bc

The Strongest Guild

book_age12+
239
FOLLOW
1K
READ
brave
witch/wizard
tragedy
twisted
no-couple
magical world
another world
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Si Selestine Dennise Amores ay patuloy namamuhay sa mundo ng mahika kasama ang kanyang mga kaibigan at bagong pamilya. Pagkatapos nilang matalo ang Powerful Magical World ay napagpasiyahan ng Hari at Reyna na magkaroon ng patimpalak sa Magic World kung saan ay muli nilang aalamin kung sino ang pinakamalakas sa mundo ng Magic World. Ang patimpalak ay nangangailangang patunayan kung sino sa kanila ang strongest guild ngunit hindi nila alam na ito rin ang magiging dahilan kung bakit maaaring mabura sa mapa ang mundo ng mahika.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Brynna's POV. "Gusto ko sanang magkaroon pa ng mahabang paglalakbay pero. . ." Nakikita ko ang lumuluhang si Seles habang kausap si Kurt. "Don't cry, Seles.This is not the end for us. Punasan mo ang luha mo. Gusto mo pa magkaroon ng isang mahabang paglalakbay, hindi ba? Kung gano'n ay tulungan mo kong talunin sila." "Pero, hindi na na 'tin sila matatalo. Wala na ang iba na 'ting kaibigan. Namatay sila dahil dito. Marami ng nagdusa. Puro dugo na lang ang nakikita ko sa paligid. Kurt, anong gagawin na 'tin?!" Napaluhod si Seles dahil sa panghihina habang humagulgol ng iyak. "Seles, maraming mga inosente ang namatay at nagdusa dahil lumaban sila para talunin ang kaaway! Kaya tumayo ka at lumaban para mabigyan na 'tin ng hustisya ang pagkamatay nila. Oo, halos maubos na ang kapangyarihan na 'tin, pero magkasama pa tayo. As long as we have our life, hindi tayo susuko. As long as we can stand, we can fight!" Tumalon sa himpapawid si Kurt at sinugod ang mga kalaban ngunit sa isang iglap, ang isang m****o at makasalanang katana ng kalaban ay tumama sa kanya. Hindi na niya ito naiwasan pa. "Kuuuuurrrttt!" Umalingawngaw sa buong lugar ang panaghoy ni Seles. Nagising ako na hinahabol ang aking hininga. Isang masamang panaginip? Hindi. Sa tingin ko, isa itong nakakatakot na pangitain para sa hinaharap. Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid para alamin kung nasaan ba ko. Hanggang sa napagtanto kong tila wala yata ako sa aking kuwarto. Nasaan na ang mga kaibigan ko? "Gising kana pala. Halika na at may annoucement daw muli ang Hari at Reyna ngayong araw tungkol sa patimpalak na sinabi nila noong nakaraang araw," wika ng isang kilalang tinig. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nalaman kong si Iahn pala. Ang kapatid ni Seles. Teka, anong ginagawa niya dito? At ako? Bakit ako nandito? S-Sa kuwarto ng lalake na 'yan? Tss. "Still wondering why you're here? Mamaya mo na lang alalahanin kung ayaw mong iwan kita. Halika na," wika niya pa at lumabas na ng kuwarto. Waah! Anong ginagawa namin sa iisang kuwarto? Nag-ayos lang ako sandali at saka sumunod sa kanya sa labas. Nandito pala ko sa dorm ng mga lalake at nasa kuwarto ako mismo ni Iahn? Teka. . . Kahapon ang alam ko ay nagkukuwentuhan kami nila Ken at pagkatapos ay hindi ko na alam ang nangyari. May nangyari na naman kayang masama sa akin? Nagbalik ang utak ko sa realidad ng makarating na ko sa quadrangle ng school. Agad ko namang nakita ang kinalalagyan nina Seles. Kumaway sila sa akin at lumapit naman ako sa kanila. "Brynna, ayos kana ba?" nag-aalalang tanong sa ‘kin ni Seles ng makalapit na ko sa kanila. "Tahimik na, guys. Magsisimula ng magsalita ang Reyna at Hari." Ngumuso si Alliexynne sa harapan kaya doon na nabaling ang atensyon naming lahat at hindi ko na nasagot ang tanong ni Seles. "Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aming paanyaya. Ngayon ay nais namin ipabatid na ang paligsahan ay tatawagin naming GRAND MAGIC GAMES. Kung saan lahat kayo ay may karapatan na sumali at maipakita ang inyong lakas. Maaari kayong bumuo ng inyong grupo upang itanghal bilang 'The Strongest Guild'. Sa ngayon ay hindi muna namin sasabihin ang inyong makukuha kung kayo ay mananalo. Sasabihin namin ito pagkatapos ng laro. Upang legal naman na makabuo ng grupo ay kailangan n'yo munang mamili kung sino sa inyo ang magiging leader. Ang bawat grupo ay tatawagin guild at ang leader naman ay tatawaging guild master. Ang bawat guild master ay maaari lamang lumaban sa huling paligsahan ng laro. Sila rin kasi ang mamumuno at ang magpapasiya kung sinong member ang lalaban sa kabilang guild at kung anong klaseng tactics ang gagamitin ng inyong guild. Ito rin ang magpapasiya kung anong ipapangalan sa grupo at anong patakaran ang mayroon nito. Para naman malaman ang rules and regulations ng laro ay kailangan ninyong pumunta sa inyong guro at magpalista. Pagkatapos ay ibibigay na nito sa inyo ang maliit na libro na naglalaman ng rules and regulations ng laro. 'Yon lang at maraming salamat sa inyong pagdalo." Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon para makapag-react sa mga sinabi nila dahil hindi man lang sila tumigil sa pagsasalita at mabilis silang nawala nang may pumalibot na usok sa kanilang paligid katulad ng dati. Akala ko ay mapupuno na naman ng ingay ang paligid, pero tila yata may dumaan na isang anghel at sobrang tahimik ng paligid. Hanggang sa bigla akong nakaramdam ng kaba. 'Yon pala, ang lahat ng tao na nandito ngayon ay nakatingin na sa amin. Parang may sinasabi na agad sila sa amin kahit hindi pa gumagalaw ang bibig nila. Sa buong paligid, mukhang sa amin sila may problema sa oras na maganap ang laro na sinasabi ng among guro. "Bakit? Bakit? May sasabihin ba kayo, guys?" nakangiting tanong ko sa mga tao habang palingon- lingon sa kaliwa't kanan ko. Parang nakakailang kung mananatili kaming tahimik kaya nauna na kong magsalita. Malay ko ba kung nahihiya lang silang kausapin kami. Hahaha. "Wala naman, Ms. Brynna. Mukha kasing ngayon palang, alam na agad namin kung sino ang mananalo bilang 'The strongest guild'." Ngumiti sa akin ang babaeng pusha pink ang mata at buhok. Unti-onti nang nagsilabasan ang mga estudyante, pero bago lumabas 'yong babaeng sumagot sa tanong ko ay may pahabol pa na sinabi dito si Alliexynne. "Pero, malakas ka rin. If we're talking about the past, yes. We are the strongest one, but we are not living in the past, we are living now in the present and this era is dangerous because we do not know who is the strongest one. Maybe that is one of the reason why our King and Queen made this contest." Ngayon ko nalang ulit narinig ang seryoso, pero mahinahong boses ni Alliexynne. Ngumiti lang 'yong babae sa kanya at tuluyan ng umalis. "Alliexynne is right. Look at what happened to Rexsha and others. Hindi sila kabilang noon sa Knight Raid, but they are strong like us,” pagsang-ayon ni Horin kay Alliexy. “Yeah. I think we need to train ourselves if we really want to win and I think, I need to be a demon again like we first met each other." Nakita ko ang pagngisi ng malademonyo ni Rexsha pagkatapos magsalita. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Talagang ang aura palang nila dati ay parang masamang tao na. Kaya nga nakaramdam talaga ako ng pagkailang sa kanila noon. Napapikit ako bigla at inalalayan naman ako ng mga kasama ko ng may imahe na naman akong nakita sa hinaharap. “Sino ka? Bakit mo ko niyayakap, babae? Waaah! Sa tingin mo, mali bang isipin ang buhay ng isang tao kahit kalaban na 'tin ito? A-ang magic world! Gumuguho ang Magic World!" wika ko habang inaaninag pa ang imahe sa hinaharap. Pagkatapos ay bigla na kong nawalan ng malay. Selestine’s POV. Nagkatinginan kaming lahat sa minungkahi ni Brynna bago siya mawalan ng malay. "Ano raw? Una, mayroon siyang kayakap na isang babaeng hindi niya kilala. Pangalawa, mayroon tayong makakalaban sa hinaharap, pero iisipin na 'tin ang halaga ng buhay nila at ang pangatlo ay ang Magic World. Gumuguho raw ang Magic World." Lahat ng balahibo ko ay nag sitayuan ng baggitin ni Ken ang huling sinabi ni Brynna. Sana. . . sana hindi naman humantong sa gano'n ang lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.4K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.7K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook