sa loob. Pumasok kami sa isang malaking opisina. Nadatnan namin si Vice President at may kasama pang isang matandang lalaki at isang lalaki pa na sobrang guwapo kahit may edad na ito at napakagandang babae na katulad din ng isang lalaki kahit may edad na rin lutang pa rin ang ganda niya. Nakangiti sila sakin puwera lang si Vice na talaga namang sobrang seryoso. "Judge, umpisahan mo na ang pagpapakasal sa kanila." utos ni Vice na ikinataranta ko. "Wait ! Wait po! puwede po ba maka-ihi muna?" saad ko na lahat sila nakanganga, eh sadya naman na ihing-ihi na ako. Tiningnan ako ni Lewis ng nagbabantang tingin. At nakita ko rin ang tingin ni Vice na parang naiinis kaya tumahimik na ako. Ang bilis ng pangyayari, kasal na ako. Hindi ito ang pinangarap kong kasal! No hindi ko nga mahal ang lalaking ito. "May you now kiss the bride." saad ni Judge. Kiss agad? Jusmi! Humarap sa akin si Lewis at hinalikan niya ako sa labi. "Congratulations anak, welcome to our family." aniya ng magandang ginang. Mommy pala at Daddy ito ni Lewis. "Sige na Lewis dalhin mo na pauwi ang asawa mo." Utos ni Vice. Hinila agad ako ni Lewis ni hindi man lang kami nagpaalam sa pamilya niya, wala talagang modo! "Uuwi ako sa condo ko." Saad ko sa kan'ya. "Asawa na kita kaya sa bahay ka uuwi." matigas na sabi nito. "Hindi puwede!" nagpapadyak na sabi ko rito. Tiningnan nito ako . "Tatakas ka?" "Hindi ah, kainis ka talaga wala akong damit sa bahay mo, pati panty at bra." irap ko rito "Hindi mo na kailangan iyon, kumpleto na lahat sa bahay ang lahat na kailanganin mo." saad niya sa akin. Na stressed talaga ang beauty ko, sa isang iglap lang kasal na agad ako. "Oo nga pala ayoko ko sa lahat na ginagabi sa pag uwi, pagkagaling sa school diretso na umuwi, maliwanag?" "Tatay ba kita?" irap ko sa kan'ya. "Tatay na bubuntis sa iyo." nakangisi na saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD