HALOS kapusin ng hininga si Abby sa labis na pagkataranta nang muling mag-ring ang cellphone niya at makita ang pangalang naka-rehistro sa caller ID—Miles. Kagabi pa siya nito paulit-ulit na tinatawagan. At hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin dito.
First of all, she’s mad at him, for making her friend feel so miserable after refusing to do the one thing marriage people do together. Kung iisipin ay ito naman talaga ang puno’t-dulo ng lahat. Kung hindi nito tinanggihan si Yanna kagabi ay hindi sana magyaya ang kaibigan niya na magpunta sa bar. Hindi sana ito malalasing ng husto. At hindi sana niya natataranta ngayon sa kaiisip kung nasaan ito nang mga oras na iyon pagkatapos nitong bigla na lang mawala habang itinatawag niya ito ng cab kagabi.
““I should call the police. Oh my, God! Paano kung may nangyari na pala sa kaniya?”” Pag-aalala niya.
Hindi pa lumilipas ang kalahating minuto matapos niyang kusang i-miss ang tawag ni Miles ay muli na namang nagriring ang cellphone niya. When Abby saw his name on the screen of her phone again, she had no choice but to take the call. Nagpanggap na lamang siyang parang normal lang ang lahat. Kagabi nang tawagan siya nito para tanungin kung alam niya kung nasaan si Yanna ay sinabi na lang niyang sa bahay muna niya ito natulog dahil masama pa rin ang loob sa asawa. Earlier that morning, he called her again and she said Yanna was still sleeping.
““Abby, please, can I talk to my wife now?”” Pakiusap ni Miles.
Abby clenched her teeth. ““N-natutulog pa rin siya. Lasing na lasing si Yanna kagabi. Sigurado akong masakit ang ulo n’on. Ayoko na munang abalahin siya.””
Narinig niya itong napabuntong hininga sa kabilang linya. ““Alam ko’ng galit siya dahil sa mga nasabi ko kagabi. Pero hindi mo siya kailangang itago sa’kin, Abby. I want to talk to her and fix our misunderstanding.””
Good that you at least want to try, she wants to say. ““Pasensiya na, Miles. I promise I will have her call you once she’s up.””
Mabuti na lamang at hindi na nakipagtalo pa si Miles at ibinaba na lamang ang tawag.
Bumalik siya sa dial pad ng kaniyang cell phone at muling sinubukang tawagang ang numero ni Yanna. ““Nasaan ka na ba, Yanna?”” She muttered.
Habang nag-riring ang number ng kaibigan ay narinig niya ang call waiting notification sa awditibo. Kunot-noong ibinaba niya ang tawag kay Yanna para tanggapina ng bagong tawag.
The number was private. Bigla siyang kinabahan. Are these possibly her kidnappers asking for a ransom? H’wag naman sana…
Kinakabahan man ay sinagot pa rin ni Abby ang tawag. ““H-hello?””
““Abby.””
Halos mapaluha si Abby nang mapag-sino ang tinig nang nasa kabilang linya. It was Yanna! ““Oh, my God, Yan! Okay ka lang ba? Alalang-alala ako sa’yo! Saan ka ba nagpunta kagabi, ha? At bakit hindi kita ma-contact?”” Sunud-sunod na tanong niya.
Tumikhim lamang si Yanna. ““Um, mahabang kwento, e. Pwede mo ba akong sunduin?””
““Siyempre naman! Tell me where you are I’ll be there right away.””
HINDI mapakali si Yanna habang hindi halos kumukurap na tinitigan ng kaibigan niyang si Abby ang lalaking nagsama sa kaniya sa penthouse ng hotel na iyon na nagpakilalang si Ethan. He had already changed into some decent clothes and he looked even more sinfully attractive in them. Bumaling pa sa kaniya ang kaibigan para bumulong habang hindi inaalis ang tingin sa binata. ““He’s hot.””
Mahina niya itong siniko. ““Naririnig ka niya.””
Ethan just smiled. Niyaya na sila nito sa guest area ng penthouse kung saan naman sila inalok ng maiinom ng personal maid ng binata.
Dahil ayaw niyang tawagan ang asawa para ito ang mag-sundo sa kaniya ay nag-insist si Ethan na papuntahin ang kaibigang tinawagan niya sa hotel para masigurong kilala niya ang taong sasamahan this time.
Nang makarating si Abby sa hotel ay sinundo pa ito ng isa sa mga naka-suit ng security personnel at sinamahan papunta sa penthouse. Executive guest marahil ng establisyamento ang lalaki dahil sa VIP treatment na natatanggap nito.
““Thank you for letting Yanna crash here last night,”” mahinhing pakli ni Abby. ““Napakabait mo naman.””
Halos masamid niya habang umiinom sa inabot na tea ng kawaksi ng binata sa kaniya. Kung alam lang ng kaibigan niya kung paanong welcome ang sumalubong sa kaniya kaninang umaga, baka pinagsasampal na ito ni Abby.
““Well, I liked helping a friend,”” tugon nito habang prenteng nakaupo sa couch na kaharap kung saan sila magkatabing naka-upo ng kaibigan.
““Hindi ko alam na magkakilala pala kayo,”” sabi ni Abby.
““We’re not friends,”” sagot niya sa kaibigan kahit na kay Ethan naman siya nakatingin.
After a very short exchange of pleasantries, she decided to leave. Nag-insist pa si Ethan na samahan sila sa elevator. Bago siya makapasok sa lift ay narinig pa niyang bumulong ang binata sa kaniya. ““I hope to see you again, Yanna.””
She just smirked. ““I doubt that. Goodbye, Mr. Rivaldi.””
Nang makarating sila sa kotse ay doon na siya nilamog sa yakap ng kaibigan. ““Yanna!”” Ngawa nito. ““Buti na lang ayos ka lang. Sobrang nag-alala talaga ako sa’yo!””
Niyakap na lang din niya ito pabalik. ““Okay na ako, Abs. And thank you for picking me up.””
““Oo naman, ‘no!”” Kapagkuwan ay biglang sumimangot ito. ““Nga pala, kagabi pa ko kinukulit ng asawa mo na kausapin ka. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya nagsinungaling na lang ako. Sinabi ko na nakitulog ka sa bahay. Baka lalong magalit ‘yon kapag umuwi kang mag-isa kaya ihahatid na kita, okay?””
Ngumiti lamang siya. ““Salamat talaga, Abby. ‘Wag kang mag-alala, kakausapin ko si Miles.””
Nang maihatid siya ni Abby sa bahay niya ay muli siyang nagpasalamat dito. As she walks inside the house, she tells herself the same things she’s been telling herself since she married Miles, that she will try to be a good wife to him no matter what.
Iyon nga lang, ngayon ay hindi na siya sigurado kung kaya niyang gawin iyon nang buong-puso. Not after she just kissed a stranger and now feels like she cheated on her husband.
NAKAUPO sa kama si Yanna habang nakabukas naman ang laptop niya sa kandungan niya. Gusto niyang kalimutan na lamang ang nangyari kanina sa hotel ngunit may isang bahagi ng sarili niya ang hindi mapakali hangga’t hindi nalalaman kung sino ang Ethan Rivaldi na iyon. The guy looked impossibly confident and, without needing to tell give her a clue, gives off a wealthy heir vibe. Hindi pamilyar sa kaniya ang mga Rivaldi. Or maybe, his family was just not in the same business as her parents that’s why she has not heard about him before nor seen him in any of the gatherings her parents would host.
Gayunpaman, labis siyang nag-aalala. Paano na lang kung sabihin ng taong iyon ang nangyari sa kanila sa hotel? What will her family, and Miles’s family, think of her when word comes out that she, a married woman, spent one night on the bed of a stranger whilst drunk?
Isinubsob ni Yanna ang mukha sa mga palad dahil sa naisip at sunud-sunod na isinipa ang mga paa sa ilalim ng kumot na nakabalot sa kalahati ng katawan niya. Hindi na dapat niya niyaya si Abby na mag-bar kagabi! Now, she’s paying the price of her drunken actions!
Makalipas lang ang ilang searches sa internet, nalaman na kaagad ni Yanna ang mga importateng impormasyon tungkol sa lalaking nakasama buong magdamag kagabi. At hindi niya lubos na inaasahan ang natuklasan tungkol sa binata.
Ito pala ang kasalukuyang CEO ng isa sa mga matatagumpay na negosyo ng Rivaldi Corporations. Ito ang namamahala sa luxury chain of hotels ng kompanya—ang tanyag na The Dome Hotels. His parents passed from an unfortunate airline accident noong binatilyo pa lamang ito. Then his grandmother took care of him and became the youngest head of the large enterprise in its history.
Hindi niya inaasahang galing din pala sa maimpluwensiyang pamilya ang lalaking nakasama kagabi. Kung ismiran at sigawan niya ito kaninang umaga ay para lang itong common playboy na nakadaupang palad niya.
She found herself unconsciously looking at one of the photos she found of Ethan during a ribbon-cutting ceremony of The Dome Hotel in Los Angeles. This was just last year. Napakakisig nito sa litrato. Nag-uumapaw sa karisma.
Napahawak siya sa ibabang labi. Did she really just kiss this hot, bachelor, multi-billionaire CEO?
Nang marinig ni Yanna ang tunog ng parating na kotse sa tapat ng bahay nila ay kaagad niyang isinara ang laptop at ipinatong ito sa ibabaw ng nightstand. Hinila niya ang kumot papunta sa kaniyang balikat at tumagilid ng higa patalikod sa direksiyon ng pinto.
Ilang minuto pa ang lumipas ay biglag nagbukas ang seradura ng pinto ng kwarto nila ni Miles. Binuksan nito ang ilaw ang silid. ““Yanna? Are you awake? Pwede ba tayong mag-usap?””
““It’s fine, Miles. Kalimutan na natin ang nangyari kagabi. Gusto ko lang magpahinga ngayon. Medyo nahihilo at masakit pa rin ang ulo ko,”” pagsisinungaling niya.
Ang totoo ay ayaw lang niya munang makausap ang asawa. Dahil kahit hindi siya umamin, natatakot siyang baka biglang makita ng asawa ang totoo kapag tumitig ito sa mga mata niya. Her eyes always give away her feelings. At ayaw niyang masaktan si Miles. What would he think about her if he finds out she threw herself to a stranger after he refused to bed her?
““Pwede ba tayong mag-usap bukas?”” He tried again.
““Okay,”” ang tanging naisagot niya.
When the door closed, Yanna tried to force herself to sleep and forget about her unusual encounter with Ethan Rivaldi. Hindi dahilan ang pag-iwas sa kaniya ni Miles para ibaling niya ang interes sa ibang lalaki. It was just a kiss anyway. Sigurado siyang hindi na niya muling makikita pa ito.