A Trouble Called Marriage Book 1 | The CEO's Forced Wife Episode 6

1803 Words
MAGANDA ang gising ni Yanna kinabukasan. Nang magmulat siya nang mata ay bahagya nang mataas ang araw. The soft sunlight flows inside her room and covered the floors and furniture with warm silhouettes. Hindi na siya nagulat nang makitang wala na si Miles sa tabi niya. Miyerkules noon, malamang ay nasa opisina na ito. Hindi mahalaga sa kaniya kung umalis na ang asawa. Normal na schedule naman na nito iyon. Marahil ay nag-aalala lang ito sa kaniya dahil sinabi niyang masama pa rin ang pakiramdam niya kaya hindi na siya nito ginising. Miles already told her that he wanted to talk to fix things between them. Iyon lang ay sapat nang dahilan sa kaniya para makampanteng papunta pa rin sa maayos na direksiyon ang pagsasama nila ng asawa. Nakangiti siyang bumangon at umupo sa kama. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng silid at sunod na pumasok ang kanilang main housekeeper na si Manang Lillian. Dala nito ang isang bakanteng hamper. ““O, ma’am. Gising na po pala kayo? Pasensiya na po. Nagising ko po ba kayo?”” Hinging paumanhin nito. Umiling siya. ““Hindi po, manang.”” Tila nakahinga naman ito ng maluwag. ““Ang sabi po kasi ni sir masama ang pakiramdam ninyo kaya hindi na po muna niya kayo ginising at siya ang kumausap sa bisita ninyo.”” Nawala ang ngiti sa labi niya. ““Bisita?”” Wala siyang maalalang pinapunta sa bahay nang araw na iyon. Tumango lang si Manang Lillian. ““Opo, ma’am. Si Sir Rivaldi raw po. Nakalimutan ko po ang pangalan, e. Evan po yata ‘yon,” pakli ng kawaksi habang pilit inaalala ang pangalan ng bisita niya. ““Ethan,”” she muttered unwittingly. Paano nalaman ng taong iyon kung saan siya nakatira? Is he that good of a stalker? ““Ayun! Ethan nga po! Kaibigan niyo nga raw po siya, ma’am,” dagdag pa ng ginang. She pursed her lips. Mukhang balak pa siyang ibuko ng walanghiya sa sarili niyang asawa. ““Gusto niyo po bang dalhan ko kayo ng breakfast dito, ma’am?”” Kapagkuwan ay tanong ng kasambahay niya. Hindi na niya ito sinagot. Inalis niya ang kumot na nakabalot sa katawan niya at dire-diretsong tinungo ang pinto. Lumabas siya ng kwarto at bumaba ng hagdan hanggang sa makarating sa living room. At doon ay nakita nga niya ang asawa kasama ang may-ari ng pamilyar na mapang-akit ng mga ngiti ng lalaking nagnakaw ng halik sa kaniya kahapon. That man! Gigil na hiyaw ng isip niya. Kaagad namang naramdaman ng dalawa ang presensiya niya. Naunang tumingin sa direksiyon niya si Ethan at sinundan ng asawa ang tingin nito. Bahagya pang nanlaki ang mata nito nang makita ang hitsura niya. She was still wearing the clothes she wore to bed, and she hadn’t even fixed her bed hair yet. Tumayo si Miles para lumapit sa kaniya. ““Oh, Yanna’s here,”” anunsiyo pa nito kahit na nakita naman na siya ni Ethan. ““In her sleeping garments,”” alanganing dagdag nito. ““Sorry, hindi na kita pinagising. Baka kako masama pa rin ang pakiramdam mo,”” bulong pa ni Miles sa kaniya. Yanna quickly combed her with her fingers although she was sure that it did nothing. ““I’m fine—why do we have a guest?”” Ngumiti lamang si Miles at iminuwestra pa ang kinauupuan ni Ethan. ““Mr. Rivaldi here said you go way back. Kababalik lang niya galing sa US for a business venture. Naisipan daw niyang bisitahin ka.”” She pressed her lips together to keep herself from screaming. Go way back?! Kahapon ng umaga lang naman kami nagkakilala, ah. ““I don’t want to miss an opportunity of seeing an old friend,”” gatong pa ni Ethan. Gusto niya itong singhalan. At nagsinungaling pa talaga ito sa asawa niya! Hindi niya inaasahan ito ang gagawin nito pagkatapos ng nangyari sa penthouse nito kahapon. Kung tutuusin ay napaka-ikli at wala namang significant value ang nangyari sa kanila—they just kissed. She bet he’d been doing that to a lot of girls he meet. Ano ba naman ang pinagkaiba niya sa mga babaeng nahalikan na nito para i-surprise visit pa siya nito? Hindi kaya may kailangan ito sa kaniya? Kung oo, ano naman kaya iyon? Wala siyang kinalaman sa hotel business. Ni wala nga siyang interes sa tech industry kung saan umiikot ang negosyo ng pamilya niya. What could a multi-billionaire, ladies-magnet guy like him want from her? Something to pass the time, she decided. Naghahanap lang marahil ang Ethan na ‘to ng mapag-aaksayahan ng panahon. ““Hindi mo nabanggit na malapit na kaibigan mo pala ang CEO ng Dome?”” Namamanghang tanong pa ng asawa niya. ““I was surprised when he showed up at our door. Oh, and he brought a little care package for you.”” Pagkasabi niyon ay inabot nito sa kaniya ang isang regular sized cardboard gift box na nababalutan ng pastel colored wrappings at may nakadikit na asul na ribbon sa takip. Nang buksan niya ang kahon ay nakita niya ang laman niyon—isang usual hangover kit. ““Si Abby siguro ang nagsabi sa kaniya na nagpunta kayo sa bar kagabi.”” Tinapunan lang niya ng tingin si Ethan. He was just grinning at her, with his hands pushed inside the pockets of his pants. Pati si Abby ay idinamay pa sa pagsisinungaling nito. Ano ba talaga ang kailangan ng isang Ethan Rivaldi sa kaniya? Pilit siyang napatawa. ““S-siguro nga,”” sagot niya. Dahil oras na rin ng breakfast, niyaya na ni Miles si Ethan na saluhan sila sa agahan. ““It must be different from five stars meals you are being served on a daily basis but our housekeeper prepares the best dishes,”” proud na sabi pa ng asawa niya. ““I’m sure you’ll love it.”” Umiling lang si Ethan. ““Don’t worry. I prefer home cooked meals actually.”” Nang magkaroon siya ng pagkakataon na masolo si Miles ay kinausap niya ito sa isang tabi. ““Mukhang kanina pa nandito Mr. Rivaldi. Has he told you anything about me?”” Bahagyang kumunot ang noo ni Miles. ““Wala naman. Why, is there anything in particular you don’t want him telling me?”” Biglang pinamulahan si Yanna. Hindi siya kaagad nakasagot. Natawa na lamang si Miles sa reaksiyon niya. ““I’m kidding. Go and assist our guest. Nakakahiya naman sa kaniya.”” Habang nag-aagahan ay ang dalawang lalaki lamang ang maririnig na nag-uusap sa malawak na komedor ng bahay. Yanna sat silently and ate quietly as she listens to their conversation. And either Ethan was just a quick thinker o talagang may dahilan ang pagpunta nito sa bahay nila ngunit narinig na lang niya ang dalawang nag-uusap tungkol sa planong pag-a-acquire ng Dome ng latest security surveillance system ng BrighTech. Halatang natuwa naman si Miles sa alok ni Ethan. Magpapa-schedule daw ito ng meeting para pormal na mapag-usapan ang tungkol doon. Nang matapos kumain, sandali silang iniwan ni Miles sa hapag nang ipaalam ng housekeeper nila na may tawag ito mula sa opisina ng BrighTech. Sinamantala ni Yanna ang pagkakataon na makausap si Ethan nang maiwan silang dalawa sa dining room. ““What are you doing here? Plano mo bang i-expose ako sa asawa ko?”” Asik niya rito. ““No, I just want to see you again,”” simpleng sagot nito. ““I am married! What is wrong with you?”” Sandaling napa-isip si Ethan. His brows furrowed. ““No, yeah, you are married, right? So, I guess mas tamang sa’yo ko itanong ‘yan? Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan ang ginawa mo sa penthouse ko? You know, I try not to get myself involved with married women, but with you I am very happy to make an exception. And if you want to kiss me again like you did last time, I will not say no.”” Namula ang mga pisngi niya. She looked really embarrassed. ““Hindi ko sinasadyang halikan ka. I thought you were my husband!”” ““Paano naman ako makukumbinsi nang dahilang ‘yan. Tulad ng sabi mo, asawa mo siya, dapat alam mo ang kung siya ang nasa harap mo kahit pa nakatalikod siya.”” Nag-iwas ng tingin si Yanna. ““Dalawang buwan pa lang naman kaming kasal.”” ““Surely, you were together longer than that before being married.”” Tuluyan na siyang natahimik. Napasandal sa upuan si Ethan. Nagtaas baba ito ng tingin sa kaniya. ““Ah, so it’s a marriage of convenience, then? Let me guess, you got married by your parents choice and right now, your husband may or may not be affectionate towards you?”” Ikinuyom ni Yanna ang mga palad sa ibabaw ng mesa. ““That’s not true. Miles is affectionate towards me.”” ““Are you sure?”” Ethan taunted. Yanna looked annoyed. ““Pwede ba’ng umalis ka na? Get out of our house now or I’ll have the police escort you outside!”” Tumayo mula sa pagkakaupo si Ethan at lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok na nasa gilid ng mukha niya. ““Raising your voice at a visitor? You should know how to treat your guests better, Mrs. Samonte.”” Muling sumilay ang isang nakalolokong ngiti sa mga labi nito. ““I never expected to find feisty women like you to be so charming.”” ““I am married,”” pagdidiin niyang muli. Nagkibit-balikat lamang ito. ““Doesn’t matter. I always get what I want.”” Naglakad na ito papunta sa pintuan ng dining room. Ngunit bago pa tuluyang makalabas ay huminto muna ito para lumingon sa kaniya. ““Tell your husband I had to leave because something came up. I’ll see him in that business meeting he is proposing.”” Hindi pa tuluyang nawawala ang nararamdaman niyang pagkayamot nang bumalik sa komedor si Miles. Kaagad na hinanap ng mata nito ang bisita nila. ““Where’s Mr. Rivaldi?”” Tanong nito. She forced a smile. ““Something came up. He’s looking forward to that meeting, he said.”” Tinanggap naman ni Miles ang paliwanag niya at hindi na nagtanong. At muli, dahil silang dalawa na lamang ang naroon sa hapag-kainan, muli na namang naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Yanna silently sighed. She really wished he would talk to her soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD