Chapter 2: No way out

1435 Words
Amara's POV Nanatili pa rin akong nakatalikod at hindi ko magawang humarap pa. Napahigpit naman ang paghawak ko sa hotdog. Dahil sa tense ay kinain ko ang isang stick ng hotdog pero hindi kabilang 'yong stick, hotdog lang. Sino bang baliw ang kakain sa stick, psh. "Humarap ka ngayon din." Utos ng may-ari ng boses sa akin at kung makapag-utos ito ay akala mo naman kung sino. Familiar iyong boses niya at alam ko kay Mister Hemsworth ito at hindi nga ako nagkamali siya nga ito. Gano'n nalang ang pagkabog ng puso ko nang makita ito. "Haha... I-ikaw pala iyan." Pinilit ko pang matawa pero mukhang hindi effective dahil masama niya pa rin akong tinignan. Sobrang lakas na nang kabog ng puso ko. "A-ako nga pala si Amara Ignacio Delgado, call me, Mara po..." Sabi ko sa natatawang reaction. "I don't care your name! What I want is your explanation and why the hell you prank me, huh!?" Diin na pagkakasabi niya para mapalunok ako sa kaba. "T-teka lang po, Mr. Hemsworth huminga po muna kayo nang malalim mukhang napagod po kayo." Sabi ko at ewan ko kung saan kaya ako kumuha nang lakas para maging chill-chill lang samantalang kaharap ko ang na-prank ko and worst, may-ari pa ng school na pinapasukan ko! "Oo, napagod ako. Napagod ako kahahanap sa 'yo at ngayon na nakita ulit kita ay hindi ka na makakaalis pa mula sa akin." Sabi nito sa akin at literal na napaawang ang labi ko. Kinagat ko pa ang hotdog na hawak habang tinitignan si Mr. Hemsworth na ngayon ay hindi na maipaliwanag ang reaksiyon sa kaniyang mukha. "It looks like, I am talking to a crazy woman." Saad niya at napahilot pa sa sentido nito. "Halika! Sumama ka sa akin!" Bigla niyang hinawakan ang wrist ko at saka hinila paalis. Hindi ko na tinangkang tumakbo pa kasi baka mahulog pa ang hotdog ko at isa pa, alam ko naman na hindi niya na ako hahayaang tumakas. Napagod na rin akong kakatakas sa kaniya. "Hala patay siya, wala na siyang kawala." "Gaga kasi, hindi inaalam sino binabangga niya." Rinig na rinig ko pa ang Bulungan ng mga kaklase ko. "Pero ang swerte niya at si Mr. Hemsworth pa rin 'yan ang guwapo." Napailing nalang ako nang marinig na naman ang mga bulungan nila. Ito guwapo? E bakla nga siya. "Saan niyo po ako dadalhin?" Tanong ko kay Mr. Hemsworth. "Sa punishment room." Bigla pa akong napahinto sa paglalakad at walang humpas sa pagkabog ang puso ko dahil sa takot. "What?" Inis niyang tanong sa akin. Bigla naman akong namutla nang malamang sa punishment room pala ang bagsak ko. Ayoko doon at hindi ko alam kung papaano pa ako makakatakas mula sa mga kamay niya. "Huwag niyo po akong dalhin do'n." Sabi ko na nagpailing dito. "Sana inalam mo muna 'yan bago mo ako kinalaban. You just mess with the wrong person." Sabi niya ay napalunok ako. "Hindi ko naman talaga kasi alam na ikaw pala 'yong na prank call ko, e." Napapakamot pa ako sa ulo ko habang sinasabi iyon sa kaniya. "At ano nga ang sabi mo sa 'kin? Na babae kita? Pinagbibintangan mo pa ako na kinuha ko ang p********e mo, like what the f**k!" Napalunok pa ako nang maalala ang eksaktong sinabi ko sa kaniya on phone. Sobrang kabado na ako ntayon. "At sinabi mo pa sa akin na kapag hindi ako sumipot sa park ay ipapahuli mo ako and damn it, pumunta ako doon!" Napahagalpak ako ng tawa sa huling sinabi niya. Hindi lang ako makapaniwala na pumunta pala siya talaga sa park. "Really, Mr. Hemsworth nauto kita? May prank bang totoo? Kita mo na? Prank nga lang 'yon. Prank!" Natatawa pa ako habang sinasabi 'yon. "Pwes sa akin hindi lang 'yon basta prank! At alam mo bang may parusa para doon!" Saad niya kaya natigilan ako sa pagtawa. "Anong parusa mo?" Tanong ko bigla dito. Nagulat ako nang bigla niyang kagatin ang hawak kung hotdog. Napalunok pa ako namg makita kung paano niya ito kinagat at nginuya. "Your food tastes good." Sabi niya kaya napanganga pa ako lalo. Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. "But your lips tastes better..." Sabi niya at gayon nalang ang gulat ko nang sakupin niya ang labi ko. Literal na nanlaki ang mga mata ko at kasabay no'n ang paggalaw ng mga paa ko. "What the hell?!" Sabi nito na napahawak pa sa alaga niya. "Iyan ay para sa pag-prank este, sa paghahalik mo sa akin, bastos ka!?" Sigaw ko sa kaniya. Bigla ba naman siyang nanghahalik at take note, first kiss ko iyon! Kinuha ni Mister Hemsworth and first ko. Damn. "HumHUMANDA KA TALAGA SAKIN AMARA HINDI PA TAYO TAPOS! SISINGILIN TALAGA KITA!?" Sigaw niya kaya agad akong tumakbo paalis. Iyong plano ko na pumasok sa klase ay hindi ko na natuloy pa dahil umuwi na ako ng bahay pagkatapos nang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay naisip ko pa din ang panghahalik na ginawa niya sa akin. "Hep! lumiban ka ba sa klase?" Tanong ni Mama kaya napa-roll eyes ako. "Ay hindi ma, nasa paaralan pa ako." Sabi ko kaya naman pinalo niya ako. "Ayusin mo nga pagsasalita mo, Amara." Sabi niya kaya nagusot mukha ko. "Mama naman, e Mara nalang kasi." Nakanguso ko pang sabi sa kaniya. "Aba may angal ka na tawagin kitang Amara? Ako ang nagpangalan niyan, aber kaya tumahimik ka kung ayaw mong tsinelasin kita diyan." Banta niya kaya napalabi ako. "Kaya nga... ang pangit nga, e." Bulong ko nalang. "May sinasabi ka ba, Amara?" Tanong ni Mama kaya umiling ako. "I love you, nalang." Nakangiting sabi ko sa kaniya "Huwag mo akong bolahin dahil may kasalanan ka pa sa 'kin at mag-uusap tayo mamaya pag-uwi mo. Pwes dahil nandito ka na rin hatiran mo ng pagkain ang daddy mo sa pinagtatrabahuhan niya." Sabi ni Mama kaya umaliwalas ang mukha ko. Simple lang naman ang buhay namin. Hindi kami mayaman at hindi din naman kami masiyadong mahirap. "Sige ma, teka saan nga ba siya nagtatrabaho?" Tanong ko dito. "Sa Hemsworth Enterprise." Sabi ni Mama kaya natigilan ako. "H-Hemsworth?" Hindi makapaniwalang turan ko. Napakunot naman ng noo si Mama dahil sa sinabi ko. "Oo, may angal ka?" Agad akong umiling bilang sagot dito. "Wala, Ma. Nasaan na ang baon ni Papa?" Tanong ko kaya agad niyang binigay sa akin. Agad akong umalis para pumunta sa kompanya at kinakabahan na ako. Ilang minuto lang ay nakarating na ako at nasa harap pa lang ako ng kompanya ay nanginginig na ang mga paa ko. "Sana hindi kami mag-abot dito." Sabi ko sa sarili saka nagdesisyon na pumasok na sa loob. Agad akong sumakay sa elevator at laking pasalamat ko na walang tao. Agad ko na sanang isasara ang elevator ng may biglang humabol sa akin. "Mr. Hemsworth..." I murmur silently. Gano'n nalang kalakas ang kabog ng dib-dib ko dahil sa presensya niya. Kaya naman agad akong tumalikod para hindi niya ako makita. Pigil hininga pa ang ginawa ko. "Hey, Miss." Napatalon pa ako ng kaonti dahil sa biglang pagsalita niya. "Bakit ka tumatalikod sa 'kin?" Tanong niya kaya kinabahan ako lalo. Patay talaga ako nito kapag nakita niya at makilala. Marami pa akong atraso sa kaniya. Ba't naman kasi sa dinami-dami ng lugar ay pinagtatagpo pa kami dito. "Are you one of my employee?" He asked at nagulat nalang ako nang bigla niya akong iharap sa kaniya. "Kaya naman pala!" Bigla akong napalunok nang makita ang galit niyang expression. "Kaya naman pala ay nakatalikod ka dahil ikaw pala ito, Amara." Sabi niya sa pagkakadiin na salita. "H-how are you, M-mr. Hemsworth?" Kinababahang tanong ko. "Come with me." Saad niya na hinawakan pa ang kamay ko. "T-teka may dumi k-ka sa mukha." Sabi ko pero tinignan niya lang ako nang masama. "Hindi mo na ako maloloko pa." Sabi niya at agad binuksan ang elevator. Marahas niyang hinila ang kamay ko kaya wala na talaga akong kawala pa. Sa lahat ng mga santo nagsusumamo ako sa inyo. Ako'y ilayo ninyo sa kapahamakan. Sa kamay ng aking nagawan ng kasalanan. Sana'y inyong bigyan nang kaliwanagan ang lalaking ito para ako'y pakawalan. Tahimik akong nananalangin kasi ngayon nakaramdam na ako nang takot. "Mr. Hemsworth, t-teka iihi muna ako." Palusot ko pero binalingan niya lang ako at masamang tinignan. "No way out, Amara because you'll going to pay all the sins you've done to me and you think I'm fool? I'll never let you escape from me. No freaking way, Amara." Seryosong sabi niya kaya naman ay kumabog pa lalo ng malakas ang puso ko. Huwag niya lang akong gagalawin kung ayaw niyang unahan ko siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD