GABI na ng dumating sa Pilipinas si Ethan mula sa business engagement niya sa Amerika. Kahit malalim na ang gabi ay inutusan niya ang driver na sumundo sa kanila ng assistant niyang si Byron sa airport na sa main residence ng mga Rivaldi muna siya ihatid at hindi sa tinutuluyan niyang penthouse tuwing nasa bansa siya.
Nang makarating sa mala-palasyong bahay, inanunsiyo ng mga kawaksi na sumalubong sa kaniya sa driveway ang pagdating niya sa head matriarch ng pamilya. Nang umibis siya sa sasakyan ay kaagad niyang pinuntahan ang silid kung saan madalas na naroon ang ginang—her tea room.
““Lola,”” malambing niyang bati nang makapasok sa silid. ““I missed you.””
Kasalukuyang umiinom mula sa prized 16th century ceremonial tea cup nito ang kaniyang abuela. She threw a sharp gaze at him as soon as he entered the room. ““Well, are you back with a wife?”” Striktong tanong nito.
Masuyong natawa lamang si Ethan. He sat down in front of the low table where his grandmother was sitting in on the floor. ““I’m making really good progress on that, I swear.””
Tuluyan nang ibinaba ng ginang ang hawak na tasa ng tsa’a at matamang tiningnan ang mukha niya. ““Ethan, apo, hanggang kailan mo ba ako balak na paghintayin na maikasal ka? You keep running around with different women playing hanky-panky when you could be meeting your bride right now. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang mga ginagawa mo?””
Mahina siyang napanbuntonghininga. ““I just really don’t think marriage is for me, Lola.””
Tumayo ang abuela niya na nagpatingala sa kaniya. ““Palagi mo na lang sinasabi ang bagay na ‘yan! Para sa lahat ang pag-aasawa. Nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi mo pa nakikilala ang babaeng gusto mong makasama habang buhay.”” Ma-dramang inilagay ng lola niya ang kamay nito sa ibabaw ng dibdib. ““Ano na lang ang sasabihin sa’kin ng mga magulang mo kapag nakita ko sila sa kabilang buhay? They would blame me for the womanizer that you turned out to be.””
Tahimik na napabuntonghininga si Ethan. Gusto lang naman niyang makita at kumustahin ang lola niya ngunit sa tuwing magkikita sila ay palagi na lamang sa pag-aasawa niya nauuwi ang maiikli nilang pag-uusap. Ang totoo ay hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na nilang napag-usapan niya ang tungkol sa bagay na iyon. Every conversation has a different dramatic ending, but mostly it’s about how much he is disappointing her, or how she didn’t have a lot of time left to see him get married so he must be quick in finding a bride. Ngayon ay nag-iba naman ito ng strategy—using his deceased parent’s to push him into feeling guilt.
Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang halaga ng pag-aasawa. So, what if he wanted to live a carefree bachelor life forever? Sa dami ng babaeng nakilala niya, sigurado siyang nakadaupang palad na niya ang lahat ng tipo ng mga babae. At di tulad ng madalas sabihin ng abuela niya, wala naman sa mga babaeng iyon ang gusto niyang makasama habang buhay.
Maybe, some people are just lucky to find the person who has the same dreams and aspirations like they do and understands their troubles that’s why they settle down. Siya, hindi niya kailangan iyon. Kung ipinag-aalala ng lola niya ang magtutuloy ng apelyido at legacy ng mga Rivaldi, pwede naman siyang mag-ampon kapag handa na siyang magkaroon ng iba pang responsibilidad bukod sa pagiging CEO ng The Dome Hotels, ang international chain of luxury of hotels na pagmamay-ari ng pamilya niya. He didn’t need to be tied to a woman for that.
Minsan ay binibiro na nga lang niya ang sarili; kapag nakakilala siya ng babaeng katulad ng tinutukoy ng lola niya, hinding-hindi niya ito pakakawalan. Heck, she would chain the woman to him if he has to.
He chuckled. As if that’s ever going to happen.
““Is something funny now, Ethan?”” Untag ng kaniyang abuela.
Ngumiti lamang siya. ““Wala po.”” Tumayo na rin siya para hawakan ang nangungulubot na mga kamay ng kaniyang lola. ““Lola, I promise you, balang araw magkakaroon ka rin ng mga apo sa tuhod. Kapag nahanap ko na ang tamang babaeng pakakasalan ko, ipakikilala ko kaagad siya sa’yo.”” Hindi taos sa puso ang pangako niyang iyon. Just a band-aid for the heartbreak that he is causing the poor old woman—a little white lie.
““Hindi na ako makakapaghintay ng napakatagal, Ethan. Matanda na ako. Gusto kong makita kang maikasal sa lalong madaling panahon.””
And there it is, the I-don’t-have-much-time-left card.
Tumango siya at hinagkan ang likod ng palad ng abuela. ““You still have many years left, lola. H’wag kayong mag-aalala.””
Umalingawngaw ang mahina at sunud-sunod na pagkatok sa nakapinid na pinto ng tea room. Pagkaraan ay sumilip sa pinto si Byron. ““A phone call from Mr. Simmons, sir?”” Ang tinutukoy nito ay ang agent niya sa US.
Tinanguhan lang niya ang assistant at iniwan na sila nito. Muli niyang binalingan ang kaniyang abuela. ““I have to go now, lola.””
““Kadarating mo lang, aalis ka na kaagad?”” Naguguluhan nitong tanong.
““I just dropped by to say hi the most beautiful woman in my life. Marami pa akong kailangang asikasuhin para sa bagong location ng hotel,”” paliwanag niya.
Muli naman itong napa-ingos. ““Well, h’wag ka nang mag-abalang bumalik pa para kamustahin ako unless you are married!””
Ethan just shook his head and kissed his grandmother’s cheeks before leaving.
““Where are we going?”” Tanong ng assistant niya nang makabalik siya sa sasakyan at sabihin niya sa driver kung saan sila pupunta. It wasn’t the address to the hotel.
““My grandmother just gave me an encore of ‘I need to find a woman to marry.’””
Nagkibit-balikat ito. ““So, where are we going?””
““The best bar in the country.””
““How is that related to what your grandmother said?”” Confused nitong tanong.
““Where else will you find the best women here?”” He grinned.
They arrived at Berlin, one of the most exclusive bars located in the very luxurious district in the city. Nang makababa sa sasakyan ay muling tumawag ang representative niya sa US na si Vin. ““You go on inside, I just need to take this call,”” sabi niya sa kaniyang assistant.
Ethan accepted the call as soon as his assistant got inside the bar. His agent was giving him an update on the phone about the negotiation his team was able to complete. ““Good, that’s great to hear. Send over the documents to Byron tomorrow so I can sign them.””
Nasa isang bahagi siya ng parking lot sa labas ng bar habang may kausap sa telepono. Nang ikutin ng tingin ang buong lugar habang pinakikinggan ang mga detalyeng sinasabi sa kaniya ni Vin ay biglang nahagip ng mga mata niya ang isang babaeng pasuray-suray na naglalakad sa sidewalk sa gilid ng bar. She was flailing aimlessly, walking towards the opposite side of the road.
““Vin, I’ll call you back,”” sabi niya bago putulin ang tawag. Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito. ““Miss? Miss, okay ka lang?””
Mukha namang hindi siya narinig nito. Nagpatuloy lang ito sa mabagal na paglalakad. Ethan rubbed the side of his forehead and decided to follow the woman. Huminto lamang siya sa paglalakad nang huminto rin ito. Niyuko nito ang suot na sapatos.
““You are very uncooperative today,”” she muttered, slurring. Pagkatapos ay hinubad nito ang high-heeled na sapatos at naglakad nang nakapaa.
Napangiti na lamang si Ethan sa nasaksihan. ““Miss, do you need help?”” He touched her shoulder in a non-suggestive way.
Nang sa wakas ay lingunin siya ng babae ay blangko ang mga mata nitong tumitig sa kaniya. He saw in her empty eyes that she was so drunk. Aalukin sana niyang itawag ito ng taxi nang bigla na lamang itong matumba pabagsak sa mga braso niya.
YANNA woke up to a pounding head the following morning. Mabagal siyang bumangon sa kamang kinahihigaan, sapo ang gilid ng ulo at nakangiwi ang mukha dahil sa malakas na pagpintig ng sumasakit na ulo. She mumbled a curse at herself for drinking too much than she could handle.
Sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari kagabi pagkatapos ng hindi magandang pag-uusap nila ni Miles. Nagpunta sila ng kaibigan niyang si Abby sa bar at naparami ang inom niya at nalasing ng husto kaya nag-desisyon na ito na umuwi na sila. What she couldn’t remember was how she got home. Hindi niya maalalang sumakay siya ng cab kagabi. Did she pass out while they were on their way home? Tiyak na abot-abot na panenermon na naman ang aabutin niya sa kaibigan kapag nakita niya ito.
Nang ibaling niya ang tingin sa buong silid para hanapin kung nasaan ang asawa ay napagtanto niyang wala siya sa kwarto nila ng asawa. In fact, it wasn’t their house. None of the furniture was familiar to her. Not the bed she was lying in.
Hindi rin naman iyon bahay ni Abby. Ilang beses na siyang nakapag-sleep over sa bahay ng kaibigan at alam niya ang istilo at mga kagamitan sa bahay nito.
Sinulyapan niya ang bintana sa gilid ng silid, maulap sa labas at halos wala siyang nakikitang ibang bahay o nariring na mga ingay mula sa kalsada. This room must be at least a couple floors from the ground so she must be in a hotel. Paano siya nakarating doon?
Sigurado siyang kasama niya si Abby kagabi nang lumabas sila ng bar. Did she follow someone else when she was not looking?
Napasinghap siya at mabilis na sinilip ang sarili sa ilalim ng kumot. Nakahinga siya ng maluwag nang makita na suot pa rin ang kaniyang underwear. Ngunit wala na ang pulang bestida na suot niya kahapon nang sorpresahin niya ng dinner si Miles.
Maybe, she actually went home last night and she and Miles reconciled and spent all night in a motel?
She wanted to blush at the idea. Ngunit kung totoo man iyon bakit wala man lang sa silid ni anino ng asawa?
Where am I? She wondered in her head.
Bago pa siya makapag-isip ng iba pang dahilan kung bakit naroon siya sa lugar na iyon ay biglang lumabas mula sa isang pinto ang isang matangkad na lalaki. Naka-suot ito ng shower robes at may maliit na tuwalya sa ibabaw ng ulo. Malumanay siyang ngumiti. All the anxieties she was feeling were instantly washed away. Kung ganoon ay kasama nga niya si Miles buong magdamag.
Despite the growing headache, Yanna climbed down the bed, completely unbothered by her near nakedness, and walked to her husband. Iginapos niya ang braso sa bewang ng asawa habang nakatalikod ito sa kaniya. Hinalikan niya ang likod nitong nabibihisan ng suot ng roba.
““Thank you for picking me up. Pasensiya na sa nangyari kagabi. Hindi ko gustong umasal nang ganoon sa harap mo, pero siguro gustung-gusto ko lang talagang makasama ka. But it’s fine. I’m fine. At naiintindihan ko kung hindi ka pa ready. I will wait until you are.””
Hindi inaasahan ni Yanna nang kunin ni Miles ang isa sa mga kamay niyang nakayapos sa bewang nito at dalhin sa tapat ng mga labi nito para masuyong halikan. He kissed each of the tips of her fingers gently and lovingly. Yanna released a breath. She felt hot by what he did. Bago pa lumipas ang sandaling iyon ay pinaharap niya ang asawa sa kaniya, ipinikit niya ang mga mata at hinagkan ito sa mga labi.
Hindi tulad ng mabilis na pagdadampi ng mga labi nila nang batiin niya ang asawa sa monthsary nila kagabi, ngayon ay mapusok siyang hinahalikan ni Miles. His lips were warm and soft. And their kiss was searching and passionate and could set her body on fire.
Yanna moaned in his mouth when her husband squeezed one of her breasts. At nang bumaba ang bibig ng asawa sa kaniyang leeg ay napasabunot siya sa makapal at basa nitong buhok. Tuluyan nang nahulog as sahig ang tuwalyang nakatakip sa ulo nito. ““Miles…””
““That’s not my name, baby.””
Namilog ang mga mata ni Yanna. Bakit parang nag-iba yata ang boses ng asawa niya ngayon? Although she could not really tell at all, because she was focused on the pleasure she was feeling from his mouth on her skin. Sunod namang itinulak ni Miles pababa sa balikat niya ang strap ng suot niyang bra. His mouth continued nipping at the swell of her breasts.
But when did Miles ever call her baby? At bakit nito sinabing hindi raw iyon ang pangalan nito.
Oh, that’s right. There are name kinks some people like using when they are having s*x, right? Maybe that’s what he meant?
Quite hesitantly, she said, ““S-sir?””
Her husband laughed, amused. Maging ang tunog nang tawa nito ay kakaiba—mababa at baritono, napakasarap sa pandinig. He finally stopped kissing her shoulders and neck to cup her face and look at her. ““Is that really what you want to call me?””
Seeing an unfamiliar face forced Yanna to scream. She jumped back away pushed the man, trying to cover her almost naked body with slender hands.
What the— Kung ganoon ay hindi pala si Miles ang kasama? Sino ba ang taong iyon? ““Sino ka? At paano ka nakapasok dito?””
The guy furrowed his brows. ““You kissed me and then ask me who I am?””
““Answer me! Kung hindi ay tatawag ako ng pulis!””
The man raised both hands in the air. ““Okay, fine.”” Itinuro nito ang sarili. ““I’m Ethan Rivaldi, and I’m completely harmless. Nagkita tayo sa bar kagabi.””
She scoffed. ““No, you weren’t there. Kasama ko ang kaibigan ko.””
Ethan calmly continued. ““Hindi mo siguro maalala pero nawalan ka ng malay dahil sa kalasingan kagabi. And I don’t know about a friend because you were alone so I took you here.””
Yanna pursed her lips in anger. She showed him her wedding ring. ““Hindi mo ba nakita ito? You just took a married woman to a motel—””
““This is my penthouse,”” mabilis nitong pagtatama sa kaniya.
““—whatever! And lured her into thinking you were her husband and took advantage of her.””
““Miss, I didn’t take advantage of you. Ikaw ang bigla na lang humalik sa’kin.””
““Dahil nga ang akala ko ikaw ang asawa ko!””
““Sa tingin ko, hindi ko naman na yata kasalanan ‘yon.””
She was silent. He has a point. ““I don’t care. Nasaan ang mga damit ko? At bakit mo ba ako hinubaran? Siguro ay may binabalak ka talagang masama, ano?””
““I sent them to the cleaners. Sinukahan mo ang suot mo kagabi. It should be here in an hour,”” paliwanag nito.
Yanna grimaced. Hindi niya ma-imagine ang hitsura niya kagabi. She had never been in a situation where she was so undignified. How could she end up in a stranger’s place?
She looked around the room and found her bag at the foot of the bed. Dinampot niya iyon at hinalungkat ang laman para sa kaniyang cellphone. Nang pindutin niya ang power button ay hindi ito nagbukas.
She bit her lower lip. She hated to ask but she really needs it. ““Can I borrow your phone?””