Chapter 2

1227 Words
Brynna's POV. Nandito kami ngayon sa loob ng binubuo naming guild habang nagpapahinga dahil sa mga bagay na ginawa namin kanina. "Guys, ano na? Nakaisip na ba kayo ng ipapangalan sa grupo na 'tin?" tanong ko habang nag-iisip din ng maaaring maging pangalan ng aming grupo. Sa totoo lang, kanina ko pa pinipiga ang utak ko para mag-isip, pero wala talagang napasok sa isip ko. Nakakainis! Matalino ako sa klase, sadyang wala lang akong idea sa pinag-uusapan namin ngayon. Si Ken kasi eh. Magulo din. Tsk. "Red Crawl?" suhestiyon ni Ken. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Baliw talaga 'tong lalakeng ito. Nagbibiro ba siya? Pangpagulo talaga siya, hindi ba? "Ang baduy naman ng naisip mo, parang ikaw lang." Nagcross-arm ako at inirapan si Ken. Totoo naman kasi eh. Anong kinalaman ng crawl dito, di 'ba? Tumawa siya sa 'kin, pero nandoon pa rin ang mapang-asar niyang tingin. "The strongest team?" Muntikan na kaming matumba lahat dahil sa sinabi naman ni Sam. Nakisabay pa si Sam. Napasapo na lang tuloy ako sa ulo ko. "We're not the strongest one. Kaya nga may contest eh,” masungit na pagsalungat ni Iahn dito. Parang laging may red day 'yong kapatid ni Seles. Laging masungit eh. Kaya lang napapansin ko, masungit lang siya pagdating kay Sam. Teka, teka. . . hindi pala. Masungit din pala siya sa akin. Tsk. "Hey, guys. Nakakalimutan n'yo na ba?" Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon ni Kurt ng magsalita siya. Salubong ang mga kilay namin habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Huh? Ang alin?" kunot- noo kong tanong din sa kanya. Ano ba kasi iyong nakalimutan namin? Sa pagkakaalala ko, nagtoothbrush naman ako kanina eh. Totoo 'yon, guys. Hmmp. "Ah! Oo nga, guys! Mayroon na tayong guild name dati pa." Nagtatalon sa tuwa si Seles habang pinalakpak ang kanyang dalawang palad. "Eh? Wala namang guild-guild dati ah." Naguguluhang tanong ni Alliexynne dito. Oo nga. Tama si Alliexynne. Grabe ang dalawang 'to. Sila lang ang nakakaalam ng sinasabi nila. Kung sabagay, sila na naman ang bagay dati pa. Hihi. "Hindi n'yo naiintindihan. Hindi ba ang pangalan ng grupo na 'tin ay Knight Raid?" asar na wika ni Seles dahil wala pa rin kaming alam sa sinasabi niya. Hala! Oo nga. Knight Raid nga pala ang pangalan ng grupo namin. Naiintindihan ko na sila! Great! Sabi na nga at hindi talaga ko slow eh. Hahaha. "Nagpapakahirap pa tayo mag-isip, mayroon na palang pangalan ang grupo na 'tin," bored na saad ni Daine. Ngayon na may guild name na kami, kailangan na naming alamin kung sino ang magiging guild master namin. Nagtinginan kami sa isa't-isa at tila inaalam kung sino ang nararapat na maging leader/master ng grupo. Mga ilang segundo pa ang lumipas ay sabay-sabay naming inilabas ang aming mga armas habang nakangiti sa isa't-isa. Magsisimula na sana kaming maglaban sa isa't isa ng bigla na lamang kaming napahinto sa paggamit ng aming mga armas. Gano’n din ang nangyari sa iba ko pang kasama. "Sasali tayo hindi para mag-away o makipaglaban sa isa't isa." Napatingin kaming lahat sa gawi ni Seles na printeng nakaupo sa kanyang upuan kanina pa. Sobrang lakas niya talaga. Kahit si Kurt, napigilan niya ang armas nito. Ikaw na, Seles. Haha. * Peeww. Akala namin madali lang maging isang ganap na guild sa contest na ‘to, pero hindi pala. May pinagawa pa sa aming pag-subok. Buti nalang at nalagpasan namin ito. Ngayon, nandito na kami sa quadrangle at isa ng ganap na guild. Nandito na rin ang ibang guild na nakapasa rin sa pagsubok. "Okay. I will announce our four guilds na nakapasa sa aming pagsubok. The first one. . . THE THORNS OF ROSES. They said, oh. They said nothing. Well, I think they are the type of people who dislike the noise and for them, 'Act before you talk.'" Ma'am Mikhaela "The second one is. . . BUBBLY DEATH. They are the group of people that will never make you cry. They are warrior type like they said because they never run to their opponents or enimies. Wow." Sir Clyde "The third one is. . . DRAGONOID. Oh. What a kind guild. They believe that dragons really exist. They said, 'We are kind person, but be prefer if you see our dark side.'" Sir Andrew "And last but not the least. . . THE KNIGHT RAID! Oh. I'm sorry. I'm not into Knight Raids, really. Haha. So, They said that they are bad from the outside, but good from the inside. They all wishing that they can forget the bad past that they experience before. Ah, so touchable. Just kidding. Haha." Tita Sandra Kailan pa naging ganyan si Tita Sandra? Nakasimangot kaming lahat habang nakatingin sa kanya. Tita Sandra, tatandaan ko 'to. "So, here we are. We will announce the guild master by each guilds too. Unahin na na 'tin sa Dragonoid. Ang guild master nila ay si Infinity. Sorry. Hindi p’wedeng malaman ng ibang guild ang tunay na pangalan ng bawat isa. Kasama rin 'yon sa rules ng contest na ‘to. Hihi. Ang guild master naman sa Bubbly Death ay si. . . Forth. By the way, ang tanging nakakaalam lang dapat ng totoong pangalan ng bawat isa ay ang sarili nilang ka- guild, okay? Next is from the Thorns of Roses, master. . . Dab! Oh. What a weird code name huh? And last but not the least again!" Ma'am Mikhaela Napansin ko lang. Bakit laging hinuhuli ang guild namin? May galit ba sila sa amin? "The guild master from Knight Raid is. . . Black Girl. Eh? Hahahahahaha. Black girl. Hahaha-Oh. Sorry. That's all. Thank you. We will announce when and where the contest will happen later, but for now. Mag practice muna kayo bilang paghahanda sa paparating na paligsahan." Ma'am Mikhaela "Eh?! Hindi naman 'yon ang sinabi kong code name ah! Isa pa. Hindi black ang kulay ng mata at buhok ko. Gold!" inis na reklamo ni Seles. Tama kayo ng iniisip. Si Seles nga ang naging guild master namin. Hahaha. "Oy! Gibo, anong problema mo?" inis na wika ni Jeoff kay Rexsha. Hahaha. Oo. Si Rexsha nga. Code name niya ay Gibo. As in Girl-Boy. "Tss. Hindi ako Gibo. Tsk,” asar na wika naman dito ni Rexsha. Yehey! Nakasali na kami sa contest at excited na ko sa contest! Sana lang, walang mangyari kahit anong masama sa laro at kami ang manalo. Someone's POV. "Tsk. Nakakainis talaga ang contest na ‘yon." "Keep cool lang. May magandang plano akong naisip.” Isang nakakarakot na ngiti ang binigay ko sa kanila. "Mukhang maganda yan ah. Ano 'yon?" tanong ng isa ko pang kasama. "Magpalakas muna tayo at kapag malakas na tayo. . . boooom! Sisiguraduhin na 'ting nagkamali sila sa hindi pagtanggap sa atin at para maipakita sa kanila 'yon. . ." Tinaas ko ang kanan kong kamay at nag kunwaring sinaksak ang sariling puso. "Kailangan na 'tin silang pahirapan unti-onti hanggang sa malagutan sila ng hininga. Hahaha,” pagpapatuloy ko pa. "Aba! Okay ‘yang naisip mo, master. Hahaha. Gusto ko ‘yan,” sagot sa akin ng isa ko pang kasamahan. "Nakakaamoy na ko ng dugo, master." Ngumiti rin sa akin ang isa ko pang kasama. “Tama ka. Isang sariwang dugo," sagot ko naman sa kanya. Mag-hintay lang kayo at balang araw ay pagsisisihan niyo rin ang hindi n'yo pagsama sa amin bilang isang ganap na light guild. Magpakasaya lang kayo ngayon. Hahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD