““SO, WHAT’S going on again? Why are we here?”” Namamanghang tanong pa ni Abby habang nasa lobby sila ng The Dome Hotel.
““I’m here to confront that guy,”” matigas na sabi ni Yanna. ““Hindi ako makakapayag na masira ninuman ang relasyon namin ng asawa ko.””
Lumalim ang kunot sa noo ni Abby nang marinig iyon. ““Wait—what’s going on here?”” Muling tanong nito.
Napabuntonghininga si Yanna. Of course, Abby will be confused. Hindi naman nito alam ang nangyari. Ang alam lang nito ay nagmagandang loob si Ethan na patuluyin siya sa penthouse nito nang makita siya binata noong isang gabi na wala sa huwisyo. At wala naman sana siyang balak na sabihin kay Abby ang nangyari kung hindi niya kailangan ng reinforcement mula sa kaibigan.
““Abby, that night he took advantage of me,”” madramang simula niya. ““Hinalikan niya ako.””
Napatakip pa sa bibig si Abby nang marinig ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata nito. ““He did not!”” Galit na sabi nito.
Sinenyasan niya ito na hinaan ang boses nang mapatingin sa kanila ang ibang guests na nasa lobby dahil sa bahagyang pagtataas ng boses ni Abby.
““At kaninang umaga nagpunta siya sa bahay para kausapin si Miles. I think he was doing it to try to expose what happened. I know it was just a kiss, but I know will still be devastated kapag nalaman niya. So, I need to talk to this guy and make him realize that he can’t just mess with other people’s marriage,”” mahabang litanya niya.
Tumango-tango lamang naman si Abby bilang pagsang-ayon. ““I’m with you. Mali talaga ang ginawa niya. But how are you going to just request for the presence of such an important person? At sa balwarte pa niya? It’s like you’re asking for a fight in his own territory!””
Napalunok si Yanna sa naging comparison ng kaibigan. She has a point. Ah, bahala na. ““Gusto ko lang naman na walang maging issue sa pagsasama namin ni Miles. That kiss was stupid and it never should have happened. If I have to make a deal with that Ethan Rivaldi, I will do it basta’t tantanan lang niya ako.””
Iiling-iling na lamang na muling inikot ng tingin ni Abby ang buong lobby. ““Well, we’re here now. So that’s step one. Ang challenge natin ngayon ay kung paano mo siya makakausap ng harapan.””
Yanna bit the side of her lips. Paano nga ba? She had no business with him, no connection whatsoever. Tiyak na hindi siya papayagan ng security ng hotel na basta na lamang sumugod sa opisina o penthouse nito, like a crazy woman.
She suddenly recalled the quick exchange she and Ethan had nang paalis siya sa penthouse nito noong umagang sinundo siya ni Abby sa hotel.
““I hope to see you again, Yanna.””
Hindi naman siguro siya nag-a-assume lang kung iisipin niyang gusto rin nitong magkita sila. But even if that’s true, what did she tell him when he told her that?
““I doubt that. Goodbye, Mr. Rivaldi.””
Bumagsak ang mga balikat ni Yanna. Now, she’s just making a fool of herself. Pagkatapos niyang i-snub ang binata sa sarili nitong penthouse at sabihing wala siyang balak na muling makita ito ay siya pa mismo ang nagdala ng sarili niya sa hotel nito.
She pursed her lips. Well, she had a proper reason why she did it. And who’s to judge a wife who only wanted a peaceful relationship with her husband?
““I’ll introduce myself to the receptionist. Hintayin mo lang ako dito, Abs,”” mayamaya ay sabi niya.
““Huy, teka,”” awat ng kaibigan sa kaniya nang magsimula siyang maglakad. Bumalik siya sa puwesto niya nang hilahin nito ang strap ng bag na dala niya. ““Ano’ng gagawin ko rito?””
““Babalik din ako kaagad.”” Napakumpas siya sa hangin. ““Kaya nga kita dinala dito kasi kailangan ko ng reinforcement, just in case that jerk pull the same card on me again. Basta d’yan ka lang muna. I want to see if I can fake an appointment of something.””
Hindi na tumutol pa si Abby. ““Okay, basta bilisan mo, ah. And don’t make a scene.””
Pinandilatan niya ito. ““Sa’yo ko nga dapat sabihin ‘yan, e!”” Mukha kasing kanina pa nito gustong hubarin ang suot na heels at ipukpok sa ulo ni Ethan dahil sa sinabi niyang ginawa nito sa kaniya.
If there’s anything that she can say about Abby, it’s that she’s such a sweet and thoughtful friend. Palagi nitong inuuna ang safety at wellbeing niya. Kaya nga rin ito ang isinama niya dahil alam niyang hindi ito bastang tatakbo at iiwan siya in case their plan goes south.
She scrunched her nose at the thought. Hindi naman siguro aabot sa ganoong eksena ang pagkikita nilang muli ni Ethan. Kung tutuusin, ay ito naman ang may atraso sa kaniya.
““Good morning, ma’am! Welcome to The Dome Hotel. Can I help you?”” Nakangiting tanong ng receptionist ng lapitan niya ang conceirge desk.
Yanna almost invisibly swallowed. ““Is Mr. Rivaldi in his penthouse?””
Nangunot ang noo ng receptionist sa tanong niya. ““Ma’am?””
““I need to talk to him,”” simpleng sagot niya.
““May appointment po ba kayo ma’am? Kay sir Byron po kadalasang dumadaan ang mga personal meeting at appointments ni Mr. Rivaldi,”” paliwanag naman ng babae. ““Nakausap niyo na po ba siya?””
She exhaled. ““No.”” She was about to back down and call the plan off nang muli niyang maalala si Miles. Mamayang gabi ay may plano silang mag-dinner at pag-usapan ang hindi pagkakaunawaan nila bilang mag-asawa. Iyon nga marahil ang unang pagkakataon na gagawin nila iyon sa buong dalawang buwan nila bilang mag-asawa. And is she really going to ruin that by letting a shadow of cheating hang over her shoulders? Kailangang ayusin niya ito ngayon.
Itinaas niya ang mga balikat at baba at matamang tumingin sa babae. ““Call that Byron then. Tell him that Alyanna Goncalves of Leap Technologies is here to talk to his boss.””
““Yes. Right away, ma’am.”” Kaagad namang nagmadali sa pag-dial sa phone na nasa receptionist desk ang babaeng kausap. Halatang pamilyar ito sa pangalan niya. Well, the whole Southeast Asia knows their name or at least the name of their company. Kaya hindi na nakapagtataka pa iyon.
Pagkatapos matawagan ang taong kino-contact ay pinasamahan siya ng receptionist sa isa sa mga staff ng hotel papunta sa VIP lounge ng establisyamento.
Nilapitan niya si Abby para mabilis itong bulungan. ““Come with me, they’re taking me to see Mr. Rivaldi’s assistant.””
““What?”” Halatang gulat na gulat naman ito sa sinabi niya. ““How did you do that?”” She asked in a hushed voice.
Nang makarating sa VIP lounge ay kaagad silang inalok ng maiinom ng isa sa mga staff ng hotel na doon naka-assign. Tumanggi si Yanna ngunit mabilis namang dumampot ng dalawang complimentary drinks si Abby na akala mo ay nasa bakasyon lang.
Hindi makapaniwalang pinameywangan niya ang kaibigan. ““Abigail!”” Sita niya rito.
““They’re complimentary drinks. Sino ba’ng tatanggi sa libre?”” Tugon nito.
Inagaw niya ang hawak na drinks ng kaibigan sa magkabilang kamay. ““We’re not on vacation. Ano ka ba? We’re to confront the very boss of this hotel. Baka mamaya niyan hindi pa natin siya nakakaharap, nawala ka na sa sarili mo sa kalasingan. Besides, it’s just past ten o’clock.””
Sumalampak na lamang si Abby sa isang couch malapit sa puwesto nila. ““I’m an adult, Yan. Pwede akong uminom kahit anong oras.””
Magsasalita pa sana si Yanna kung hindi lamang tinawag ang atensiyon niya ng isang baritonong boses mula sa isang bahagi ng lobby. Lumingon siya para salubungin ang may-ari ng tinig na iyon. She found a fairly tall man, wearing a presentable suit and half-rimmed glassesd walking towards him.
This must be Byron, sa isip-isip niya.
““Welcome to The Dome Hotel, Miss Goncalves!”” Malawak ang ngiting nakapinta sa mga labi ng lalaking palapit sa kaniya nang batiin siya nito. ““Hindi namin inaasahan ang pagpunta ng isang napaka-importanteng guest ngayon dito sa hotel. Is there anything I can help you with? Nasabi sa’kin ng nasa reception na gusto mo raw makausap si Mr. Rivaldi. I’d be happy to schedule a meeting right now, but I’m afraid he’s occupied in a meeting. Kung anuman ang kailangan mo, pwede mong sabihin sa akin, I’ll do my best to provide you with the best service the hotel can offer,”” mahabang turan nito.
Itiniklop niya ang mga braso sa tapat ng dibdib. ““That won’t work. Gusto ko siyang makausap ng personal.””
““Ah,”” mahinang pag-acknowledge ni Byron. ““May I know what this is in regards to?”” Tanong nito. ““I’m Mr. Rivaldi’s secretary and most trusted personnel. Pwede mong ipaalam sa’kin kung anong dahilan ng pagbisita ninyo rito,”” dugtong nito nang hindi siya kaagad sumagot.
““Sasabihin ko ‘yon sa kaniya kapag siya na ang kausap ko. It’s about a very personal matter. Hindi pwedeng basta-basta ko na lang i-disclose ang bagay na iyon sa kahit sino.””
Mahinang natawa ang kausap. ““I’m sorry, Miss Goncalves. I think I must not have said it correctly earlier and you misunderstood. I’m Mr. Rivaldi’s secretary and most trust—””
““Wait a minute! Excuse me, excuse me!”” Singit ni Abby na tila hindi na matiis ang pakikinig sa pinatutunguhan ng usapan nilang dalawa. ““Sa tingin mo ba hindi namin naintindihan ang sinabi mo? My friend said she didn’t want to tell you anything obviously because what she came here for is something that she can only inform your boss. Ngayon, siguro naman naiintindihan mo na rin kami? Now, do what you need to do so my friend here can talk to him. Now!””
Byron just sighed in resignation before forcing a smile. ““I’ll see wat I can do ma’am.”” Itinuro nito ang black leather couch na nasa gitna ng maluwag na lounge. ““Please comfortably wait here while I discuss this with Mr. Rivaldi.””
They both remained their composed countenance as they approached the couch. Nang makaupo at masigurong wala na sa lobby si Byron ay saka lang bumaling si Yanna sa kaibigan.
““Oh my God! I didn’t know you have that in you, Abs!”” Komento niya kasabay ng mahinang paghampas ng palad niya sa likod ng kamay nito.
Proud namang itinaas ni Abby ang isang kilay. ““You wouldn’t bring me here as reinforcement for nothing.””
Ilang minuto pa lamang silang naghihintay doon ay bigla silang napatingin sa hallway kung nasaan ang mga elevator nang marinig nila ang pagbubukas ng isa sa mga iyon at ang paglabas ng isang matangkad at tila Greek God na lalaki. Nakasunod dito si Byron at tatlo pang mga naka-black suit na mga security escorts.
Yanna silently scoffed at the sight of the charming CEO. It was Ethan Rivaldi alright. Malayo man ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag-usbong ng nanunuksong ngiti sa mga labi nito hustong pagkakita pa lamang sa kaniya. Habang naglalakad ito palapit sa direksiyon niya, ay hindi ito umiwas man lamang ng tingin.
Kung sa tingin ng lalaking ito ay madadala siya nito sa mga ganoong ngiti nito. Pwes, nagkakamali ito. She’s there for one reason and one reason only. Ang ayusin ang misunderstanding na nangyari sa kanila sa penthouse nito noong isang araw so he wouldn’t have anything to hold against her anymore. Hinintay niya itong makalapit ng tuluyan sa kaniya, never breaking eye contact either. He must be thinking of her like the other women he met who can be easily swayed by his smoldering gaze. Well, she’s about to prove him wrong.
““Yanna,”” buong lambing na tawag nito sa pangalan niya. ““I knew we were going to see each other again.””
Walang reaksiyon sa mukha niya. ““Thank you for seeing me, Mr. Rivaldi. I’m here to discuss something with you. Saan tayo pwedeng mag-usap.””
““My penthouse is empty,”” sagot nito. ““In fact, it’s been lonely since you left.””
Napabuga siya. ““Take a look at my left hand again, Mr. Rivaldi. Parang palagi mo yatang nakakalimutang may asawa na ako.””
““Hindi ko nakakalimutan. I just choose not to acknowledge it,”” pilyo nitong sagot.
Bumaling siya kay Abby para maghanap ng kakampi rito. Ngunit na-sorpresa siya nang makita ang nakatulalang kaibigan sa guwapong CEO na kaharap nila.
Abby! Ano’ng nangyari sa reinforcement ko?