Chapter 6

1122 Words
         Pano na to . Anong sasabihin ko kina mama at papa . Mukhang mapapaaga ang pag uwi ko sa bahay namen ah . Hindi naman kasi totoo na madameng pumipirata saken na companies . Strategy ko lang yun para mabwisit si henry .  Ano ba tong ginawa ko sa isang iglap nawalan ako ng trabaho !   Pano na ang bills ko . Ang apartment ko ? Ang kotse ko  Hays .  Nasa ganitong pag iisip ako habang naglalakad papasuk sa aking bahay . Nanlulumo akong napaupo sa may veranda ng aking apartment . Napapikit sa kawalan ng biglang .. "Uhaaaaaaaaaaaaa" Nagulat ako sa aking narinig  "May baby ?!" Napatayo ako at hinanap ang iyak ng sanggol .  Nasa malapit lang ito . Nasaan ka ? Tila may kabog sa aking dibdib habang hinahanap ang sanggol . Sa isang sulok sa aking veranda ay natatabunan ito ng mga halaman . Hinawi ko ang mga halaman at tumambad saken ang isang sanggol . Napakaputi nito . Parang kulay gatas na ito sa kaputian . Nakabalot ang kulay dilaw na tela na wari ay kumikinang sa dilim ng gabi .     Dahan dahan akong yumuko upang kunin ang sanggol .  Napakagandang nilalang .    Nakarga ko na ang sanggol at kinausap ito na wari ay malaking tao na . Agad u***g tumahimik at ngumingiti na wari'y alam na nya na nasa mabuting kamay sya .   "Hello baby . Sino nag iwan sayo dito ? Pano ka napunta dyan ? Malamig na nasa labas ka pa ?" Pinunasan ko ang dumi sa mukha nito at ipinasok sa loob ng aking tahanan ang batang hindi ko inaakalang magbabago ng aking buhay . --------------------------------------------------        "Hello . Steph . Pumunta ka ngayon dito sa bahay . May itetex ako sayo bilhin mo agad ngayon lahat . Babayaran kita pag dating mo dito sa bahay." Hindi mawala ang tingin ko sa sanggol na nasaking harapan .  Saan nanggaling ang batang ito . Napakawalang puso naman ng nanay neto at basta nalang itinapon sa bakuran ko . Infairness mukhang mayaman ang may ari nito dahil sa mgasuot nitong damit .  Nilapitan ko ang bata at tinanggal ang nakabalot dito na dilaw na tela . Tumambad sa akin ang kulay asul na kasootan na madalang makita sa ganitong panahon . May naka burdang pangalan sa kanyang kasuotan .  Aethan . Napakagandang palangan .  Muli akong napangiti at nilaro ang batang nakagaangan ko agad ng kalooban .          "Hi baby Aethan . Ako si Mama Aliyah . Simula ngayon , ako na ang mama mo . Kung ayaw sayo ng nagtapon sayo . Ako gusto kita . Gustong gusto ." Hindi ko napigilan ang mapaluha sa kagalakan sa aking puso . Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto .          "Aliyah ! Adik ka ba ? Pagtapos mong magresign sa trabaho ay tatawagan mo ko dis oras ng gabi para bumili neto ? Feeding bottle ? Gatas ? At diaper ? Anong trip mo? Nag aadik ka ba ???" Nanlaki ang mga mata nito sa nakitang magandang nilalang sa aking kama .         "Holy Glory ! Beshy san galing yan ?!?!".  Dahan dahan itong lumapit at tinitigan kung tama ba ang nakikita nito . Pawang ngiti lamang ang isinagot ko dito at ibinalik ang tingin sa sanggol .       "Aliyahhhh!! Wag mo sabihin nangidnap ka na?!?" Napairap ako dito at tumayo para ayusin ang mga pinamili nito . Binuksan ang wallet at sinilip ang laman nito  Two thousand nalang pala ang pera ko . Dibale bukas maghahanap ako agad ng trabaho . Para samen no aethan . At napatingin ako sa baby , sabay ngiti . Inabot kay Steph ang one thousand pambayad sa pinamili nito .         "Beshy . Pede eto muna ? Hindi ko pa nawiwithdraw yung ibang sahod ko bukas promise babayaran kita. ".  Napairap lang ito sa paglalambing na ginawa ko .          "Ano pa nga ba ?! Juice colored naman Aliyah . Anong pumasuk sa isip mo ! Ang bata mo pa para maging ina ! Ano nalang sasabihin ng mga kapitbahay ?! Disgrasyada ka !?! "          "Okay lang yun beshy . Basta simula ngayon ako na ang tatayong magulang ni Aethan . " Walang pagsidlan ang aking kaligayahan . Hinawakan ito ni Steph at nilaro sa may paanan . Napansin nito ang birthmark na hugis tala .           "Beshy ohhh! Katulad ng birthmark mo !!" Napatitig ako sa birthmark ng bata . At naalala ang sa akin .         "Magkapareho nga ! Ang hugis tala na birthmark ko sa aking kaliwang dibdib . Parehong pareho kame ng balat . Tinadhana talaga siguro na sa akin ka mapunta . " At dun ng gabing ito . Ay naging isa na kong ganap na magulang .  Walang humpay ang tawanan namen ni Steph sa kagalakan na nararamdaman ko at sa suporta na binigay ng aking bestfriend .  ------------------------------------------        "Beshy . Ikaw muna bahala kay Aethan ah ! Alam mo naman hindi ko pa sya pedeng dalhin kina mama nako baka mahimatay ang nanay ko sa pagkabigla pag sinabi ko na may anak na ko ." Nagaasikaso na ko ng mga gamit . Mag aapply ako ngayon . Kailangan ko mag apply ng panibagong trabaho para amin . Nang aking anak .          "Nako ka Aliyah . Pasalamat ka at restday ko ngayon ! Kung hindi sa kapitbahay mo talaga iiwan yang si Aethan mo ! Ay sya magmadali ka na at baka wala ka ng abutang mga hiring . " Lumapit ako sa kaibigan at niyakap ito . Yumakap ito pabalik tanda ng pagsuporta nito sa akin . Lumapit ako sa aking anak .        "Aethan anak . Aalis muna si mama huh . Bigyan mo ko ng Goodluck para magkatrabaho na tayo . Pambili ng mga kailangan mo . I love you anak .." At isang masarap at matunog na halik ang aking ibinigay sa aking anak .  ----------------------------------------    Sa pagkawala ng hari ay nagdalamhati ang buong kaharian .  "Ama ko . Ang iyong mga habilin ay aking magiging tungkulin . Isang pangako sa harapan mo ng iyong katawan . Lahat ng ito ay magtatagumpay . " Luha ang naglandas sa pisngi ng makisig na prinsipe . Sa pagtakda ng mga kawal ay nagliwanag ang katawan ng hari at unti unti itong naglaho.   "Ang iyong amang hari ay maligayang maglalakbay patungo sa kaharian ng mga Diyos . Sa pagkapanatag na ikaw ang kanyang iniwan sa mga tungkulin mahal na prinsipe . " Napalingon si Prinsipe Aeron kay Miana .   "Ayusin muna naten ang mga hukbo at ang mga nasirang bahagi ng palasyo . Kapag sigurado na ang kaligtasan ng ating nasasakupan laban kay Lord Haton . Ako mismo ang maghahanap at magbabalik sa ating nawalay na Prinsipe . " Isang malugod na pagyukod ang ginawa ng dakilang diwata . 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD