ETHAN was looking outside the huge glass wall of his penthouse while holding a glass of whiskey in his hand. Nakapamulsa ang kabila niyang kamay habang nakatanaw sa maliwanag na night scape view ng buong siyudad. Huminga siya ng malalim, taking in the silence and stillness of the night.
Mayamaya pa ay isang pares ng mahihinang yabag ang pumasok sa living room ng kaniyang penthouse. He turned his head to see who it was. Nang makita si Byron ay muli niyang ibinalik ang tingin sa labas ng salaming pader ng penthouse.
““You called for me, sir?”” Tanong nito.
““How many women has rejected me in the past, Byron?””
Halatang hindi inaasahan ng assistang ang tanong niya. ““Sir?””
““Give me a number,”” pagpipilit niya. ““A rough estimate. A ball park figure. I want to know.””
Sandaling napa-isip si Byron nang masiguro sa isasagot ay sinabi nitong, ““I don’t remember anyone rejecting you before sir.””
““Right?”” Ethan scoffed. ““So why am I acting like a miserable loser right now after talking to Yanna?”” Tanong niya habang nakatingin sa hawak na whiskey.
Napabuntong hininga si Byron. ““Ethan, stop drinking.”” Kinuha nito sa kaniya ang hawak na baso at inilapag iyon sa kalapit na mesa.
““I just had one drink,”” katwiran niya. Muling niyang tinanaw ang labas ng glass wall. The busy streets downstairs was muted by the soundproof room.
““Ang sabi mo tungkol sa negosyo ang pakikipaglapit mo sa kay Miss Goncalves? What is going on?””
He shrugged. ““I don’t know.””
Naniningkit ang mga matang tiningnan siya nito. ““Do you seriously like her?”” Nasosorpresa nitong tanong. ““She’s married.””
““I know that. Hindi kailangang pati ikaw ay ipapaalala rin sa akin ‘yan.””
Byron exhaled. ““Anyway, Mr. Simmons called and he wants to schedule a video meeting with you tomorrow. Shall I make an adjustment on your schedule?””
““Yeah, put that in my morning. I need to drop by the estate in the afternoon. Baka makalimutan ni Lola na may apo pa siya kung hindi ko siya laging pupuntahan.””
Tumango lamang si Byron at nagsimula nang maglakad paalis ng silid. Agad itong huminto nang tawagin niya. ““Yes, sir?””
““Find me an investigator. A really good one.””
Nagkaroon ng gatla sa noo ng assistant niya. ““Do you need any more information on Miss Goncalves? I think you have too much on her, sir—””
““Not her,”” maagap na putol niya sa sasabihin ni Byron. ““It’s about Miles Samonte this time.””
PIGIL ang paghinga ni Miles habang naglalakad sa car park ng isang hotel. Beads of sweat starts to form across his forehead as he slowly walked towards one of the few cars parked in the area. Dire-diretso lamang siya ng lakad hanggang sa marating ang isang itim na sedan sa dulo ng mahabang hilera ng bakanteng parking spaces.
Napangiti siya nang mga ilang hakbang pa siya mula sa loob ng semi-dark tinted windows ng sasakyan ay nakita niya ang pamilyar na mukha ng taong naghihintay sa kaniya. Ngumiti at kumaway ito sa kaniya. Nagmadali siya nang lakad at palinga-linga pa rin para siguruhing walang ibang tao sa paligid. Nang makarating sa sasakyan ay pumasok siya sa front passengers side at mabilis na bumaling sa taong nasa likod ng manibela.
““I missed you,”” masuyong sabi niya. ““Zach.””
Hinawakan niya ang pisngi ng lalaki at mabilis na ginawaran ng halik ang mga labi nito. Sandaling pinagdikit nila ang mga noo.
Nakapikit na bumuntonghininga si Zach. ““Na-miss din kita. Pahirap ng pahirap ang pagtatago natin.””
Mapait na ngumiti si Miles. ““Ginagawan ko na ng paraan ang designation sa Capri site ng kompanya. As soon as mapirmahan ni dad ang transfer ko, magiging magkasama na tayo roon.””
““And Yanna?”” Zach questioned.
Miles retreated back to his seat. Isinandal niya ang likod sa car seat at huminga ng malalim. ““Madali ko naman siyang mapapakiusapan na mag-stay dito. She never counter everything I say.””
““Hindi ba parang napaka-unfair naman para sa kaniya nitong plano mo, Miles?”” Nag-aalalang tanong ni Zach.
Puno ng hinanakit na humarap si Miles sa kausap. ““And what about me? Hindi rin ba unfair sa’kin na ipinilit akong ipakasal ng mga magulang ko sa isang taong kahit kailan hindi ko matututunang mahalin? I don’t want to hurt her, but I’m just not happy. And I never will be.””
Mahinahong niyakap ni Zach ang kapareha. ““Ssh, I know. At gusto ko na rin namang makasama ka. Ang mahawakan ang kamay mo in broad daylight without the fear of anyone catching us and ruining your family’s good standing when they find out. I want to take you out to dinner and kiss you in public like all the other couples. I just wish there was a way to do all those without hurting anybody.””
““Yanna will understand. When she knows, I’m sure she will understand.”” Kumalas sa pagkakayakap ni Zach si Miles para hanapin ang mata nito. ““Right now, I just really want to be with you. And cherish every moment.””
““As I do.””
Muling naglapat ang kanilang mga labi. Naging mainit at mapusok ang pagdadampi ng mga labi nilang dalawa.
Hindi nila napansin ang nakukubling pigura ng isang taong kinukuhanan sila ng litrato sa tagpong iyon.
ILANG araw matapos kumuha ng isang private investigtor, dumating sa opisina ni Ethan ang isang brown envelope. Naka-address ito sa assistant niyang si Byron. Kaninang umaga ay nakita na niya ito sa desk niya ngunit hindi lamang muna niya pinansin iyon dahil sunud-sunod ang mga meetings niya. Si Byron marahil ang nagdala nito sa opisina niya. Ngayong gabi lang siya nagkaroon ng pagkakataon na tingnan ang laman niyon.
Nang mabasa ang pangalan ng representation ng private investigator na h-in-ire niya ay mabilis niyang binuksan ang envelope. What he found inside fazed him.
Nang sabihin niya kay Byron na kailangan niya ng private investigator para kilalanin si Miles, hindi niya inaasahan na ang mga litratong nasa envelope ang makikita niya. He had already guessed that BrighTech Corp’s young president may be seeing someone else and cheating on his wife because of how inaffectionate he is towards her, ngunit ang akala niya ay babae ang dahilan ng panlalamig nito kay Yanna.
All he wanted was a proof to make Yanna realize that she is not in a relationship that is worth giving her best shot like she believed, but what he have in his hands may even cause more damage—not just to her marriage but to her, personally—than he is expecting.
Mabilis niyang ibinalik ang mga litrato sa loob ng envelope nang makarinig ng mahinang katok mula sa pinto ng kaniyang opisina.
““Come in,”” he said.
Pumasok ang isa sa mga staff niya dala ang isang tasa ng kape na kanina ay ipinadala niya nang makarating sa opisina niya mula sa fifteen hour flight niya mula Los Angeles para makipag-meeting sa legal representative niya sa US para sa official turnover ng property na na-acquire sa Rivaldi Corp. Sanay na siya sa mahabang flight at hindi na tinatablan ng jet lag but he needs to stay up all night to review the proposed lay out of his designer in California para sa itatayong bagong location ng The Dome roon.
After seeing the photos however, he feels like he needed a different drink.
Tinawagan niya si Byron. ““Come to my office now. Bring the best and most expensive bottle of wine you can find.””