Brynna's POV.
"Eh? Ano ng nangyari sa panahon? Look. Sunny here and rainy there." saad ni Mitch sabay turo doon sa lugar na umuulan.
Totoo nga ang sinabi niya. Maaraw ngayon dito sa kinatatayuan namin ngayon, pero doon sa tinuro ni Mitch ay umuulan nga. Hala! Pati yata yung panahon nagloloko na. Haayst.
"Wala na tayong oras para alamin kung bakit nagkaganyan ang panahon. Magtungo nalang tayo d'yan. Dahil sigurado akong naghihintay na sa atin ang mga kalaban." wika ni Tatiana at nauna ng maglakad papunta doon sa lugar na umuulan.
Sumunod nalang kami sa kaniya. Papasok na sana kami dito sa loob ng ulan nang bigla kaming pigilan ni Black Devil.
"Sandali! Huwag muna kayong pumasok sa ulan. Hayaan niyo munang mag-obserba tayo ng ilang sandali pa. Sapagkat may posibilidad na patibong lamang ito ng mga kalaban." Black Devil
"Pero wala na tayong oras para diyan." tutol naman ni Tatiana dito.
"Hindi naman tayo nagmamadali, Tatiana. At hindi dapat tayo nagmamadali. Minsan, ang pagmamadali ay nagtutulak pa sa atin sa kapahamakan." Black Rose
"Tumigil na kayo sa pagtatalo. Hindi yan makakatulong sa atin." pagsingit ko sa kanilang usapan. Nababatid ko kasing na magkakaroon pa ng alitan sa pagitan namin kung wala pang pipigil sa kanila.
Pagkatapos ay sinubukan kong ilagay ang mga daliri ko sa loob ng ulan. Ngunit wala pang isang segundo ay napatanggal ko na agad ang mga daliri ko dito at napasigaw.
"Aaaahhh! Don't go near to the rain!" I shouted.
Agad kong tiningnan ang mga daliri ko at para na itong inilubog sa kumukulong mantika dahil sa sobrang pula nito. Maya-maya pa ay lumobo ito ng maliliit at maya-maya pa ay pumutok ito. Kaya lalo akong napasigaw sa sakit.
"Aaahhh!"
Nabahala naman ang mga kasama ko at nilapitan ako.
"Don't move, Green Tiger. Gagamutin ko ang natamo mong sugat." wika ni Tatiana.
Ano bang meron sa ulan na to? Teka...
"I open of the gate of a serpent bearer, Ophiuchus!" sigaw ni Tatiana habang hawak ang isang golden key.
Pagkasabi niya ng parang spell na yun ay nagkaroon ng yellow light sa paligid at may lumabas na isang nurse na may dala-dala pang malaking injection na kasing laki na yata ng nurse.
"What can I do for you, Mistress?" wika nito kay Tatiana.
Humarap naman dito si Tatiana at sinagot siya.
"Gamutin mo ang sugat niya. Malalim ang natamo niyang sagutin, pero gusto ko sanang bilisan mo ang paggamot." utos naman ni Tatiana dito.
Sinimulan na kong gamutin ng celestial spirit ni Tatiana habang ang iba naman ay nagsimula ng mag-isip ng stragedy kung paano mapapaalis ang isang acid rain.
Ken pov.
Hindi ko alam kung lalapit ba ko sa kinalalagyan ni Brynna o hindi. I feel so helpless. Ni hindi ko man lang siya nagawang pigilan ng ipasok niya ang kamay niya sa acid rain. I feel so weak too. Ni hindi ko man lang mabigyang lunas ang sugat niya. Nagtungo nalang ako sa harapan mismo ng acid rain. Maybe may magagawa ako dito.I'm a poison magic user anyway. Ang mga bagay na tulad nito ay wala lang sakin. Nagmasid lang ako sa acid rain hanggang sa napaatras ako nang may makitang tao papalabas sa acid rain. Hinanda ko kaagad ang aking sarili at ganon din ang ginawa ng iba.
"Welcome to G-Dragon guild." wika ng isang babae.
Hindi ko makita ng husto ang mukha niya sapagkat napapalibutan siya ng isang heavy rain at ang heavy rain na yun ay nasa paligid lang niya mismo.
"What's wrong? Bakit parang hindi yata kayo makapasok sa guild? *Smirk* I thought you have a good magic. Maybe, I'm wrong." saad ng isa pang babae habang nakapalibot naman sa kanya ang mga liquid properties?
Natigilan kaming lahat ng makita kung paano nila pinagsama ang kanilang kapangyarihan para makabuo ng acid rain. Isang kumokontrol ng tubig at isang kumokontrol ng mga liquid properties? Simple lang kung iisipin ang kanilang kapangyarihan ngunit kapag ito'y pinagsama ay makakabuo ng isang pambihira at nakakakilabot na magic.
"So isa pala kayo sa mga dark guild? Kung ganon, simulan na natin to!" Black Devil
Pagkatapos ay lumapit siya sa mga kalaban.
"I will help you, Black Devil." saad ni Mitch at nagtungo na din siya sa kinalalagyan ni Black Devil.
"You guys, go ahead without us. Kami na ang bahala dito." Black Devil
Tumango kami sa kanya at naglakad na patungo sa ulan, pero bago kami pumasok ay gumawa muna ng yelo si Black Devil at pinatigas ang ibang parte ng ulan at dahil doon ay nakagawa kami ng daan patungo sa guild ng G-Dragon.
Tumakbo kami papasok dito at mabilis pa si kidlat na umalis para kung sakali man na matunaw ang yelo. Kasama namin si Tatiana at si Brynna na karga ngayon ni Ophiuchus na hanggang ngayon ay ginagamot pa din niya.
Lumala yata ang kalagayan ni Brynna dahil kita kong pinagpapawisan siya ng malapot. Brynna, huwag kang mag-alala. Kami na ang bahala sa kalaban at ikaw, magpahinga ka muna.
'Siguraduhin mong ipaghihiganti mo ko sa kanila ha.'
Napalingon ako sa direksyon ni Brynna nang marinig ko ang boses niya sa aking isip. Nakita kong ngumiti siya sa akin kahit hinang-hina na siya. Kaya naman ngumiti din ako sa kanya at tumango.
"I will."
Kahit medyo mahina ang pagkakasabi ko, alam kong naramdaman niya at nakarating sa kanya ang sagot ko. Patuloy lang kaming tumatakbo hanggang sa marating na din namin ang mismong guild ng G-Dragon.
"Andito na tayo. Humanda kayo dahil hindi lang malakas at mautak ang mga kalaban. Sila din ang mga tipo ng tao na gagawin ang lahat, makamit lang ang tagumpay. Kahit na ang mangdaya." seryoso ang tinig na babala sa amin ni Tatiana.
Pagkatapos ay sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng guild ng G-Dragon.
"Maging alisto kayo lagi." bulong pa sa amin ni EmpressAffy nang makapasok kami sa loob.
Sobrang dilim ng paligid at wala talaga kaming makita na kahit ano.
"Ring lightning!" sigaw ni Rexsha.
Nagkaroon kami ng liwanag dahil sa magic niya. Ngunit hindi pa din kami sigurado kung nasaan ang tamang daan patungo sa mga kalaban.
"Don't move, guys. I feel like there's someone watching us." Black Rose
Tahimik kaming nakiramdam sa paligid dahil sa babala ni Black Rose.
"My, my. Akala ko ay mga mangmang nga kayo katulad ng sinabi nila. Subalit tila yata sila ay nagkamali sa panghuhusga sa inyo. May natitira pa din palang talino sa inyong kakarampot na utak. Hahaha." saad ng isang boses na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Nagpalinga-linga kami sa paligid at mas lalo pang naging alisto dahil ano mang oras ay pwede kaming atakihin ulit ng mga kalaban. At maaaring
isa na naman sa amin ang masaktan at masugatan. Hindi na ko papayag na mangyari ang bagay na yun.