A Trouble Called Marriage Book 1 | The CEO's Forced Wife Episode 10

2345 Words
THE tour continued with Byron leading their party this time. Sa tuwing may dadaanan silang silid ay natural na humihinto sa pagtatrabaho ang mga empleyadong nakakasalamuha nila para batiin sila lalo na si Ethan. Yanna noticed how the people in the hotel seems to be at ease and comfortable around him. Siguro ay napakabuti nitong boss sa mga pinamamahalaang tao. She tried not to make it obvious that it impressed him. Iilan lang sa mundo ng pagnenegosyo ang kilala niyang mahusay ang pakikisama sa kanilang mga empleyado. Karamihan sa mga business owners na nakilala niya ay numero lang ang tingin sa mga taong nagtatrabaho sa kanila. Yanna sighed when she suddenly felt Ethan’s shoulders brushing against hers. Nakatabi kasi ito sa kaniya habang naglalakad sila at mukhang walang balak na iwan siya ng tingin. Akala siguro’y bata siya na bigla na lamang mawawala. O baka naman ayaw lang nitong bigla na lamang siyang umalis sa hotel gayong hindi pa sila nakakapagusap. Well, wala rin naman siyang balak na gawin iyon. She needs to have things resolved now bago sila magkita ni Miles mamaya. She wanted to be able to look her husband in the eye and not feel guilty because of one stupid mistake. Habang naglalakad ay unti-unting nawawala sa mga sinasabi ni Byron ang isip niya. Si Abby na lang ang halos sumasagot sa mga sinasabi nito. Panay papuri ang kaibigan sa mga advanced features ng hotel na makikita sa bawat amenities nito. Nang sulyapan niya si Ethan kanina ay nakita niya itong napangiti sa mga papuri ni Abby. Halatang natutuwa ito sa mga sinasabi ng kaibigan tungkol sa hotel. Maybe that’s what he was aiming for by designing the hotel in such a way—to be unique and one of a kind that it will garner only compliments and praises from the people who have seen it. What’s been stealing Yanna’s attention for the last few minutes was the smell of Ethan’s perfume which was prominent next to her. Sa tuwing hihinga siya ng malalim ay nadadala ng hangin ang mamahaling pabango ng binata. She didn’t know if his perfume was made of fifty percent pheromones but she couldn’t stay still next to him because of it. Gusto niya tuloy pagalitan ang sarili dahil unti-unting nawawala ang isip niya sa dahilan ng pagpunta niya roon. Focus, Yanna! Don’t let yourself be swayed by such a trick! Paalala pa niya sa sarili. Nang huminto sila sa isang bahagi ng hotel kung saan naroon ang isang spa. Humarap sa kanila si Byron. ““This is the hotel’s newest recreational spa that was built in partnership with a well-known German designer. Isa rin ito sa mga madalas na pinupuntahan ng mga guests namin dito sa hotel.”” Namamanghang napabuga si Abby. ““This is famous. Everyone in the internet is talking about this place.”” Napalingon sila kay Ethan nang bigla itong mag-salita. ““Do you want to try our complete spa treatment package, Abby? Ipapa-arrange ko ang VIP assistance para sa’yo.”” Halata namang kinilig sa sinabi ng binata ang kaibigan. ““Oh my God! For real?”” Nagkibit-balikat lang si Ethan. ““Why not? Don’t worry, I’ll remind them not to bill you.”” Lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ni Abby. ““I mean, if you insist.”” Pinagbuksan ni Byron ng pinto si Abby papasok sa spa. Bago ito tuluyang makapasok ay lumingon pa ito sa kaniya. She mouthed, ““Sorry,”” and held out a peace sign before giggling as she entered the establishment. Napa-ikot na lamang siya ng tingin. Habang kausap ni Byron ang manager ng spa na sumalubong kay Abby sa loob ng spa ay naiwan sila ni Ethan sa labas. Pinag-krus niya ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. ““You bribed my friend to leave me alone with you,”” puna niya. Magkasalubong ang mga kilay na hinarap niya ito. ““No, I was just being nice to a potential client. The prize of the complete spa treatment package is nothing to sneeze at but the promotion we will get once Abby tells people about her experience here will be worth it,”” paliwanag ni Ethan sa transactional na boses. Hindi naman siya kumbinsido sa paliwanag nito. ““Well, I’m all by myself now, pwede na ba tayo’ng mag-usap?”” Bago pa makasagot si Ethan ay lumabas mula sa glass door ng spa si Byron. Ibinaling ng binata ang atensiyon sa assistant. ““Have all the security and staff leave the penthouse for the next hour. I have something to discuss with Mrs. Samonte. Privately.”” May nakakalokong ngiti pa sa mga labi nito nang sabihin ang huling salita. Yanna clenched her teeth. She’s not going to fall for it. ““If you think na basta-basta na lang akong sasama sa’yo sa penthouse mo, Mr. Rivaldi. Nagkakamali ka. I already made that mistake once. I’m never doing that again.”” Mabagal itong tumango na tila ba pino-proseso ang mga sinabi niya. ““Well, then shall we meet up with Miles instead? Hindi ko nasabi sa’yo pero naibigay niya sa akin ang calling card niya noong araw na bumisita ako sa bahay ninyo.”” Tahimik na napasinghap si Yanna. She grabbed on the strap of her bag tightly. ““Fine. Your penthouse, then.”” Nang sabihin ni Byron na wala nang tao sa penthouse ay iginiya siya ni Ethan papunta sa elevator. Nang hawakan nito ang bewang niya habang naglalakad sila ay mabilis siyang umiwas. It elicited a small, amused laughter from him. They took the private elevator that goes straight to the penthouse. Nang makasakay sa loob ng lift ay diretso ang tingin na sinabihan niya si Ethan. ““Keep those hands off a married woman, Mr. Rivaldi.”” He just smirked, clenching his jaw. ““Your adamant refusal is just making this more fun that it already is, Yanna.”” Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na itanong kung ano ang ibig nitong sabihin. When the elevator doors closed, she looked straigh ahead, minding the silhouette of the attractive CEO right next to her. ““CAN I offer you anything?”” Kaagad na tanong ni Ethan kay Yanna nang makarating sila sa penthouse nito. Hindi na niya hinintay pa nitong alukin siya at kusa na siyang umupo sa couch na nasa living room. Kaagad niyang binuksan ang bag at inilabas ang checkbook at fountain pen mula roon. Ethan chuckled. ““What are you doing?”” ““Sabihin mo kung magkano ang gusto mo para tigilan ako at huwag guluhin ang asawa mo,”” diretsahang tanong niya. There was a glint of excitement in his eyes. ““You just went to a tour around my hotel. What makes you think I need money?”” ““Lahat ng bagay may katapat na presyo.”” ““You’re wrong,”” tugon ni Ethan. ““And if I ever want any kind of payment to keep a secret, money is not the only currency I know.”” Sinulyapan nito ang mga binti niyang nakatambad dahil sa hanggang tuhod na bestidang suot. Nahigit ni Yanna ang paghinga nang magsimulang luwagan ni Ethana ng suot na kurbata. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Kaagad naman siya nitong inawat. ““Relax. I’m just loosening my tie. Do you mind?”” Nang umupo si Ethan sa couch na katapat niya, ay napa-upo na rin siya makalipas ang ilang segundo. ““Why do you seem so determined to work on your marriage when you’re obviously the only one doing the work?”” Diretsahan nitong tanong. ““Wala kang karapatang manghimasok sa buhay namin ni Miles. And if that is the only reason why you are proposing a business deal with him, kalimutan mo na lang plano mo. May problema man kami ni Miles ngayon, alam ko na hindi siya papayag na may manggulo sa tahimik naming buhay,”” mahabang litanya niya. ““Hindi ako nanggugulo, Yanna. Kung ang tinutukoy mo ay ang pagpunta ko kaninang umaga sa bahay mo, let me just remind you that it’s nothing compared to the morning you were here in penthouse and kissing me while you were wearing only your underwear.”” Pinamulahan siya ng mga pisngi. ““Stop bringing that up! Iyan nga mismo ang dahilan kung bakit nandito ako. Sinusubukan namin ni Miles na ayusin ang relasyon namin. Yes, we may be going through some bumps in our marriage, but we want to fix it. I feel bad for kissing another man at ayokong habang-buhay na ma-guilty dahil doon kung palagi kang magpapakita sa amin ng asawa ko. So, will you please just leave us alone.”” Hindi mabasa ni Yanna ang reaksiyong gumuhit sa mukha ni Ethan matapos ang mahabang sinabi. Nakatitig lamang ito sa mukha niya habang hinihintay niya ang sasabihin nito. ““Now, you’ve ruined it,”” malungkot ang ngiti nitong bulong. ““Well, I guess we’re done talking. Let me show you outside. I’ll tell Byron to meet you downstairs para samahan ka sa spa.”” Nagkaroon ng gatla sa pagitan ng mga kilay niya. Ethan stood up and walked her to the door. Hindi tulad kanina, this time there was a respectable distance between them. Ito ang pumindot ng elevator para sa kaniya at hinintay pa siyang makapasok para ito ang muling pumindot ng close button ng elevator. The last few seconds was filled with silence as they lock gazes while the doors closes. What just happened? NAKASUOT ng kulay puting bestida si Yanna nang sunduin ni Miles kinagabihan. Pagkatapos ng maikling pag-uusap nila ni Ethan sa penthouse nito ay kaagad siyang dumiretso pauwi. Sinabihan na lamang niya si Byron na ipaalam iyon kay Abby. Ayaw naman niyang kaladkarin pauwi ang kaibigan na nag-eenjoy pa. Nakangiting inilahad ni Miles ang palad para hawakan ang kamay niya habang pababa siya ng hagdan. ““You look beautiful,”” puri nito. She just smiled. At kahit na hindi siya hinalikan o niyakap ni Miles ay sapat na iyon para kiligin pa rin. Sandali lang ang naging byahe nila ni Miles papunta sa restaurant kung saan ito nagpa-reserve para sa dinner nila nang gabing iyon. Puno ang lugar ng mga nag-de-date at nag-ce-celebrate ng anniversary. At one point, may napansing isang diner si Yanna na inabutan ng isang pumpon ng rosas ng isa sa mga staff na halatang surprise ng kasama nitong lalaki. They must be boyfriend and girlfriend. Hindi niya makita kung may suot ba’ng singsing ang dalawa. Nakilingon na rin si Miles sa kanina pa niya tinitingnan. Nang makita ang eksenang pinanonood ay malungkot itong bumaling sa kaniya. ““I haven’t given you any flowers, have I?”” Gulat na napa-maang si Yanna sa asawa. Inalis niya ang tingin sa kanina pa pinanonood na magkatipan at itinuon ang mata sa hawak na menu. ““Don’t worry about that. Hindi naman ‘yon ang naiisip ko.”” Saglit niya itong sinalubong ng tingin. ““And if you think about it, you actually have, you’re the one who paid for our wedding. Including the flowers.”” Mahina itong napatawa. Ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang ngiti. ““Yeah.”” ““Miles, hindi ko naman kailangan ng mga ganoong bagay para maging masaya tayo. I just want for us to always be there for each other, to always understand each other. Kahit walang bulaklak o magarbong anniversary celebration, hindi na mahalaga sa akin ‘yon,”” paliwanag niya. ““You should ask me, kung may gusto ka mang dalhin ko para sa ‘yo. If it’s flowers, or cake, or anything, let me know.”” Walang naging reaksiyon ni Yanna. Tumingin na lamang siyang muli sa menu. That’s not really how she wanted to receive things from him. Kung gusto man niyang makatanggap ng bulaklak o kahit anong regalo mula kay Miles, gusto niyang hindi dahil hiningi nito iyon sa kaniya kundi dahil kusa nitong ibinigay ang mga bagay na iyon dahil naalala siya nito. It’s the thought that always counts. Nang maka-order ng entrée at matapos ma-i-serve ang kanilang pagkain ay tahimik silang nagsimula. Inakala ni Yanna na muli na namang nakalimutan ni Miles ang tungkol sa nangyari sa kanila noong isang araw, ngunit bigla na lamang itong nagsalita. ““About that night, I’m so sorry for pushing you away. Hindi ko lang talaga alam ang ire-react ko noong gabing ‘yon. I don’t know how else to tell you this but I can’t do it yet.”” Pinilit ni Yanna na ngumiti. ““Naiintindihan ko, Miles. I just want to know that our marriage is getting somewhere. Kahit na nagsimula tayo sa unconventional na paraan, I want to make this work.”” Malamlam ang mga matang tumingin sa kaniya si Miles. Hinawakan nito ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. ““I’m so sorry, Yanna.”” ““It’s okay, Miles. I can wait. Kahit gaano pa katagal ang panahon na kailangan mo. If you need me to wait, I will wait. Because I love you.”” ““Yeah,”” bulong na tugon ni Miles. ““I’m really glad.”” ““Hindi ko na ulit ipipilit ang bagay na iyon sa’yo. Hanggang sa maging ready ka, I’ll be here waiting.”” Sinubukan na lamang ni Yanna na ignorahin ang hindi pagsagot ni Miles sa ““I love you”” niya. Darating din naman ang panahon at masasabi din iyon pabalik ng asawa sa kaniya. And by that time maybe their relationship is already on an intimate level. Hindi niya alam kung kailan mangyayari iyon. But for now, and until then, she will wait. Patiently.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD