Page 2 - No Stress

2347 Words
Page 2 No stress. ***** ABALA SINA Mama at Jona sa kusina habang ako ay busy. Nasa salas naman ako at naglilinis nang marinig kong may tumatawag na tao mula sa labas. Ako na yung nag-volunteer na lumabas. Sa gate ay naabutan ko ang isang lalakeng nakasuot ng uniform na poloshirt. May tatak ng isang kilalang delivery service. "Good morning po Ma'm. Delivery po para kay Miss Rein Montes." Nakangiting bungad nang lalake sa akin. Nagtataka naman ako. "Delivery? Ano yun?" Inabot nito sa akin ang isang malaking bouquet ng bulaklak. "Papirma na lang po." Hindi ko naman agad kinuha iyon. Mataman ko munang tinitigan yung delivery guy. "Sure po ba kayong dito yan?" "Opo." Ipinakita nito sa akin iyong delivery receipt na naka-address ng sakto sa bahay namin at nakapangalan sa kin. Napipilitan tuloy akong tanggapin iyong bulaklak at nang wala na yung nagdeliver ay saka ako pumasok uli sa loob ng bakuran at kinuha iyong card na kasama nang bulaklak. Umarko ang mga kilay ko pagkabasa sa nakasulat doon. "Welcome home, baby." Kumalabog ang dibdib ko sa kakaibang kaba. Huminga ako nang malalim at napakagat labi. Tinignan ko iyong bulaklak. White tulips. Sino naman kaya ang magpapadala sa akin nito? Hinagilap ko yung phone ko at tinawagan si Kris. "Hello?" Maayos naman ang naging bungad sa akin ni Kris. "Hello, Kris. Nakaistorbo ba ako?" "Hindi naman. Why?" "May nagpadala na naman sa akin ng bulaklak." Panimula ko. "Isang bouquet na ngayon. Kinakabahan na ako baka nandito din talaga yun." Madalas kasi akong makareceive ng bulaklak na tulad nito habang nasa ibang bansa kami. Noon, red rose. At isa isa lang. Feeling ko talaga ay may nakasunod sa akin. Actually, mukhang may nakasunod nga sa akin. O sa amin. "Are you saying na nasundan na naman tayo ng stalker mo?" Narinig ko yung buga niya ng hangin. Huminga uli ako ng malalim. "Mukhang hindi lang nasundan. Local na padala lang itong nareceive ko so it means na narito lang talaga siya sa bansa." "Oh, that's a problem." "Anong gagawin ko?" Sandali kaming natahimik. "Alam mo kung anong dapat mong gawin?" "Ano?" "Nothing." Bumuntung hininga siya ng mahaba. "Wala kang kelangan gawin dahil wala naman siyang ginagawang harmful. I mean. Kung ganyang nagpapadala lang naman siya ng flowers maybe he or she is a fan." "Pero--?" Natigilan naman ako. Maybe he was right. Pero kinakabahan pa rin ako. Parang may mali kasi. "Just be calm, Rein. Wag paranoid." Bumuntung hininga ako at tumango. "Okay." Pero naroon pa rin ang kaba ko. Natatakot ako na one of this day ay biglang sumulpot sa harap ko yung nagpapadala ng flowers. Ayokong maging paranoid pero hindi naman masamang maging cautious. Nahirapan pa tuloy akong ipaliwanag kina Mama at Jona kung saan nanggaling yung bulaklak na natanggap ko. Haist. And on the same day..... "Eeehh..." napangiwi ako sa narinig. Napatingin ako sa gawi ni Jona at nakita na napalingon din siya sa akin. Ang lakas kasi ng react ko. Pinagkunutan niya ako ng noo at ako naman ay napakibit balikat. "You choose Rein." Napabuga ako ng hangin. "Anong choices po Sir Mike?" Kausap ko sa phone si Sir Mike, ang aming former Chief Editor, most of the time, parusa. Kung ano ano kasing pumapasok sa isip niya na ipinapagawa sa aming mga writer. Nandyang ipadala kami sa liblib na mga lugar para mag ghost hunting. Iyong choice lang na ipadala ako sa ibang bansa yata ang ikinatuwa ko sa lahat. Hmf. "Do the guesting. Isang episode lang naman iyon." "Ayoko po." Mariin akong napailing at humawak sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko. Grabe! "Sige na. Kung hindi mo gagawin isu-suspend kita." Babala niya yun sa akin. "I-suspend niyo na lang po ako. Pero hindi ko po gagawin yan." Mariin kong wika. "Rein?" "Sorry po pero hindi ko po talaga gagawin ang guesting na sinasabi niyo. Sorry po." "Pag-isipan mo muna itong mabuti Rein. Maganda ito sa career mo." Umiling iling ako. "Sorry po talaga. Pero hindi ko po kayang gawin. Si Marlyn na lang po. Wala na po akong ibang sasabihin, Sir Mike. Good day po." Sabay end ng call. Malamang i-suspend niya talaga ako. "TV guesting? Ba't ayaw mo?" Agaw pansin ni Jona. Nakaupo siya sa may sofa sa harap ng TV pero nakikinig pala sa akin. "Ayoko. Hindi ako pan-TV." Iling ko. "So, nagpasuspend ka?" Si Mama. Nakatingin na siya sa kin ngayon. "Opo." Mahina kong tango. "Siguradong hindi ka tatantanan ni Sir Mike." Si Jona. Natawa pa siya. Malamang nga. Ano kayang gagawin ko? Nangalumbaba ako sa may mesa. Tumingin sa wala. Hindi ko alam ang gagawin ko eh. "Rein, anak." Napalingon ako. Ipinagulong ni Mama ang inuupuang wheelchair palapit sa kinauupuan ko. "Alam mo, nasa probinsiya si Bianca ngayon. Sinabihan niya ako na kung gusto ko ng magandang environment para makapag-relax ay pwede akong pumunta doon." Napaderetso ako ng upo at tumitig sa mukha ni Mama. "Gusto niyo po bang magbakasyon Mama?" Umiling siya agad. "Hindi ako anak. Ikaw. Ikaw ang may kailangan ng bakasyon." "Hah?" Gulat expression. "Kadarating ko nga lang po eh." "Pero hindi ka naman galing sa bakasyon. Trabaho iyon di ba?" Natigilan naman ako. "Kailangan mo ng totoong bakasyon, Rein. Iyong wala kang dapat isipin na trabaho. Iyong makakapag-relax ka at walang alalahanin." "Kung sabagay." Huminga ako ng malalim. "Sasamahan niyo po ba ako?" Ngumiti siya. "Rein, hindi ako pwede sa mahabang biyahe. Atsaka, hindi ako pwedeng malayo sa ospital. Ikaw na lang." "Ho?!" Nanlaki ang mga mata ko. "Oo. Ikaw na lang. Puntahan mo si Dra. Bianca para makapag-bakasyon ka." Kumunot noo ako. "Okay lang po sa inyo?" "Okay lang." Tango ni Mama. "Oo nga Rein. Magandang idea yung sinabi ni Tita Au. Go ka na at baka magbago pa ang isip ni tita." Susol ni Jona. Natigilan ako. "Pinapalayas niyo ba ko ng bahay?" "Hindi ah!" Mabilis na iling ni Jona. Natawa naman ng mga mahina si Mama. Ginagap niya ang isa kong kamay. "Hindi, Rein. Concern lang kami sa yo." Napa-pout ako ng lips. "Parang ayaw niyo ko dito eh." "Hindi." Mariing iling ni Mama. Ngumiti siya. "O, sige. Next week pa kasi ang schedule ng check up ko. Itatanong ko kung pwede ba akong bumiyahe ng mahaba. Kapag pwede, susunod kami sa yo." "Talaga po?" Umaliwalas agad ang mukha ko. "Totoo po yan ah. Gagawin niyo yan." "Totoo." Nakangiting aniya. Napangiti ako ng maluwang. Nang araw na iyon ay na-text at tinawagan ko si Bianca na pupuntahan ko nga siya sa province kung saan siya. Doctor kasi si Bianca. Isang Psychiatrist. Close friend kami since college days dahil sa iisang school lang kami nag-aral. Una, acquaitance hanggang maging friend, then naging patient at ngayon close friend. Siya rin ang nagpagaling kay Mama from her trauma. Masasabi kong iilan lang ang kaibigan ko sa mundo pero sila naman iyong mga worth keeping. Until the end of world ba ang samahan. Na kahit wala masyadong usap o pagkikita ay nanatili pa ring tapat na kaibigan sa isa't isa. Nasa San Simon siya ngayon. May volunteer work kasi siya. Hilig niya talaga iyon, iyong magpatapon sa mga malalayong lugar at sa mga bundok. Samantalang ako naman ay hindi mapalagay sa isang lugar. Ligalig din ba. By the next day ay OTW to San Simon na ako. Nag-bus ako dahil iyon naman ang main transportation papunta sa lugar. Wala naman akong private vehicle na pwedeng gamitin. Speaking of private vehicle. Parang trip ko na magka-kotse ngayon ah. Magawa nga yun pagkabalik. Isang mahabang twelve hour bus ride iyon. Gabi ako ng umalis at nakarating kami ng San Simon, umaga na. Paputok pa lang ang araw kaya madilim pa ang paligid. Natulog lang ako sa biyahe pero feeling ko antok na antok pa rin ako. Ang sakit pa ng likod at katawan ko dahil sa matagal na pagkaka-upo. Haist. Isang malaking bag pack ang dala ko at isang sling bag kung saan ang mga personal kong gamit at gadgets. Naupo ako sa isang waiting shed pagkababa ko ng bus at tumingin sa paligid kung nasaan na si Bianca. Ang tahimik nang lugar, malamig ang hangin at presko sa pakiramdam. Feeling ko makakapagrelax nga ako sa lugar na ito. In-stretch ko ang aking katawan at napansin sa may lupa ang isang flyer. Buo pa naman iyon at malinis pa kaya kinuha ko at binasa. "Dreamscape Residences." Kumunot noo ako. "May subdivision sa lugar na toh?" "Rein?" Gulat akong nag-angat ng tingin at ng makita kung sino iyong tumawag sa akin, mabilis akong tumayo. "Bianca?" Agad siyang yumakap sa akin pagkalapit. "Sorry." Tinignan niya ako sa mukha. "Nalate ako ng gising muntik ko ng makalimutang ngayon ka darating." "Ay! Grabe langs." Natawa ako ng pabiro. She cupped my face. "Grabe. Parang walang nagbago sa iyo." Natatawang hinawakan ko din siya sa pisngi. "Ikaw din. Chubby ka pa rin." "Oi!" Sabay bitaw sa kin. "Sexy kaya ako. Hindi chubby." Natawa na lang ako. "Oo na nga. Sabi mo eh. Saan na tayo?" "Sa tinutuluyan ko, saan pa nga ba?" Tawa niya. "Tara. Siguradong mag-eenjoy ka dito." Sumakay kami sa isang tricycle. Iyon din ang tricycle na naghatid kay Bianca sa terminal. Nakita ko na unti unti nang nagliliwanag ang paligid habang nasa biyahe kami at ng bumaba na kami ay tuluyang nagkalat na sa paligid ang liwanag. Sandali akong napatitig sa bahay na sinasabi ni Bianca na tinutuluyan niya. Isang malaking ancestral house iyon na naliligiran ng malawak na palayan. Sa bakuran nito ay matataas at mayabong ang mga punong prutas at sa gilid naman ay may mga vines na halaman. Iyong bahay mismo, pre-spanish ang structure. Pero mukhang well-maintained ito at matibay pa. "Kaninong bahay ito?" Tanong ko kay Bianca nang papasok na kami ng gate. Hindi na niya ako nilingon. "Sa isang kakilala. Wala kasing gumagamit ng bahay na ito since iyong mga dating nakatira ay nasa Manila na." Pagpasok namin sa main door ay bumungad sa paningin ko ang isang mataas at malapad na hagdan paakyat. Antigong kahoy ang gawa niyon pati iyong mga designs sa railings ng hagdan, halatang kalumaan. "Minsan nagpupunta sila dito for vacation din. Pero ngayon hindi muna daw sila uuwi dito kaya pinagamit sa akin." "Parang bahay ni Lola." Naalala ko iyong sikat na pelikulang iyon. "Wala namang mumu dito di ba?" Bigla niya akong nilingon. "Bakit? Takot ka?" Sabay ngisi. "Hindi. Mas takot ako sa buhay kesa sa patay." Natawa naman siya. "Just thought." Umakyat na kami sa taas at bumungad naman sa paningin ko ang maluwang at napakalinis na salas. Lahat ng gamit ay antigo at gawa sa kahoy. Pati sahig ay kahoy na kumikinang at madulas sa pagkaka-floor wax. In all fairness. May TV. Sa isang sulok ay may electric fan. Napangiti ako. "May Wifi?" "Meron." Nilingon ako ni Bianca. "Pero may password. At hindi ko sasabihin." Sabay tawa. "Madamot." Simangot ko sa kanya. Natawa lang siya sa akin. "Nandito ka for relaxation di ba? Kung kailangan mo ng internet connection siguradong magtatrabaho ka na naman." "Hindi ah. Mag-e-sss lang ako saka twitter saka Youtube." "Manahimik!" Sansala niya sa kin na may taas pa ng kamay as gesture. Natawa ako. "Kapag bawal - bawal! Wala ka sa bahay niyo at sa akin ka makikituloy kaya susunod ka sa rules ko." Bagsak balikat. "Aww! Boring." "Nagulat naman ako na pupunta ka pala dito. Hindi ka ba nagsawa sa pamamasyal?" "Nagtatrabaho ako." Lumibot ako sa kabahayan at sinipat ng tingin bawat muwebles na madaan. "Baka nakipagdate ka lang? Saan ang boyfriend mo?" Nagkibit balikat ako. "Doon. Busy para sa kinabukasan namin." Nilingon ko siya at nakita ang ginawa niyang pag-frown. "Hey! What's that for?" "Wala." Iling niya agad. Nginitian ko naman siya. "Mukhang may sasabihin ka." "Walang forever." Aniya sabay ngisi. "May isa pang rule na dapat kang sundin habang nandito ka sa poder ko." "Grabe naman. Napakarami namang bawal. Daig pa Lola." Naiiling kong wika. "I want you to enjoy this place Rein. No stress. No worries. Just feel it. So bawal mag-isip ng may kinalaman sa work. O sa boyfriend." "Madali lang yung una pero yung sunod. Mahirap yun." I pout. "Believe me Rein. Magagawa mo." Nginitian niya ako at humakbang palapit. "Namiss kita Rein." "I miss you too." Malapad kong ngiti at yumakap sa kanya. "Take care of me." Mahinang hagikgik ko. "As always." ***** Pagkagising ko ay nagulat pa ako kasi nasa unfamiliar place na naman ako. Ganito lagi ang reaksyon ko. Buti na lang at lagi kong dala at in full charge ang recorder ko. In fairness, hindi ako dinalaw ng panaginip ko ngayon. Siguro sobrang pagod ko na rin kaya ganun. Masagana ang naabutan kong almusal. Parang kagabi. Naghanda ng maraming pagkain si Bianca samantalang dalawa lang naman kami sa bahay. Ayun, pinasalo namin iyong tagaluto niyang tubong San Simon. Hindi kasi mahusay magluto si Bianca. Eh, lalo naman ako. Tapos ay nagpa-uwi din kami rito ng mga natira. Sayang eh. Buong gabi ay nagkwentuhan kami. Parang iyong pag-uwi ko sa bahay. Syempre nagbaon ako ng mga pictures at ipinakita iyon kay Bianca. Kahit limited lang ang memory ko sa mga lugar na napuntahan ko, documented naman yun. "Wow! Unlimited talaga ang pagkain dito ah." Bulalas ko habang papaupo na sa harap ng hapag kainan. Isang mahaba at malaking mesa iyon. "Naku, magsasawa ka Rein. At siguradong tataba ka dito." Nakangiting ani Bianca. "I like that idea." Ngisi ko. "Gusto ko na talagang magkalaman laman man lang." "Well, tatrabahuin natin yan." Tawa niya. Ngumiti ako. "So? Anong activity natin ngayon?" Nagsimula na kaming kumain. "Gusto mo bang sumama? Aakyat ako ng bundok." "Bundok? Saan? Bakit?" Natawa siya. "Isa isa lang tanong." "Sarreh ok. Sarreh." Bungisngis ko. Ginaya ko pa yung tono ng famous line na yun ni Steffi Cheon. "May isang bundok dito na may maliit na community. Nandun iyong ilang kateam ko at pupunta ako dun para tumulong. Hindi naman yun malayo dito, hindi naman tayo aabutin ng gabi doon." "Ah." Tango ko. "Tara. Game!" Saka napangiti ng malapad. "Sure?" Matiim niya akong tinitigan na parang duda sa akin. "Ako pa ba? Ako na mahilig sa galaan?" Tawa ko. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD