His mind wasn’t in the right place. Kanina pa hindi mapakali si Steven sa loob ng opisina niya, wala siyang nagagawang trabaho simula nang huling tagpo sa pagitan nila ni Shey kanina. And she was all he could think about. Shey Nicolas. "F*ck." mariing anas ni Steven, hawak niya ang labi na kanina lang ay sakop na naman ang labi nito. Wala pa din pinagbago ang labi ni Shey simula nang huling pag-angkin niya dito. Masarap at malambot pa din. Kahit naman nang umuwi siya galing sa Mindanao kung saan niya pinunta ito ay hindi naman talaga nawala sa isip niya si Shey. He told himself that he needed to avoid her. Na kailagan na niyang putulin ang kung anoman nasa pagitan nila ni Shey. Pero para naman sinasadya nang tadhana, si Shey na mismo ang pumunta sa opisina niya. Nang malaman ni Steve

