““THAT’S so far the information we have on her,”” pahayag ng assistant ni Ethan na si Byron pagkatapos nitong i-litanya sa kaniya ang mga nakasulat sa hawak nitong iPad—they were information on Yanna, the woman who kissed him like a person thirsty of love but snarled at him the moment she found out she just mistook him for her husband.
Mula sa maliit na engkuwentro nilang iyon ng babae ay hindi na ito nawala sa isip niya. Ang inaasahan nga niya ay hindi na niya ito muling makakadaupang palad lalo na pagkatapos nitong sabihin na may-asawa na ito. He may be an unscrupulous womanizer, but he never get involved with married women. And yet that short encounter stuck with him. Mula pa kahapon ay iyon lamang ang iniisip niya. He wanted to kiss those lips again. And he’s Ethan Rivaldi, he always gets whatever he wants.
Hindi naging madali ang paghahanap niya kay Yanna noong una. Noong nakasama niya ito sa penthouse nang iuwi niya itong lasing ay wala naman siyang nakuhang maayos na detalye tungkol dito nang tanungin niya ito dahil nga wala ito sa tamang huwisyo. Ni wala rin itong dalang identification card—cellphone at credit card lamang na nakapangalan sa isang Miles Samonte ang laman ng bag na dala nito. And since the name Miles was a unisex name, ang akala pa nga niya noong una ay ito ang pangalan ng babae.
Until she started calling him that the next morning when she woke up and backhugged him. Nauna nang sumagi sa isip niya na marahil ay nobyo nito ang Miles na tinutukoy. Despite thinking that she’s possibly in a relationship, he still went for it and flirted back. Katwiran niya, kung nobyo pa lang naman ang mayroon ito, hindi naman ganoon kalaking kasalanan kung sagutin niya ang panunukso nito.
Ang hindi nga lamang niya inaasahan ay nang ipakita nito ang suot na wedding ring matapos siyang halos sigawan nito dahil sa ginawa niya. Hindi niya alam kung paanong hindi niya iyon napansin nang unang beses niya itong makita. Iyon ang kadalasang una niyang tinitingnan sa isang babae, because again, he doesn’t get involved with married women. He usually has a great eye for it. Kayang-kaya rin nga niyang i-detect sa skin discoloration lang sa palasingsingingan ng isang babae kung kasal na ito at hindi lang proud na isuot ang wedding band. His eye for that kind of profiling is what usually saves him from trouble.
When her friend came over to the hotel to pick her up, he was glad that he at least got her name that she was keen not to give him—Yanna. Ngunit hindi naman sapat iyon para malaman kung sino ito at kung paano niya ito muling makikita. Lalo pa dahil mukhang nick name lang naman nito ang pangalang ginagamit at hindi given name.
Kinagabihan, habang nakatingin sa bahagi ng kama kung saan natulog si Yanna, kinausap niya ang assistant niyang si Byron.
““Get any information you can find on someone called Yanna and Miles Samonte,”” pakli niya habang nakikinig ang nasa kabilang linya.
““You mean, Alyanna Goncalves and Miles Samonte, sir?”” Curious na tanong naman ni Byron sa kaniya.
His eyes widened when it caught his interest. ““You knew who I’m talking about?””
““I’ve heard of them. Kilala ang pamilya nila sa tech industry. Alyanna Goncalves was the only daughter of Leap Technologies’ founder and chairman. And Miles Samonte is the third son of the Samonte Group, siya rin ang VP ng BrighTech, isa sa mga businesses ng mga Samonte,”” pag-de-detalye nito.
A smile broke from his lips. Sino ba’ng mag-aakalang ang family legacy pa pala nito ang magiging dahilan para malaman niya kung sino ito? Makalipas lamang ang iilang oras, lahat ng impormasyong kailangan niya tungkol kay Yanna ay nai-send na ni Byron sa kaniya sa isang private email—information that even the most nosiest wealth columnist on Forbes could not get their hands on. He made a mental note to consider giving Byron a raise for a job well done.
Are you going to get in touch for business reasons, sir? Tanong nang assistant niya sa text habang binabasa ang nilalaman ang email na sinend nito sa kaniya.
Personal business, he replied.
At ngayong umaga nga ay nagawa niyang bisitahin si Yanna sa tinitirhan nito at nang asawa sa isang exclusive subdivision two-hours mula sa bahay niya. He was expecting her reaction when she saw him in the living room of her house, talking to her husband. Tulad niya, marahil ay inisip din nito noong una na hindi na sila muli pang magkikita.
““I didn’t know you are close with the family, sir. Hindi mo pa sila nababanggit simula nang magtrabaho ako sa inyo. Gusto mo ba’ng i-dagdag ko sila personal contacts ninyo?”” Tanong ni Byron na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Lulan silang dalawa ng kotse at papunta na sa The Dome. Nang sulyapan niya ang assistant ay hawak pa rin nito ang dalang iPad. ““Sir?”” Udyok nito nang wala pa rin siyang sagot.
Umiling lamang siya. ““No need. I still have some buttering up to do. Pero i-send mo ulit ang mga bagong information na nakuha mo. I’d like to go over those tonight.””
““Buttering up?”” Halatang naguguluhang tanong ni Byron.
Hindi na siya sumagot. Tumanaw siya sa labas ng umaandar na sasakyan. A faint smile spread on his lips.
I think I finally found the woman Lola was telling me about.
““LET’S have dinner tonight. Sa paborito mong restaurant. We still haven’t talked about the other day.””
Napatingin si Yanna sa mukha nang asawa nang huminto ito para sulyapan siya at sabihin iyon nang palabas na ito ng bahay para pumunta sa trabaho. Ngumiti siya. Ang akala niya ay tuluyan na nitong nakalimutan ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa pagbisita ni Ethan kanina. ““Sure! I’d love that,”” masayang pakli niya.
Bahagyang tumango lang si Miles. ““Okay. I’ll see you tonight. Susunduin kita nang eight.””
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. ““Eight is fine.””
Hinintay niyang makasakay sa kotse ang asawa at makaalis ito bago muling pumanhik sa kaniyang kwarto. Masaya siyang napabagsak pahiga sa kama. Finally, she and Miles are going to talk about the big issue between their relationship. Malilinaw na rin nito kung ano ang dahilan at bakit nito nasabing hindi siya nito kayang hawakan at magagawan iyon ng paraan. They can finally sort things out and make their relationship better. Iyon lang naman ang gusto niya.
Ngunit kaagad nawala ang malapad na ngiti sa mga labi niya nang maalala niya si Ethan. Right, she still got him to think about. Lalo pa at alam nito kung saan siya hahanapin. He’s now like a ticking bomb threatening to blow up any second and ultimately her marriage.
Hindi niya mapapayagan iyon.
Bumangon siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Nang makapagbihis ay ihinanda niya ang mga gamit na kakailanganin niya—her checkbook and lots and lots of confidence. Kung tama ang nabasa niya na CEO nga ito ng The Dome, hindi marahil uubra kay Ethan kung aalukin niya ito ng pera. Pero iyon lang naman ang mayroon siya, so she still got to try. At kapag wala na talaga siyang choice, she will drop her family name. A big company like his would not want to defamed by a lawsuit. Kayang-kayang gawan ng paraan ng daddy niya na mawala ang dilemma niya ngayon with just a wave of his hand. But she’s a big girl now, she needs to at least try to sort her problems out on her own. And that’s what she will do.
““O, aalis po kayo ma’am? Gusto niyo ba’ng ipahanda ko po ang kotse ninyo?”” Tanong ng kasambahay niya nang makasalubong niya ito sa baba ng hagdan.
““Hindi na po, manang,”” sagot niya.
Nagpatawag siya ng taxi at mabilis na umalis nang makarating ito sa bahay. Habang nasa daan ay tinawagan niya si Abby. She got a plan, but she might still need some reinforcement.