Chapter 3: Prank Call to the Mafia Boss

1623 Words
Amara's POV Huminga muna ako nang malalim saka nilingon si Mister Hemsworth at huwag niya lang akong balakan ng masama, naku! "Kung balak niyo po akong gahasain huwag niyo na pong ituloy!" Sabi ko dahilan para mapahagalpak ito nang tawa na siyang kinagulat ko. "What the heck!? Pfftt. Wala akong balak gahasain ka babae at saka ba't ko naman gagawin iyon? Kaya kung bumili ng babae at hindi ko kailangan na manggahasa ng babe." Sabi nito sa akin kaya napanganga nalang ang bibig ko. "Kaya mo naman pala, Mister Hemsworth kaya paalisin niyo na po ako." Sabi ko at hindi ko pa maiwasang mapahanga nang makita ang kabuuan ng opisina nito. "You still needed to pay me, woman from what you have done with me." Sabi niya kaya kinunutan ko siya ng noo. "Wala po akong dalang pera kaya hayaan niyo't uuwi muna ako sa bahay at babalikan ko kayo dala ang bayad ko." Sabi ko sa kaniya at taimtim na nagdarasal sa isipan ko. "Tumango ka na Mr. Hemsworth bilis." Aniya ko pa sa isipan pero agad niya akong nginisihan. "Hindi ko kailangan ng pera mo, ang kailangan ko ay humingi ka ng tawad sa akin dahil sa ginawa mong pag-pa-prank sa 'kin." Sabi niya na siyang kinakaba ko. "Ang labo niyo rin po talaga. Sabi niyo bayaran kita tapos ngayon ay hihingi ako ng sorry, ano ba talaga?" Takang tanong ko dito. "Bullshit!" Walang nagawa si Mr. Hemsworth kung hindi ang mahampas ang mesa niya habang nanggagalaiti ang mukha. "Lumabas ka na at huwag kang magpapakita sa akin ulit. Mababaliw ako kapag kausap kita!?" Sigaw niya kaya dali-dali akong lumabas na walang pag-aalinlagan. "Mabuti nalang at wala pala siya, e. Hindi niya ako kaya." Sabi ko at natatawang hinanap ang dad ko. Nang makita ko siya ay agad kung binigay ang baon sa kanya saka kaagad din na umalis. Tinawagan ko pa ang pinsan ko. Bored na naman kasi ako at kailangan ko ng mapa-prank ngayon. Ito kasi ang pampalipas ko, e. "Hello, insan punta ka ngayon dito sa cafeteria, nandito ako ngayon." Sabi ko sa kaniya. "Coming." Sabi ni insan kaya napangisi ako. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay agad namang dumating si Clarise kaya agad kaming nag-order ng pagkain habang nag-uusap. "Alam ko may naiisip ka na naman gawin." Sabi niya kaya napangisi ako. "Ang galing mo talaga, insan. Nahulaan mo agad." Sagot ko sa kaniya habang napapangisi. "Siyempre ako pa." Nakangising sabi naman ni Clarise. "Give me your phone." Sabi ko kaya napakunot noo ito. "Ano na naman gagawin mo diyan, aber?" Tanong niya na agad iniabot sa akin ang telepono. Agad kung kinalikot ang contacts niya at napangiti ako nang may mahagilap ako. "Mr. Pogi pa nakalagay, huh." Bulong ko habang nakangisi. "H-hey, insan what are you planning to do?" Kinakabahang tanong ni Clarise kaya nginisihan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawam "Chill ka lang diyan insan." Sabi ko at agad tinawagan ang number na nakuha ko dito. "Hello!" Sambit sa pagalit na tono ng lalaki sa kabilang linya "Hi, Honey." Nakangisi pa ako habang sinasabi iyon. Mag-e-enjoy na naman ako nito. Pranking someone is my favorite hobby. "Who the hell is this again!?" Napatigil ako nang marinig ang boses niya at teka, parang may kaboses siya. "Aren't you miss me? Alam mo bang miss na miss na kita. Nasasabik na ako na mayakap ka, mahalikan at maikama ka..." Kalaunan ay hindi ko nalang pinansin ang naramdaman ko kanina sa kausap ko ngayon. "Bullshit! Is this a prank again?" Galit na tanong nito sa akin sa kabilang linya. Parang may kaboses talaga ito at hindi ko lang matiyak kung sino. "Amara.. Nag-pa-prank ka na naman," bulong ni Clarise sa akin pero nginisihan ko lang siya. "Hindi ito prank. Ikaw huh, nawala lang ako saglit kinalimutan mo na ako. Hindi mo ba ako na-mi-miss kasi ako miss na miss na kita. Hindi nako makapaghintay na maglaro tayo sa kama..." Sabi ko dito. Para akong na suffocate dahil sa mga sinasabi ko. Nakakadiri pero hayaan na't nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko. "Isa lang ang kilala ko na mahilig sa mga ganito and I know that it's you, Amara. Don't you dare lie on me because I know it's you. You're pranking me again and this is bullshit! You're pranking the Mafia boss again and again!?" Galit na sabi nito kaya naman ay bigla akong natakot at kinakabahan. Bigla ko tuloy naibaba ang telepono. Kinakabahan ako nang banggitin niya pangalan ko. "Kilala niya ako." Sabi ko na parang natutulala. "Huh? Bakit naman? Patingin nga ng number niyan." Sabi sa akin ni insan at agad na hinablot sa akin ang cellphone. "OMG!" Nagulat ako ng biglang napasigaw si insan habang nakatingin sa cellphone. Ano kaya ang nakita niya. Bigla naman akong kinutuban nang makita ang reaction ni insan. Gulat na gulat ito na animo'y hindi makapaniwala sa mga nangyayari. "Ano na insan? Anong nakita mo?" Tanong ko kaya napalingon ito sa akin. "Takte ka, insan si Mr. Hemsworth na naman ang na-prank call mo. You Prank the Mafia Boss, again." Usal niya na siyang kinanganga ng bibig ko. Teka lang, ano raw? "H-huh, a-ano?" Parang biglang naging blanko ang utak ko dahil sa sinabi niya. Parang hindi ako makapag-isip at tulala ako habang nakatingin sa kawalan. Kaya pala sobrang pamilyar ng boses niya. "Ang sabi ko si Mr. Hemsworth na naman ang na prank mo na isang Mafia Boss, insan!?" Malakas na sabi niya kaya naman natulala ulit ako hanggang sa unti-unti ko ng nagegets. "ANO!?" Napatayo na rin sa gulat. "Oh, hindi ba nagulat ka? Akala ko ako lang." Sabi ni insan kaya naman dali-dali kung kinuha ang phone ko. "E, bakit meron siya sa phonebook mo? Hindi ba hindi ito naka-phone book last time?" Tanong ko kaya napangisi ito. "Nilagay ko sa contacts tapos Mr. Pogi nilagay ko." Napasapol ako sa noo ko dahil sa sagot niya. "Ano ba naman 'yan! Bakit hindi mo sinabi sa akin, insan," hindi makapaniwalang bulalas ko sa kaniya "Hala nagtanong ka ba sa akin? Bigla mo na nga lang siyang tinawagan, e kaya wala na akong nagawa pa para pigilan ka." Napaupo ulit ako sa upuan. "Paano ito? Malalagot na naman ako sa lalaking iyon, insa. He's a Mafia boss for goodness at hindi naging maganda ang nangyari sa amin last time," ani ko habang napapahilamos sa mukha ko. "Bahala ka diyan, kung ano-ano kasi pinagsasabi mo. Hindi ka pa nga nakakabayad do'n sa una mong kasalanan tapos dingdagan mo na naman." Sambit niya sa akin. "ARGH! At ang mas masaklap pa ay nakilala niya ako, pero bakit ba ako nag-aalala hindi ako takot do'n." Sabi ko sa kaniya. "Sigurado ka ba?" Tanong nito sa akin kaya umikot lang ang dalawang mata ko. "At saka subukan niya lang akong takutin ipagkakalat ko talaga na bakla siya." Nakangising sabi ko. "Paano mo nasabing bakla siya?" Tanong ni insan na siyang mas nagpangisi sa akin. "Hula ko lang, at isa pa parang bakla naman siyang talaga, e." Natatawang sabi ko. "Naku bahala ka diyan insan, ang laki ng pinasok mo. Bakit naman kasi hindi ka tumigil diyan sa kaka-prank mo napapahamak tayo diyan." Sabi niya kaya pinandilatan ko siya ng mata ko. "It makes me happy." I reply on her. "Happy? tapos anong napala mo ngayon, aber?" Tanong niya sa akin pero umiling nalang ako. "Basta hindi ako takot sa kanya. Kahit pa puntahan niya ako sa bahay, o sa paaralan haharapin ko talaga siya ng nakataas noo." Matapang kong sagot sa pinsan ko. "I-insan," aniya na kinataas ng kilay ko. Tila ba hindi mapakali ang pinsan ko. "At huwag niya lang akong susubukan dahil sinisigurado ko ikakalat ko talaga na bakla siya!" Dagdag ko pa. "T-tumahimik ka," sagot sa akin ni pinsan pero hindi ako nakinig. "At 'yong alaga niya? Hindi naman malaki nahawakan ko nga, e. Anong ipagmamayabang no'n? Mukha lang meron siya." Dagdag ko pa. "A-amara tumigil ka na..." Sabi ni insan at halata sa mukha nito ang takot. Nagtaka naman ako dahil sa inakto niya. "Para ka namang nakakita ng multo diyan?" Takang tanong ko. "Hindi multo kung hindi tao talaga." Sagot niya kaya napaawang ang labi ko at gano'n nalang ang pagtibok ng puso ko. "Can I hear it again, Amara Delgado? What did you say towards me?" Bigla akong napatayo dahil sa nagsalita sa likuran ko. "M-multo," ani ko sa namumutlang mukha. "A...ahh, Mr. H-Hemsworth, ikaw pala." Nauutal kong sambit. "Ang dami mo namang sinabi." Mahinang sabi niya ngunit may pagkadiin. "A-ano... Anong atin?" Tanong ko at napapatawa pa pero halatang plastic naman "I want your explanation." Sabi niya kaya napalunok ako. "Para saan po?" Tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman na kung para saan. "Bullshit! You are really getting into my nerves woman. You prank me two times already and now you're trying to plague that I'm gay? What the hell!?" Galit nitong sabi kaya napalunok ako. "Hindi po ako 'yon..." Sagot ko. "I know your voice and you cannot fool the hell of me!?" Sigaw niya kaya naman plastic akong ngumiti. "Okay fine, Mr. Hemsworth ako nga 'yon." Aamin nalang ako wala na naman akong lusot, e. Pero sisiguraduhin kong makakatakas pa naman ako. "Hala ano 'yon? Tignan niyo?" May tinuro ako dahilan para lumingon sina Mr. Hemsworth doon. "Takbo, insan!?" Malakas kung sigaw kaya kumaripas kaming dalawa nang takbo paalis. "Damn, chase them!?" Malakas na sigaw ni Mr. Hemsworth kaya mas binilisan pa namin ang pagtakbo. Ang lakas din nang pagkakatawa namin ni insan habang tumatakas. Para ngang nabuhay lahat ng dugo ko dahil doon at hindi ko aakalain na maiisahan ko na naman siya and who will thought na ma-prank ko na naman ang Mafia boss for the second time!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD