Page 1- Home

3027 Words
Page 1 Home *********** NAKAPIKIT ANG aking mga mata at dama ko iyong kakaibang kaba sa dibdib ko. Hindi ito pangkaraniwan. Hindi ko maipaliwanag. Dahan dahan akong nagmulat at nag-angat ng tingin. Maaliwalas na ang buong paligid at humahalimuyak ang amoy ng mga bulaklak. Iyong paningin ko ay tumagos sa manipis na belong suot ko deretso sa may mahabang daang lalakarin ko. Red carpetted ang daan. At may malamyos na musikang pumapailanlang sa paligid. Iyong paborito kong pakinggan at nag-iisang alam ko na piano piece. Canon in D. Huminga ako ng malalim at humakbang. Isa-isa. Mabagal at dahan dahan. Halos hindi ko nga maramdaman ang mga paa  sa nilalakaran ko. Para akong nakalutang sa hangin. Para lang akong papel na dinadala ng hangin. Habang papalapit na ako sa hantungan ng aisle. Nakita ko ang ilang tao sa paligid na nakatingin sa akin at may mga magagandang ngiti sa mukha. Tinatanguan nila ako at nginingitian oras na matapatan ko sila sa paglalakad. Ngingiti din ako at tatango ng isang beses bago hahakbang muli. Hindi ko kilala ang ilan sa naroon pero kilala ko sila sa mukha. Nakita ko sina Marlyn, Andy, Sir Mike at pati iyong ilang kasamahan ko sa trabaho. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakangiti. Bakit masaya silang lahat samantalang ako ay halos liparin na ng mga paru paro sa sikmura ko sa sobrang pagwawala nila? May mga mukhang hindi ko nakikilala pero parang kilala ko sila. Basta dama ko na mahalaga silang naging bahagi ng buhay ko. Nang halos ilang hakbang na lang ang altar mula sa akin ay sinalubong ako nina Mama at Jona. Abot tenga ang ngiti nila. Maganda at maaliwalas ang mga mukha. Maganda din ang ayos nila at kasuotan. Marahang ginagap ni Mama ang kamay ko at hinila ako papalapit para bigyan ng magaan na halik sa noo at yinakap. Naramdaman ko iyong pagbalon ng mga luha sa mata ko. Pinigilan ko iyon pero napahikbi pa rin ako. Dama ko iyong emosyon ni Mama. Masaya na malungkot na pinaghalohalong damdamin na hindi maipinta sa larawan. Kumalas ako mula sa kanya at yumakap naman kay Jona pagkaraan. Nabaling ang paningin ko sa isang kamay na nakalahad sa aking gilid. Tumingin ako roon at sandaling natigilan. Suminghap ako habang dahan dahang nag-angat ng tingin sa kung kaninong kamay iyon. Nasilaw ako sa liwanag na sumalubong sa aking mga mata at napapikit. Napitlag ako ng katawan. ***** [Music playing] "Baby can i hold you tonight Baby if i told you the right words Ooh, At the right time You'll be mine" Mariin kong ipinikit ang mga mata ko sabay hikab ng mahabang mahaba. Medyo napaliyad pa ako ng katawan para makapag-stretch tapos dahan dahan ako ng nagmulat ng mga mata. What a dream? Pinakakakaibang panaginip ko na yata iyon ah. At ang pinakamahaba. Tinanggal ko iyong nakasuot na earphones sa tenga ko at in-off ang sounds noon. "Haba ng tulog ah." Narinig ko iyong sabi ng katabi ko. Lumingon ako rito at sandaling tumitig. "Nandito na ba tayo?" "Yup. Bababa na tayo." Sagot niya at nakangiting tumingin sa kin. "Punasan mo nga yung laway mo, oh." Bigla akong napaayos ng upo at napasapo ng bibig pero wala naman yung sinasabi niya. Tinawanan niya ako. "Just kidding." Tawang mahina niya. Napasimangot ako. "Letse! Sasabunutan kita dyan eh." Wala naman siyang sinabi. Napangisi lang. Kung totoong babae siya, sinabunutan ko talaga siya. Pero hindi eh. Si Kris. Itong katabi ko ay katulad kong travel writer. Babae siya, na natrap daw sa katawan ng lalake. He's bi. May anak na rin kasi siya, isang six years old baby girl. Pero walang asawa. Jowa jowa lang. Pareho kaming under sa Elite Magazine na isa sa kilalang pangalan sa industry ng bansa. Mga pamumuhay ng mga sikat at mayayamang tao ang madalas naming topic. Minsan para din kaming mga Paparazzi. Pero this last six months, alis muna ako sa trabahong iyon, nagawa ko kasi ang pinaka-dream job ko. Ang maging travel writer. Salamat sa Elite dahil ibinigay nila sa akin ang chance na ito. Eto kasi ang pinakamain goal ko simula ng mapasok ako sa kumpanya. I'm so glad nag-bunga din ang hardwork ko. Tahimik akong tumayo sa gilid ng daan habang hinihintay na makabalik si Kris mula sa restroom. Nakatingin lang ako sa mga dumadaang tao. Sobrang init din ng paligid kaya alam na alam kong nakauwi na nga ako sa mahal kong bansa. Bumuntung hininga ako ng mahina at biglang napalingon sa isang lalakeng nakatayo sa tabi ko. Tumaas ang isa kong kilay, hinawakan ang dulo ng suot kong aviator at ibinaba iyon ng konti para sipatin ng mas mainam iyong lalake. He was taller than me. Mga one or two inches lang naman. Broad body na halatang nagdi-gym dahil sa mga muscles niyang bumabakat sa suot nitong pastel pink na long sleeve polo. Katulad ko ay may suot din siyang aviators and i can't help admiring his pointed nose. Napaka-tangos. At iyong lips niya, luscious lips. Bigla siyang luminga sa side ko agad akong napa-iwas ng tingin. Napapitlag ako at kunwari'y tumitingin sa malayo. Lihim akong napangiwi sa sarili. What's with me? Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. "Ang init di ba?" Suminghap ako ng lihim at hindi agad lumingon. Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakita na nakabaling na ang atensyon niya sa akin. Pilit akong ngumiti. "Oo nga." "Balikbayan ka? Saang bansa ka galing?" Hinubad niya iyong suot na aviators at saka ko napagmasdan ng malaya ang mukha niya. Handsome siya talaga. Parang model. Tsk. "France. At iba iba pang places." Ngumiti ako. Kapag naiisip ko yung mga places na napuntahan ko, natutuwa ako. Parang gusto ko ng magkwento ng marami. "Really? I've been there many times. Ngayon galing lang akong New York." Wow! Umere bigla. Lihim akong nadisappoint. Nakangiting tumango na lamang ako. "So? Are you with someone? A boyfriend perhaps? France is a romantic place. Nagdate ba kayo o honeymoon?" Nagkibit balikat ako at umiwas ng tingin. "Yes and No." "Hah?" "Yes kasi may mga kasama ako. A friend and my boyfriend. And No, kasi nagpunta kami dun for work." "Ahh... i see." Pilit akong ngumiti tapos ay sabay kaming napalingon ng makarinig ng mahinang tikhim mula sa likod ko. Nakita ko agad si Kris. "Tara na." Anito sa matigas na panlalakeng boses. Hindi kasi talaga siya mukhang binabae sa unang tingin. Actually, gwapo din siya, maputi at built ang katawan, medyo matangkad din siya. Matiim siyang nakatitig sa kausap ko na stranger, kung di ko pa alam. Tiyak na type niya ito. "Okay." Bumaling akong nakangiti sa kausap ko kanina. "Got to go." "Sure. Thanks for the small chat." Nakangiting tango niya rin. "Salamat din." Pahuling wika ko. Kumapit ako sa braso ni Kris habang ang isang kong kamay ay hila hila iyong travelling bag. Ako pa yung humila sa kanya paalis. Nang makalayo layo na kami ay hindi nakatiis ang bakla. "Girl, kadarating mo lang. Ibang klase ka talaga." "Bakit? Type mo?" "Pwede na rin." Ngisi niya. "Choosy ka pang bakla." "Dapat lang. Hindi naman ako kasing ganda mo para lapitin ng boys." Nguso niya pa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Pero nangiti na lang ako. "Kasalanan ko ba? Siya yung unang kumausap sa akin." "Hindi. Hindi