Nakakapagtaka . Parang totoong totoo ang aking panaginip .
"Aliyah . Tumayo ka na at mag aalmusal na tayo ."
Umaga na pala . Nag asikaso na ko at niligpit ang aking mga gamit pauwi sa aking apartment . Nag almusal muna ako kasabay ang aking mga magulang .
"Pa . Coding ka diba ?"
"Oo anak . Magcocommute lang ako ngayon . Mura lang naman ang taxi .". Sagot nito
"Wag na pa . Hatid kita.". Inisist ko dito .
"Bakit Aliyah . Uuwi ka na ? Maaga pa ah". Si mama na nabigla .
"Oo ma . Dadaan pa kasi ako sa bookstore . Magcacanvass ako ng mga books . Kailangan ko bumili ng mga libro pang highlights sa bago kong novel .". Sabay subo ng pagkain .
Napasimangot ang mama kaya nagkatinginan kame ni papa .
"Ma . Ang sarap ata ng luto mo ngayon . Baunan mo ko neto ah . Para di na ko magluluto sa apartment. Mamimiss ko tong luto mo .". Pang uuto ko sa aking ina .
"Ikaw ALIYAH manang mana ka sa ama mo sa pang uuto ! Di ka pa kasi bumalik dito para sa ganun e lagi ka makatikim ng pagkain ko .". Lumungkot ang mukha nito .
"Sige ma . Bigyan mo ko ng 2 months . Pag iisipan ko yang sinasabi mo . Okay ? Ngayon wag muna ma . Pupunta punta nalang ako dito pag maaga ako nag a out or twing restday ko ."
Tumayo ako at niyakap ang aking ina .
"Promise yan ah ". Parang batang tugon ni mama
"Promise ma .". At humalik ako sa pisngi nito.
"Oh sya . Halika na anak at mala late si papa sa trabaho. "
Ngumiti ako at nagpaalam na kay mama .
--------------------------------------------
"Pa . ". Nasa byahe na kame at nagmamaneho ako ng aking sasakyan .
"Ano yun anak " nagbabasa ito ng magazine na nakakalat sa aking sasakyan .
Kinuha ko ang magazine at sinita ito .
"Bawal magbasa pa naandar ang kotse . Lalabo mata mo "
Natawa ito sa ginawa ko .
"Pa . Yung sinabi mo saken kahapon . ". Napatingin ito sa akin .
"Ano yung tungkol dun ?". Tila nagtaka ito .
"San nyo nakita yung manghuhula ? Tingin mo ba Pa buhay pa yun ngayon ?"
Napaisip ito at nagsalitang muli
" Oo . Anak . Kasi nung nakita namen sya ni mama mo mukhang mas matanda pa kame . Ang ganda ng mukha nung manghuhula . Mukha syang diwata .". Napatingin ito sa akin .
Diwata . Ang aking panaginip .
"Bakit mo natanung anak ?"
"Wala naman pa . Naisip ko gawan ng novel . Maiba naman diba . "
Pero bakit parang gusto kong makita ang diwata este ang manghuhula na yun .
"Ah Pa . San nyo sya nakita ?"
"Dun sa Chapel nak . Yung chapel malapit sa tinitirhan mo ngayon . Diba may palengke dun malapit . Dun namen sya nakita . "
Sa Chapel
------------------------------------------------
Naihatid ko na si Papa at kasalukuyang nagda drive na ko papunta sa bookstore . Hindi pa din mawala sa akin ang aking panaginip .
Bakit parang totoong totoo . Bakit pakiramdam ko ay talagang nangyayare sya kagabi .
Miana . Ang sanggol . At ang napakakisig na prinsipe .
Hindi mawala sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon .
Bumilis ang t***k ng aking puso . Umiibig yata ako . Ngunit sa isang panaginip ?
--------------------------------------------
"Aliyah. Pinapatawag ka ni Boss ."
Si stephanie . Sya ang bestfriend ko . Actually madalas sya na nasa apartment ko . Halos walking distance lang kasi ang aming mga bahay . Sya din ang dahilan kung paano ako nakapasuk sa company na to .
Naglakad ako papunta sa office ng aming Boss . Kasalukuyang may kausap ito na isang Head Writer .
"Hindi ko kailangan ang ganito ka walang kwentang story ! Anong klaseng writer ka ?! Nasa head ka pa naman !!". Sumisigaw ito .
"Sorry po sir . Aayusin ko nalang po ulit ."
"Oo !! Dapat ! Ayan ipakain mo sa mga aso yan !". Ibinato nito ang mga paperworks ng kausap .
Kumatok ako at binuksan ang pintuan . Napatingin ako sa empleyadong ginisa ng mayabang nameng Boss.
"Sir pinapatawag nyo daw ako .". Lumapit ako at ngumiti ito ng malapad .
"Oo . Aliyah pinatawag kita . Halika maupo ka ."
Lumakad ako papalapit dito . Tinulungan ko ang aking katrabaho na magdampot ng mga inihagis nitong papel .
"Salamat Aliyah .". Ngumiti ito at nginitian ko lang din .
Lumabas na ang co writer ko kaya umupo na ko sa harapan ng aming Boss . Malawak ang pagkakangiti nito at halatang masaya sa pagkakakita sa akin .
"Ahm Aliyah . May family dinner kame sa bahay . Gusto sana kitang iinvite . "
"Sir . "
" Henry . Diba sabi ko sayo henry nalang . ". Putol nito sa sasabihin ko .
"Henry . Una sa lahat . Sabi mo family dinner yan . So bakit kailangan nandun ako ? Isa pa . Hindi ako pwede . May tinatapos ako na story . Kasi diba nagsabi ka ng deadline sa amin . "
Napaseryoso ang mukha nito . Tila napahiya sa pagtanggi na ginawa ko .
"Uhm ... Lunch nalang Aliyah . Baka naman dito pede mo ko pagbigyan . "
Napailing nalang ako . Matagal ng panahon na nagpapakita ng motibo saken ang aming Boss . Ngunit kahit konte ay di ko naramdaman na nagustuhan ko ito . Kakaiba ang ugali nito , matapobre, mayabang, hindi makatao . Kung hindi lang sila ang may ari ng kumpanya ay malamang wala naman itong sinabi sa posisyon na hawak nito .
"Aliyah ?". Pukaw nito sa aking atensyon .
"Sige . ". At napalitan ng malaking ngiti ang mukha ni henry .
Lumabas na ko ng office nito . Nakita kong kumpulan ang mga head writers . Dumiretso ako sa aking desk at sumandal . Humarap ako sa mga co writers ko na nagkukumpulan .
"Aliyah . Buti ka pa no . Never mo pa naranasan na mapagalitan ng mayabang na boss naten . " Ani ng isa sa mga ito .
"Panong papagalitan ni Boss yan e patay na patay sa bestfriend ko yang hambog na yan . ". Sagot ni stephanie .
"Tumigil nga kayo . Mamaya marinig na naman kayo nun sisinghalan na naman kayo nun . Sige kayo.". Natatawa akong nagkomento sa kanila .
"Nako stephanie . Paalalahanan mo yang kaibigan mo . Wag na wag sasagutin yun nako hindi sila bagay . Isang anghel sa kagandahan at kabaitan tapos isang demonyo papalit kay lucifer". Iringan ng mga katrabaho ko .
Napatawa nalang ako at bumalik na sa harap ng laptop ko . Inasikaso ang story na tinatapos para sa darating na deadline .
"Oy Aliyah . Pag malaman ko lang na may balak ka na sagutin yan . F.O tayo!".
At nagsign oa nga ito ng ekis sa mga daliri . Natawa ako at nagsign lang din ng thumbs down .