Pagdating sa bahay niya, wala talagang katao-tao.
"Wala tayong katulong so you must learn to cook and house hold chores." saad niya sa akin.
Wala namang problema sa akin ang pagluluto kasi marunong ako niyan dahil naging independent na ako. Pero ang paglilinis, hindi talaga ako maaasahan diyan.
Sumunod ako sa kan'ya hanggang sa itaas.
"Ito maging kuwarto natin, at isa pa dapat na natin mabigyan ng apo si Vice President dahil matanda na ito." saad niya na nakakanganga pa ako dahil naman nabigla ako sa sinabi niya
Pumasok ako sa kuwarto daw namin, sobrang laki parang puwede na pang dalawahan na kuwarto.
"You want to take shower first?" tanong niya sa akin.
"Mauna kana baba lang ako at magluluto." saad ko rito dahil mag-aalas sais na wala pa kaming hapunan.
"No need, nag-order na ako ng food." tumalikod na ito pumunta ng shower room.
Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko magagalit talaga sila Mommy sa akin.
After 15 minutes lumabas na ito na naka boxer at white sando, napatulala pa ako. He's like a greek God! Oh my gulay!
Biglang pinitik niya ako sa noo.
"Mapasukan ng langaw ang bunganga mo," sabi niyo na ikinapula ng buong mukha ko.
Nakakahiya!
"M-maliligo na ako." naiilang na sabi ko rito.
Pumunta na ako sa kabinet para maghanap ng damit. Kumuha lang ako ng isang malaking t-shirt at may nakita akong bagong panty din. Hindi ko na kailangan ng short dahil sobrang laki ng t-shirt, siguro kay Lewis ito, mas komportable kasi ako sa malalaking damit kapag natutulog.
After thirty minutes natapos na din ako, paglabas ko ng bathroom wala na si Lewis sa room namin baka nasa baba na ito.
Well, hindi rin ako nagsuot ng bra kasi hindi naman kalakihan ang dibdib ko kaya okay lang hindi naman halata sa t-shirt na wala akong bra. Napasimangot tuloy ako, inggit talaga ako sa mga malalaking boobs.Iyong friend namin na si Jenny sobrang laki ng boobs niya.
Bumaba na ako at nadatnan ko si Lewis na inaayos ang pagkain sa mesa.
"Let's eat." agad na bungad niya sa akin.
"Tomorrow, alas-otso ng umaga ang alis ko papuntang opisina," sabi na kumakain kami. Ang sarap ng pagkain kaya ganadong-ganado ako.
"You have a class tomorrow?" he ask..
"Wala busy ngayon sa school at sem-break na namin." saad ko rito.
"What's your plan?" tanong niya na titig na titig sa akin.
"Maghahanap muna ako ng work habang wala pang pasukan." gusto ko muna magtrabho para hindi ako maiinip sa bahay.
"Doon kana magtrabho sa company ko," saad niya.
"Ay! Ayoko, sa company na lang ng friend ko," sabi ko rito na tinaasan pa ako ng kilay.
"You want or not ako pa rin ang masusunod and we need to have a baby this year." maawtoridad na sabi niya.
"Hindi puwede! Hindi puwede ako mabuntis kasi magtataka ang pamilya ko kasi every three months, I need to visit them in US."
"Wala silang magagawa dahil may asawa kana, kung hindi dahil sa kalokohan mo wala ka sana sa sitwasyon na ito!" bigla itong tumayo at niligpit ang pinagkainan namin.
Tumayo na rin ako at pumunta sa lababo para maghugas ng kamay.
"Sumunod kana agad sa kuwarto ,we need to rest dahil bukas isasama kita sa office," sabi niya na nauna ng umakyat sa taas.