mo nga kasalanan. Naku! Malaman-laman lang yan ni Fafa Renz, siguradong mapapauwi iyon ng wala sa oras." Iling niya. "Oi, magandang ideya yun ah." Mahinang bungisngis ko. Natawa siya. "Miss mo na agad si Renz?" Ngumiti ako at nagkibit balikat. Renz is my boyfriend. Naging kami sa last leg ng travel namin. Actually, matagal ko na siyang crush. Yun lang kasi may girlfriend siya noon. Kaya kahit sa umpisa pa lang ng pagdating namin sa trabaho ay nagsimula na siyang manligaw sa akin. Hindi ko muna siya in-entertain. Ayoko kasing magmadali. And knowing him na kagagaling lang sa break up. Ayoko namang maging panakip butas lang. Ganda ko. Gagawin lang panakip butas?! Ha. Ha. Saka.... i don't know. Somethings stopping me. Isa siyang professional photographer. Kilala at sikat din naman sa larangan niya. And i am so proud of him. "O panu? Kita na lang sa office?" Ani ko ng makarating na kami sa area ng sakayan ng mga taxi. "Anong balak mo? Balik work agad?" Tanong ni Kris. "Nope. I'm going to take a break. Saka tataguan ko si Sir Mike. Kinukulit niya kasi ako sa serialization nung book." "Wow. Iba na ang sikat!" Ngisi niya.   "Ba't ayaw mo?" "Hindi ako sikat. Yung book namin yun. Ewan. Wala sa isip ko yun eh." "Sus! Ikaw na ang humble. Anyways. Ako din naman. Kailangan ko ng quality time with my baby, so break muna ako." "Baka mang hunting ka lang ng papa." Tawa ko. "Di ko kailangan manghunting. Kusa silang darating. 'Lam mo na!" "Ewan." Nakangiting iling ko. Unang nakasakay paalis si Kris at ng makakita ako ng taxi na nakahinto. Linapitan ko iyon agad at ng akmang hahawakan ko na yung pinto ay may nakabanggaan ako ng balikat. Sabay kaming nagulat at napaatras. Nagkatinginan pa kami at parehong natigilan. Ang cute niya. Isang magandang girl na may maamong mukha. Akala ko nga anghel siya. OA din talaga ako minsan mag imagine. "Sorry. Sige mauna na kayo." Wika ko at ngumiti. Hindi naman ako nagmamadali para makipag-agawan ng taxi. "Sige Miss. Mauna ka na. Baka nag-mamadali ka eh." Bahadya itong namula. "Hah?" Nagtatakang ani ko. "Oi!" Agaw pansin nung kasama nito. Halatang iritado ito dahil nagmamadali ng makasakay. Ngumiti muli ako. "Sige na. Next cab na lang ako." Umatras na ako mula sa sasakyan. "Tara. Salamat Miss ah." Wika nung kasama nito at naunang nang sumakay sa taxi. "Salamat." Nakangiting pasalamat nung magandang girl. "No problem." Tango ko. Then tuluyan na silang nakaalis. Hindi naman nagtagal at nakasakay na rin ako ng taxi at nagpahatid na pauwi. ***** NAMISS KO ang ingay ng kalsada. Iyong traffic na hindi umuusad. Iyong pollution. Lahat nakakamiss kahit hindi healthy. Pero higit anu pa man. Namiss ko ang bahay namin kung nasaan naghihintay ang pinakamamahal kong ina. "Tao po!" Malakas kong sigaw sa may tapat ng gate habang kumakatok. Nakangiti ako habang naghihintay. Sa totoo lang ay wala silang ideya na darating ako ngayon. Hindi ko ipinaalam para ma-suprise ko sila. "Wait lang!" Malakas na boses ng babae mula sa loob. Nakilala ko agad na si Jona iyon. Napangiti ako. Tumayo ako na patalikod mula sa may gate at naghintay na magbukas iyon. Ngiting ngiti pa ako nang marinig uli ang boses niya. "Sino sila?" Huminga ako ng malalim at patalon na humarap sa kanya. "SOPRESA! SOPRESA!" "REIN?!" Gulat na gulat niyang bulalas. Napatili na ito sa tuwa. "OmyGod!" Mabilis siyang lumapit at yumakap. Masayang masaya din akong gumanti ng mahigpit na yakap. "Namiss kita friend!" Ngiting ngiti ako na halos abot tenga. Hindi ko na rin napigilan ang mumunting luha sa mata ko. Naiiyak ako sa tuwa. "Namiss din kita." Bigla siyang kumalas mula sa pagkakayakap at pinalo ako ng pabiro sa braso. "Pucha! Ba't di ka nagpasundo? Pambihira naman!" Natatawang nginiwian ko siya. "Pusa! Kailangan may palo talaga? Paano magiging suprise kung sasabihin ko? Adik lang?" Natawa na kami pareho. "Aisht! Ano pa nga bang magagawa ko eh nandito ka na." "Gusto mo balik muna ako sa airport ta's tatawagan kita para sunduin mo ko?" "Tengeneng yan! Kalokohan mo! Tara na nga." Nakatawang aniya at hinila na ako papasok ng gate. Sa may bungad pa lang ng pinto ay narinig ko na ang boses ni Mama. "Jona, sinong tao sa labas?" Bigla itong napahinto nang makita ako. Ganun din ako. Napahinto na rin ako at agad agad ay naiyak na ko. "Ma?" Mabilis akong humakbang palapit sa kanya. Yumakap ako at tuluyan nang napaiyak sa balikat niya. Nadama ko agad iyong magaan niyang paghagod sa likod ko. Inaalo ako sa pag-iyak. "Rein, anak!" Narinig ko yung mahina niyang paghikbi. "Ang iyakin kong anak." Saka mahigpit akong yinakap. Humikbi ako at suminghap. Sa loob ng ilang buwan, kahit na sabihin nilang ilang buwan lang iyon, sobrang namiss ko si Mama. Maraming maraming taon kami na nagkahiwalay at kelan lang uli nagkasama. Napakahirap na desisyon sa akin na umalis para sa trabaho. Naaalala ko lang iyong unang gabi ko sa ibang bansa na umiiyak ako sa sobrang kalungkutan. Si Mama lang ang naiisip ko. Halos lumaki akong ulila. Akala ko kasi wala na si Mama. Akala ko patay na siya. Not until recent events na nalaman kong buhay pa pala siya at hinahanap niya rin pala ako. Kung sino man ang naging daan para magkatagpo kami ay malaking malaki ang pasalamat ko. Pero hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong pasalamatan maliban kay God. May ilang sandali kaming nanatili sa ganung ayos na parang ayaw na nga naming maghiwalay. Umiiyak din si Mama at si Jona naman, maluhaluha na ang mga mata, pinipigil pa. Marami kaming napagkwentuhan ng magdamag. Ipinakita ko din sa kanila iyong mga pictures ng magagandang places na napuntahan namin. Lahat iyon ay magagandang moment sa akin. Marami akong inipon na mga pictures kasi iyon lang ang mananatili sa akin na paalala sa mga napuntahan at nagawa ko. Hindi kasi kaya ng memory ng utak ko na in-store iyon lahat. It fade slowly. Paggising ko nawawala na lahat. ***** NOONG NAKARAANG araw ay nasa France pa ako. Pero ngayon nasa Pinas na uli. Tama. Kakauwi ko lang kahapon at masakit pa ang ulo ko. Bumuntung hininga ako ng malalim at mahaba. Late na akong nakatulog dahil ang dami naming kwentuhan nina Jona at Mama. Pero ang isa pa sa nakapagpasakit ng ulo ko ay iyong weird kong panaginip. Sh*t! Inaaraw araw -- este -- minamadaling araw ako palagi ng panaginip na iyon ah. Kakainis. Hindi ko naman maintindihan kung anong ibig nung sabihin. May ikakasal ba sa family ko? Si Jona ba? Baka ako? SERIOUSLY?! Napag-usapan na namin ni Renz na magpo-pokus muna sa work. Hindi pa ako handa sa mas panmatagalan na commitment eh. Wala na rin naman akong maisip na ibang pakakasalan maliban sa kanya. Kunsabagay, nasa tamang edad na rin naman ako to settle down. Pero --- ewan ko ba. Hindi pa ako makapagdecide. Marami akong issues. Muli akong bumuntung hininga at tumayo na mula sa kama. Kinuha ko muna iyong headset at recorder sa tabi nang higaan ko at isinuksok sa tenga habang inaayos ang sarili at iyong pinaghigaan ko. After minutes ay ayos na ako. Lumapit ako sa may vanity table na naroon at napansin ang isang kulay puting sobre na na naroon at nakapatong. Kinuha ko iyon at maigeng tinignan. "Invitation card?" Nakakunot noo ko iyong binuksan. Naamoy ko nga iyong mabango nitong papel. Mukhang malaking wedding ito ah. Nang basahin ko iyong nakasulat lalo lang lumalim ang kunot noo ko at pagtataka. "Sino daw?" Hindi ko napigilang bulalas. Nang lumabas ako ng silid at pumunta ng kusina kung saan ko naabutan sina Jona at Mama ay dala at hawak ko yung card. "Jona?" Lumapit muna ako kay Mama at humalik sa pisngi nito. "Good morning po." Nakangiting bati ko. "Good morning." Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. Nagawa ko pang ayusin iyong pwesto ng wheelchair niya. "Problema mo Rein?" Si Jona habang nauupo sa may harap ng mesa. Naupo na rin ako sa tapat niya lang. "Ano itong wedding invitation sa kwarto?" Ipinatong ko sa gilid iyon. "Yan ba? Last month pa yan ah." "Oo nga. Bakit meron nito?" "Hindi ko na sinabi sa yo kasi hindi ka rin naman makaka-attend. Nasa malayo ka eh." Kibit balikat niya. "Hindi rin naman ako pupunta. Bakit ako invited?" Tinitigan niya ako saglit. "Basta dumating lang yan dito." Napasimangot ako. Ang weird hah. "Bakit naman kaya ako invited sa kasal ng isang Escaner Heir? Hindi naman ako close sa kanila." "Malay mo." Tinitigan ko siya. "Malay ko nga Jona." "Baka gusto ka lang nilang i-invite. Sikat ka eh." Natawa naman ako. "Ako? Sikat? Saan banda?" "Sa pangalan." Sabay ismid niya. "Nasa top selling book pa rin naman ang gawa niyo di ba?" "Maliit na recognition iyon Jona." Nagsimula na rin akong kumain kasabay nila. "Hindi maliit na bagay iyon, Rein." Si Mama. Napatingin tuloy ako. "Lagi akong nababati ng mga kakilala kong doctor at nurse sa hospital dahil maganda at matalino ang anak ko. Malaking bagay sa akin iyon." Ngumiti siya. Napatikom naman ako ng labi. Na-touch ako dun. "Narinig mo yun. Ano ka ngayon?" Nakalabing ani Jona saka natawa ng mahina. "Tse!" Irap ko sa kanya. Pero nagtataka pa rin ako sa invitation na nareceive ko. Wedding ng First Heir ng Escaner. Well, narinig ko naman na ikinasal na nga ang unang tagapagmana nang mga Escaner. Malamang, laman ito nang mga news. Parang royalties kasi ang tingin ng marami sa pamilya Escaner. They've own a very well known company at lahat ng business na under sa kanila ay puros successful din at kilala. Elite for example. Ang aking tahanang trabaho. At katulad nga ng mga royalties, meron silang hierarchy of successors and it fascinates me alot na ang daming interesado na makilala ang mga tinatawag nilang "Heirs" ng Escaner. Pero tanong ito sa akin. Ba't ako invited? Kilala ko ba sila ng personal? Syanga! Nag-iisip ako habang ngumunguya. Kilala ko si Don Marteo pero hanggang dun lang. Wala akong ibang kakilala sa Escaner heirs? Wala nga ba? O meron? Mga pribadong tao ang Escaner. Though may isa sa kanila na alam kong modelo. Atsaka may ilang beses na rin naman silang na-feature sa magazine namin o sa ibang magazine pero hindi sila iyong pa-public talaga. So, paanong pinadalhan nila ako ng invitation? At sa kasal pa? Ah! Baka nagkamali sila ng padala?! Tama. Yun siguro ang dahilan. May isang malaking event kasi na naganap kelan lang, iyong Bride Search na linahukan ng ilang piling dalaga mula sa bansa. Contest iyon na pipiliin kung sino ang karapatdapat na makabiyak ng puso ng Unang tagapagpagmana ng mga Escaner. Sa akin kasi naka-offer ang trabaho ng coverage nun pero ang alam ko ay napunta kay Andy iyong trabaho. Kumibit balikat ako. Keber na. Tapos na naman iyong event eh. Wala na rin akong magagawa at wala na rin namang mababago sa naganap na. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD