"Come to my office. Now," utos ni Shey na agad naman pumasok sa opisina niya. "Boss?" takang tanong nito pero ang mata ay nakatingin pagkain na nasa lamesa niya. Sobra ang pinadalang Japanese food ni Steven, halos ang iba ay hindi na niya nagalaw nang malaman niyang ito ang nagpadala. "Kunin mo na iyang food, Louie." Matamis na ngumit ito sa kanya. "Talaga, Boss?" Hindi pa siya sumasagot ay kinuha na agad nito ang pagkain sa lamesa niya. "Nasaan ang report na hinihingi ko, Louie?" Awtomatikong nawala ang ngiti sa mukha ni Louie sa tanong niya. Diretso ang tayo nito. "Wala pang end of the day, Boss." "Past five o'clock na, Louie." "End of shift naman iyon tinutukoy mo, Boss. Iba iyong end of the day." "What am I, stupid?" Kinuha agad nito ang lahat ng pagkain, walang tinira m

