Amara's POV
Napahawak pa ako sa tuhod ko dahil sa pagod sa pagtakbo. Paglingon ko kay insan ay gano'n din siya.
"Nadamay pa ako diyan sa kalokohan mo, Mara." Sabi niya kaya natawa ako.
"Talagang damay ka naman talaga kasi magkasama tayo." Sabi ko kaya napaikot ang mga mata nito.
"Tandaan mo, insan ikaw ang tumawag at hindi ako. Sa tingin mo sinong hahanapin?" Napalabi naman ako dahil sa tanong niya sa akin.
"Whatever, insan sisiguraduhin ko na hindi na magko-cross ulit ang landas namin ni Mr. Hemsworth." Napailing naman si insan dahil sa sinabi ko.
"Ikaw ahala, Mara basta ako sigurado ako hahanapin ka ni Mr. Hemsworth lalo na ngayon at ikalawang beses mo siya na prank." Sagot niya kaya napailing nalang ako.
"Akala ko naman kung sino 'yon, e. Hindi ko naman alam na sa kaniya ang number na 'yon. Kaya naman pala ng marinig ko ang boses niya ay pamilyar kaagad ito."
"Bukas mo nalang isipin 'yan umuwi na tayo." Sabi niya kaya agad akong tumango. Agad kaming pumara ng taxi at umuwi sa kaniya-kaniya naming tahanan.
Pagdating sa bahay ay napapakunot noo pa ako nang may makitang magarang sasakyan na nakaparke sa labas ng garahe namin.
"At sino naman kaya ang bisita namin?" Takang tanong ko habang papasok na sa loob.
"OMG! Si Mr. Hemsworth." Napaawang ang labi ko nang makita si Mr. Hemsworth na nasa living room namin habang kausap si Mama.
Akmang tatalikod na sana ako nang biglang tawagin ako ni Mama at gayo'n nalang ang pagkabog ng dib-dib ko.
"May bisita ka." Sabi ni Mama kaya nakangiti akong lumingon at nagtama ang mga mata namin ng lalaki. Napakadilim ng aura niya na parang papatayin na ko sa sama ng titig.
"M-mr. Hemsworth," ani ko sa kinakabahang tono. Ang nakakapagtaka ay paano niya nalaman ang bahay namin at inunahan pa talaga ako sa pagpunta dito.
Now, I'm in a great trouble. Hindi na ako puwedeng tumakas dahil bahay naman namin ito at nandito ang lalaking ito sa tahanan namin.
"Ito ba ang tinutukoy niyong anak mo Ma'am?" Tanong nito sa mama ko na agad namang napatango.
"Opo, Mr. Hemsworth. This is my child." Magalang naman na sagot ni Mama kaya napalunok nalang ako.
"Pwede ko ba siyang makausap?" Kinabahan naman ako dahil sa sinabi niya.
Tinitigan ko si mama at taimtim na nagdarasal na sana ay hindi siya papayag ngunit hindi nangyari.
"Okay, Mr. Hemsworth iiwan ko muna kayo." Paalam ni mama na agad namang umalis.
"So, ito pala ang bahay niyo, huh?" Naglakad si Mr. Hemsworth sa kinaroroonan ko kaya naman parang na semento ang mga paa ko at hindi ko maigalaw ang mga ito.
"Tignan niyo, Mr. Hemsworth may..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Don't fool me again! Hindi ka na makakatakas sa akin ngayon and I'll make sure of that!?" Pagalit niyang turan kaya napalunok nalang ako. "Ano ba talagang gusto mo at bakit mo ako tinatawagan?" Tanong pa niya.
"Yes or no ba isasagot ko?" Tanong ko at inunahan ko na siya.
"Bullshit! Pwedeng umayos ka sa pagsasalota and do you know how angry I am right now? Gusto kitang isako at itapon sa ilog!?" Namutla naman ako sa naging banta nito.
"G-grabe naman kayo, Mr. Hemsworth prank lang naman kasalanan ko sa 'yo. Ganito nalang para makabawi ka, i-prank mo nalang din po ako." Nakangiti kung sabi pero tinignan niya ko nang masama.
"Hindi ko kailangan laruin ang ginawa mo dahil may kaukulang parusa para diyan at isa pa, hindi ko makakalimutan kung paano mo sinipa ang alaga ko, kung paano mo ako takasan at ngayon naman na-prank mo na naman ako!" Sabi niya sa matigas na expression. Napanganga nalang ako nang marinig iyon mula sa kanya.
"Hala? Fake news naman pala 'yong nabasa ko sa dyaryo, e." Sambit ko
"What?" Bulalas na tanong nito.
"Sabi doon, Man of few words ka raw pero bakit parang nagtatalumpati ka kung magsalita," Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang salubungin ako ng mga labi ni Mr. Hemsworth.
Dahil sa gulat sa panghahalik ni Mr. Hemsoworth sa akin ay bigla kung kinagat ang labi niya.
"What thw heck!?" Mura nito pagkakalas niya. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang dumugo ang labi niya.
"Bayad 'yan! Pangalawang beses mo na akong hinalikan. Bastos ka!" Sigaw ko at aambahan siya ng sipa ng biglang dumating si Dad.
"Stop it, Amara!" Namutla naman ako nang marinig ang malakas na boses ni Dad.
OMG, nakita ni dad!
Parang gusto kung lumubog sa sahig dahil sa kaba nang malaman na dumating na pala si dad at nadatnan niya ang akmang gagawin ko kay Mister Hemsworth.
"Mr. Hemsworth, sorry for what my daughter did." Sabi ni Dad na agad lumapit kay Mr. Hemsworth at agad nakipagkamay. Napatungo nalang ako kasi natatakot akong salubungin ang galit na reaction ni dad.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, I came here because of your daughter. She prank me two times..." Napaangat ang tingin ko nang sabihin 'yon ni Mr. Hemsworth kay dad.
Tulong!
Sigaw ko sa isip ko. Pero tila walang tulong na dadating ngayon.
"K-kakain muna ako, dad." Paalam ko at tatalikod na sana nang pigilan ni Dad ang kamay ko.
"Huwag kang bastos! Kausapin mo nang maayos si Mr. Hemsworth at humingi ka nang tawad sa kanya." Napalunok pa ako ng makita ang nagbabantang tingin ni Dad sa akin. "Ako rin ay humihingi nang pasensya sa ginawa ng anak ko, Sir." Sabi ni Daddy at bigla tuloy akong nakonsensya.
Hindi ko naman kasi alam na si Mr. Hemsworth pala 'yong na prank call ko, e.
"Mr. Hemsworth ako po ay humihingi nang pasensya dahil sa aking nagawang mga kasalanan sa iyo. Nawa'y ako'y iyong mapatawad." Sabi ko habang nakatungo. Parang gusto kong matawa kasi parang 'yong dating ko ay nagtutula.
"Sana inisip mo 'yan bago mo ako pinaglaruan. Alam niyo pa po ba kung anong pinagsasabi ng anak niyo, Sir?" Napalunok na naman ako dahil sa mga salita ng lalaking ito.
"If you mind, Mr. Hemsworth puwede ko bang malaman?" Tanong ni Dad.
Parang awa niyo na po, Mr. Hemsworth huwag niyo po akong isumbong!
"Pinagbibintangan niya akong pinagsamatalahan ko daw siya. Alam niyo bang inis na inis ako nang panahong 'yon," wala na finish na. Sinabi na niya kay dad at alam kong galit na si dad sa akin ngayon.
"Prank lang kasi iyon! Aray ko naman dad!?" Napahimas pa ako sa noo ko nang biglang pitikin ni Dad ang noo ko.
"Hindi ko po alam na ginawa pala 'yon ng anak ko, Mr. Hemsworth pagpasensiyahan niyo na po." Sabi ni Daddy kaya napakagat labi ko.
"Hindi bale, basta ito lang ang gusto kung sabihin. Oras na i-prank call na naman po niya ako ay tutuluyan ko na siya," natigilan naman ako sa sinabi nito. Anong tinutukoy ni Mr. Hemsworth na tutuluyan niya daw ako?
"What do you mean, Sir?" Dad asked kaya ngumisi si Mr. Hemsworth na sa akin nakatingin.
"I am looking for a wife and if she did something again, I'll make sure to him mine..." Hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Mr. Hemsworth dahil kaagad naman akong sumabat.
"Hala, dad gagawin daw niya ako na asawa niya. Huwag kang papayag," Sabi ko pero tinignan niya lang ako nang masama at binalingana si Mr. Hemsworth.
"Continue, Sir."
"Lahat ng mga sinabi niya sa akin ay totohanin ko dahil naghahanap ako ng magiging asawa ko at wala siyang magagawa para pigilan ako." Patuloy nito sa pagsasalita.
"Iyan lang pala ang gusto mo, akin na number mo para i-prank kita ulit!" Lahat kami ay natigilan dahil sa sinabi ko.
"Anong sinabi ko!?" Dahil sa hiya ay kumaripas ako ng takbo palabas. Hindi ko maintindihan kung bakit tila naapektuhan ako sa lalaking iyon.
Kayden Hemsworth is a freaking Mafia Boss and I just messed him at ngayon pinahiya ko pa sarili ko sa kaniya. Bigla naman akong napatigil sa kakatakbo dahil sa may biglang nangyari.