Chapter 1
_ ALIYAH'S POV_
"Ma . Nagdadrama ka na naman ." Napangiti ako sa aking ina.
"Panong hindi magdadrama . Simula ng nagsariling bahay ka na bihirang bihira ka na dumalaw samen ng papa mo . Kelan ba yung huling dalaw mo dito ? Tatlong buwan na ?! Kung di ko pa sasabihin na may sakit ako hindi ka pa magpapakita !"
Nagdadrama na naman ang aking ina . Eto ang laging scenario sa twing nagbabalak ako na dalawin sila .
Ako nga pala si Aliyah . 26 years old , solong anak kaya ng magdecide ako na maging independent ay halos isumpa ako ng aking parents . But then after 2years of living myself nagkaayos din naman kame ng aking mga magulang .
"Hay nako ka naman mama . Kaya halos ayaw na tayo dalawin nyang anak mo e pano lagi mo binubungangaan ng ganyan !". Nasa pintuan ang aking ama
"Papa . ". Tumakbo ako payakap sa aking ama .
Yumakap ito pabalik at inakbayan ako pabalik sa aking naghihimutok na ina.
"Ayan ! Kaya matigas ang ulo ng anak mo pano kunsintidor kang ama!". Napangiti ako sa aking papa
"Ma. Hindi ka ba masaya na ang anak mo e marunong magbukod at tumayo sa sarili . Hindi gaya nung iba na matanda na e asa pa din sa magulang ". Sabay kindat ni papa.
"Nako ! Hindi ka namen pinaalis Aliyah! Sa hindi ko malaman magagawa mo naman lahat ng gusto mo kahit nandito ka"
"Mama naman , dadalaw naman ako palagi dito e."
"Palagi tignan mo nga ilang buwan ang dumaan ngayon ka lang ulit nagpakita!". Tamporurot ang aking ina.
"Ma , sorry na . Nabusy kasi ako sa office . Sa totoo nga may goodnews ako sayo e kaya ako napadalaw."
Nilapitan ko ito at niyakap mula sa likod . Nagluluto ito ng pananghalian namen . Nilingon lang ako nito saglit ngunit nakabusangot pa din ang mukha nito .
"Ano naman yang balita na yan?". Tila naghihintay din ito ng aking sasabihin .
"Napromote ako sa trabaho ! Binigyan na ko ng slot ni boss sa mga head writer . Pumasa sa kanila yung huling story na pinasa ko . And possible choices sya para sa susunod na pelikula na gagawin sa company namen ."
Natuwa ang papa ko sa magandang balita na dala ko niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan sa ulo .
"Congrats anak ! Napakahusay mo talaga !". Natutuwang bati ni papa
"Ewan ko sayo Aliyah ! Bakit ka ba nagpapakatanda dyan sa trabaho mo ke head o hindi pareho lang yun ! Writer ng mga novel stories ? Anak naman ! Accounting ang tinapos mo magshi shift ka na sa lawyer ewan ko ba sayo at bakit ang pagsusulat ng mga love stories ang naisip mo na gawin !"
Sa totoo lang isa to sa dahilan kaya nagpasya ako na maging independent person . Kung gaano ka supportive ang papa ko sa mga plano ko sa buhay ay ganun naman ka against ang mama ko . Oo at di nya ko pinipigilan sa mga ginagawa ko pero halatang hindi din sya suporta sa mga bagay na ito .
------------------------------
Nakatapos na kame kumain . Nagpasya ako na dito matulog sa bahay namen ngayon . Tutal restday ko naman bukas kaya , bukas nalang ako uuwi sa apartment ko .
Nagsusulat ako ng novel ko sa aking laptop ng maglapag ang papa ko ng isang baso ng gatas sa aking mesa. Napatingin ako dito at napangiti . Umupo ito sa tabi ko . Hininto ko ang aking ginagawa .
" Alam mo ba , nung bago palang kame na nagsasama ng mama mo . Nagkaron kame ng isang malaking problema . ". Napatingin ito sa akin .
"Anong problema pa ?"
"Naaksidente ako anak. Akala namen hindi na kame magkakaanak dahi yun ang unang findings ng mga doktor sa amen .". Humarap ako dito at nag abang ng sasabihin nito .
"Nagpunta kame sa maraming klase ng simbahan anak . Albularyo , doktor mga halamang gamot . Lahat sinubukan namen ng mama mo . Sa kagustuhan na magkaanak . Hanggang sa isang beses napagod nalang ako . Inalok ko ng hiwalayan ang mama mo . Pero hindi sya pumayag . Sinabi nya saken na okay lang kahit di kame magkaanak . Basta magkasama kame . "
Napabuntung hininga ang aking papa .
"Hanggang isang araw . May isang manghuhula kameng nakita . Tinawag nya ko sa aking pangalan . Nagulat kame pareho ng mama mo . Lumapit kame sa manghuhula . Hinawakan nya ako sa kamay . At sinabi nya na alam nya ang problema namen mag asawa . Sabi nya alam nya ang solusyon . "
"Mister, ang ituturo ko sayo ay dapat na isa puso mo . Dahil kung ikaw ay may agam agam sa aking ipagagawa hindi magkakatotoo ang iyong nais ."
"Opo . Gagawin ko po para sa ikasisiya ng aking asawa.".
"Magtanim ng rosas sa bakuran . Patakan ito ng iyong dugo . Siguruhin na gagawin mo ito sa hatinggabi ng inyong p********k ng iyong asawa . Pagkatapos ay alagaan ng pagdidilig ni misis . Hindi ka hahawak ng tubig para diligan ito . Bagkus si misis ang gagawa nito . Kung ang mga butong ito ay tumubo ng puting rosas . Pitasin ito at gawin pabango . Isaboy sa labas ng iyong bahay at hilingin sa mga diwata ang isang anak ."
At inabot nito ang anim na pirasong buto sa aking kamay .
"Sa kagustuhan ko na mabigyan ang mama mo ng anak ay di ako nagdalawang isip na gawin iyon. Kahit napaka imposible sa panahon ngayon at sasabihin lang nila na baliw lang ang gagawa nun"
Tumingin ito sa akin at hinaplos ang aking ulo .
"Nagkatotoo ang inyong ginawa ?"
Ngumiti si papa sa akin .
"Kaya ka nandito anak . Ng matapos kong isaboy at idasal sa mga diwata na mabiyayaan kame ng anak . Isang buwan matapos ay nalaman namen na buntis ang iyong mama . Kaya Aliyah ang ipinangaan namen sayo . Pangalan ng mga diwata ."
Tila ako namangha sa mga kinuwento ni papa . Hindi ako makapaniwala . Isa akong manunulat at alam ko ang lawak ng imahinasyon ng mga katulad ko pero hindi sumagi sa isip ko na may mga ganitong istorya pala talaga ng buhay .
"Anak . Intindihin mo si mama huh . Nakita mo ang hirap namen para lang makuha ka . Kaya hindi mo masisisi si mama kung masyado syang protected sayo . Ayaw lang namen na masayang ang buhay mo ."
Ngumiti ako kay papa at yumakap .
"Opo papa . Mahal na mahal ko kayo ni mama ."
-------------------------------------------
Gabi na at nakahiga na ko sa aking kwarto . Wala nagbago sa kwarto ko . Hindi ito pinapakialaman nila mama . Sinasabi ko noon na tambakan nalang nila to pero ayaw ni mama dahil sinasabi nya na babalik pa ako .
Nakatulog ako sa aking pag iisip .
"Uhhhhhaaaaaaaàaaa". Binuhat ng isang babaeng may kakaibang damit ang sanggol na nababalot sa gintong tela .
"Miana! Itakas mo na ang prinsipe !". Sigaw ng isang makisig na lalake . Nababalutan ito ng baluting nakakasilaw sa puti .
"Mahal na prinsipe paano kayo ?!". Naluluha ang babaeng tinawag na miana ng lalaki.
"Wag mo ko alalahanin ! Mahalaga ang sanggol ! Gamitin mo ang pinagbabawal na lagusan ! Miana ! Ikaw nalang ang aasahan ko !". At nakipaglaban ang lalaking nababalutan ng baluti sa mga kaaway nito . Hinaharang nito ang mga kawal upang makatakbo ang babaeng may dala ng sanggol .