Lakad takbo ang ginawa ni Miana palayo sa palasyo . Yakap nito ang sanggol na nababalot ng ginto .
"Malapit na tayo sa pinagbabawal na daan mahal na prinsipe . Nawa'y nasa maayos ang iyong amang prinsipe at ang hari . "
Malayo layo na din ang takbong ginawa nito hanggang sa makarating ito sa isang kweba . Pumasuk ito duon at dahan dahang ibinaba ang sanggol . Ikinumpas nito ang kamay at pawang nagbigkas ng isan orasyon .
"Abra kazum". Bumukas ang malaking bato na nakaharang sa lagusan ng kweba . Binuhat nitong muli ang nakatulog ng sanggol .
Dali daling pumasuk sa lagusan at nakarating sa dulo ng kweba . May isang malaking oval na salamin . Tila tubig ang pinakasalamin nito at napapaligiran ng liwanag . Ibinaba ni Miana ang sanggol sa harapan ng salamin . At nagsimula na naman itong umusal ng dasal .
"Sa patnubay ng bathala na lumikha ng lahat . Ang pagpasuk sa pinagbabawal na lagusan ay bigyang gabay . Sanggol na magtataglay ng kapangyarihan na mapalaya sa mga masasama ang kagubatan pinagmulan . Nawa'y makapaglakbay sya at sa mabubuting kamay ay ipagabay ........."
"Miana ! Tumigil ka ! Amina ang sanggol !"
Napalingon si Miana at tila natakot sa nakaambang panganib . Binuhat nito ang sanggol at lumapit sa salamin .
"Hindi kayo magtatagumpay sa maitim nyong balak Lord Haton !"
Pagkabigkas nun ay inihagis ni miana ang sanggol sa loob ng salamin.
"Sa pagdating sa lugar ng kapayapaan . Isang gabay ang sasama sayo upang maiwas ka sa kasakitan"
At unti unti nagsara ang ilaw na nalapaligid sa salamin .
"Huwaaaaaaagggggggggg!!". Sigaw ng lalaking tinawag nitong Lord Haton.
"Hhhuuuuhhhhh !!! ". Napabalikwas ako sa aking higaan .
Panaginip na naman .
Tumayo ako at lumabas sa aking kwarto . Tumungo sa aking kusina para uminom ng tubig . Nakatulugan ko ang aking ginagawa . Pasahan na nito bukas . Puyat na naman ako . Kaya ung ano ano ang aking napapanaginipan .
Ngunit sandali . Karugtong ng aking panaginip kina mama ang panaginip ko ngayon . Bakit ganun . Parang totoong totoo talaga sya .
Iniiing ko ang aking ulo saka inistraight ang tubig sa aking baso . Naglakad ako pabalik sa aking kwarto at umupo sa harap ng aking laptop . Inumpisahang muli ang tinatapos na story para sa aking deadline . At sa pagkabusy ko doon ay nawala na muli sa aking isipan ang panaginip na aking kinalilituhan .
-------------------------------------------
"Hello . Stephanie !"
Kasalukuyan na kong nasa kotse at mabilis pa sa hangin na pinatatakbo ito . Late na ko almost 30minutes na kong late . Pag minamalas ka nga naman oh .
"Aliyah . Nasan ka na ba ?! Si sir byernesanto na naman . Lalo na nagtatatalak nung nakitang wala ka pa ."
Napakapit ako ng mahigpit sa manibela ng aking sasakyan . Alam ko naman na di ako sesermunan ni Henry . Pero ang iniiwasan ko lang ay yung punahin ako ng mga katrabaho ko .
"Sige sige . Malapit na din ako step . See you . "
"Sige mag iingat ka beshy ."
At naputol na ang linya . Bakit naman kasi naisip ko pa na umidlip . 5am na ko natapos sa aking ginagawa at naisip ko na mag idlip kahit sampung minuto ngunit pasado alas 7 na ko nagising .
Nakarating din ako sa office . Tumatakbo ako ng bumaba ako sa kotse inihagis ko kay mang andoy ang susi .
"Mang andoy ! Kayo na bahala sa kotse ! May isa kayo saken mamaya ! "
At kinidatan ko ito bago ako pumasuk sa elevator .
"Oo mam Aliyah . Pasalamat ka at maganda ka ! ". Sabay tawa nito .
Nakaakyat na ko sa department ko at lahat ay nakasimangot . Matik . Nasabon na naman sila nitong hambog na Boss . Dumiretso ako sa office nito at sumilip . Nakatalikod ito at nagpapamasahe ng ulo sa kanyang seksing secretary . Kumatok ako at binuksan ang pinto .
"Goodmorning Boss". Mahinang bati ko .
"Anong good sa morning!!!". Sumigaw ito at lumingon sa aking pwesto . Tila ito binuhusan ng malamig na tubig ng makita ako
"Aliyah . Ikaw pala . ". Tinabig nito ang sekretarya at pinaalis . Muli itong tumingin sa akin at ngumiti .
"Sir . Pasensya na , nalate ako tinapos ko po kasi yung novel ko . ". At inabot ko ang aking portfolio.
"Walang problema saken yun Aliyah . Mukhang puyat ka . Gusto mo ba mag undertime ? Bubuuin ko pa din ang sahod mo . Kahit ganun . "
Napairap ako sa sinabi nito . Napapagod ako at wala ako sa wisyo makipaglokohan .
"Uhm hindi na sir . Salamat po . May tatapusin pa kasi akong report . "
Ngumiti ito at tumango . Nagpaalam na ko at pumunta sa aking desk . Nilapitan ako ng aking bestfriend.
"Buti pumasuk ka . Kanina wala na . Suko na kameng lahat na magiginh terror ang araw nato dahil wala ka . ,". Bulong ni steph .
" Pinag a undertime ako pero buo sahod . Lahat talaga gagawin makuha lang ako ."
Napairap ako at nagtimpla ng kape .
,"Beshy . Pogi naman si boss ah . Mayaman . Bakit ayaw mo ? Mabait naman sya sayo . Kung ayaw mo naman sa dame ng palihim na nagpaparamdam sayo dito sa trabaho at sa labas bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend ?"
Napatingin ako dito . Naalala ko ang lalaki sa aking panaginip .
Sana totoo ka lang mahal na prinsipe .
Napangiti ako sa aking tinuran . Tinapik ako ni steph sa balikat.
"Ouch !". Nahimas ko ang pinalo nito .
"Anong nginingiti ngiti mo dyan Aliyah ! Wag mo sabihin meron akong hindi alam !"
Natatawa ako sa sinabi nito at napapailing na binalik ang tingin sa aking laptop .
-----------------------------------------------
Nakabalik si Miana sa palasyo . Hindi ito nagawang paslangin ni Lord Haton dahil sagrado ang ipinagbabawal na lagusan . Hindi gumagana ang mga maiitim na kapangyarihan dito . At dahil sa ginawang pag oorasyon ni Miana ay naging ganap itong Mataas na uri ng diwata .
Sa bawat sugatan na madadaanan ni Miana ay ginagamot nya ito . Nanghihina na si Miana sa dame ng ginamot nitong diwata .
"Prinsipe Aeron nasaan ka?!". Sigaw nito sa loobng palasyo .
"Miana ! Ang hari !". Sigaw ng isang lambana
Agad na naglakad si miana sa kinaroroonan ng hari . Natatabunan ito ng malaking bato . Pinilit nila natanggalin ang bato na nakadagan dito .
"Mahal na hari ! ". Napasigaw si miana sa habag sa pinuno ng mga diwata .
Sinimulan nitong ikumpas ang kamay upang gamutin ang hari ngunit pinigilan nito si Miana.
"Bakit mahal na hari . ?". Nagtataka si Miana sa ginawa nito .
"Miana . Nagagalak ako na narating mo ang kasukdulan ng pagiging diwata . Ngunit batid ko sayo na isang tao nalang ang kakayanin ng kapangyarihan mo na isalba . At hindi ako yun Miana .."
Sa gitna ng paghihirap ay nagawa nitong sabihin .
"Si prinsipe aeron . Malubha sya Miana . Hanapin mo sya . Sya ang iyong gamutin . Ang tungkulin ko ay mas magagawa nya ng matagal na panahon . "
Napaluha si Miana sa narinig .
"Mahal na hari . Magluluksa ang lahat kung kayo ay papanaw ."
"Tapos na ang tungkulin ko Miana . Ikaw ay inaatasan ko na gabayan ang bagong hari . Pagalingin mo sya miana . Humayo ka at nalalabi nalang ang mga oras . "
Tumayo si miana at ikinumpas ang kamay . Sa isang kumpas ay nalaman nya kung nasaan ang prinsipe .
"Isang paghabilin Miana . "
Napatingin itong muli sa hari.
"Isang tungkulin ang sa prinsipe ay aking igagawad . Hanapin , ang sanggol na prinsipe . At hanapin an babaeng nakatakda na magin inah nito . "
Sa pagbigkas ng mga iyon ay tuluyan ng pumikit at nagpaalam ang hari . Isang luha ang iniwan ni miana sa labi ng hari .